Chapter 67

70 5 0
                                    

Taehyung's POV:

Di ko na alam kung saan ako pupunta, basta ang gusto ko lang, makalayo muna 'ko kay Prinsipe Jungkook.

Natatakot akong harapin siya ngayong unti-unti na 'kong naniniwala na ako nga yung pumatay kay Haring Jaejoon, na ako rin yung muntik pumatay sa asawa ko.

Hindi ko na namamalayan na nakarating na pala 'ko malapit sa libingan ni Haring Jaejoon dahil sa kakatakbo ko.

Lumapit ako sa puntod niya tsaka siya kinausap.

"Kamahalan? Ako po ba talaga yung.. pumatay sa inyo? Alam niyo pong hindi ko kayang gawin 'yon. Nangangako po ako na hindi ko magagawa 'yon sa inyo. Natatakot po ako. Natatakot ako na.. harapin yung totoo na baka ako nga po yung may kasalanan kung bakit wala na po kayo. Natatakot po ako na baka ako rin po yung may kagagawan kung bakit muntik ng mamatay si Prinsipe Jungkook.", sumbong ko kay Haring Jaejoon habang umiiyak ako.

Tumingala ako at tumingin sa mga tala sa langit.

"Mahal na Bathala? Tulungan niyo po ako. Alam niyo po na hindi ko kayang manakit ng ibang tao, lalong-lalo na po yung pumatay. Tulungan niyo po akong malaman yung buong katotohanan, please po?", sincere na pakiusap ko sa kaniya, "Ginoong Seojoon? Ama? Alam ko po na naririnig niyo rin po ako. Kilala niyo po ako, diba? Alam niyong hindi ko kayang gawin sa kanila yung mga bintang sa'kin ni Haring Jaehyun. Naniniwala po kayo sa'kin, diba?", si ama naman yung kinausap ko habang hirap na 'ko sa paghinga dahil sa kakaiyak ko.

Biglang bumuhos ng malakas yung ulan pero wala na 'kong pakielam kahit nababasa na 'ko.

Ayokong iwan yung puntod ni Haring Jaejoon dahil nakakaramdam ako ng sobrang guilt kahit hindi ko pa naman alam yung totoo kung ako nga talaga yung may kagagawan sa pagkamatay niya.

Nagdaan yung ilang minuto hanggang sa tumila yung ulan, at kitang-kita ko na yung reflection ko sa tubig na nasa lupa.

Nagulat ako nung ngumiti yung reflection ko sa'kin tsaka siya tumawa ng malakas.

"S-sino ka?", takot na takot ako pero hindi ko magawang tumakbo o kaya gumalaw.

"Ako nga ang nararapat na magtanong sa iyo niyan, hindi ba? Sino ka? Anong karapatan mo na pumasok sa aking katawan? Ano ang karapatan mong angkinin ang pagkatao na hindi naman sa iyo? Ano't ginagamit mo ang aking katawan sa paggawa ng mga bagay upang mapangalagaan ang itinakdang prinsipe na magpapabagsak mismo sa ating bayan? Sa bayan ng Arcturo?", seryoso niyang sagot sa'kin, "Nagtatanong ka kung tunay nga na ikaw ang pumaslang sa Hari ng bayan ng Albirea at ang muntik ng pumaslang sa itinakdang prinsipe?"

Humalakhak muna siya ng malakas bago niya ituloy yung sinasabi niya.

"Totoo. Ako ang may gawa noon. Tayong dalawa. Ngunit alam mo, lubos akong nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat ng dahil sa iyong pagiging mabait, mapagmahal at pagiging mangmang, mas lalo akong nagkaroon ng pagkakataon upang hindi ako paghinalaan ng kahit na sino, maging ang itinakdang prinsipe na iyong pinakasalan gamit ang aking katawan. Maraming salamat sapagkat batid ko na ang magiging kahinaan ni Jungkook. Sa sandaling dumating na ang digmaan, batid ko na kung ano ang makakapagpabagsak sa kaniya.", dugtong niya tsaka siya tumawa ng malakas.

Napailing ako tsaka ako napasigaw ng malakas.

"Wag mo siyang sasaktan! Tigilan mo na 'ko! Wag mong sasaktan yung asawa ko, nakikiusap ako!", pakiusap ko habang naririnig ko pa rin yung tawa niya.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon