Chapter 37

68 7 0
                                    

Dinamayan ko si Prinsipe Jaehyun habang nagluluksa yung lahat sa biglaang pagkamatay ng Hari.

Si Prinsipe Jungkook, nasa bahay niya kasama si Jisoo tsaka Ginoong Sunghyun.

"Kay linis ng pagkakapatay kay Ama. Mga dugo lamang ng Amang Hari ang natitirang bakas sa kaniyang pagkamatay at wala ng iba pa. Ang sandata na ginamit sa kaniya ay hindi pa tiyak kung sandata ba ito ng mga kawal o sandata ng sino man sa loob ng kaharian na ito ang nagmamay-ari?", pagre-report sa'min ni Prinsipe Junghoon.

Kami-kami nina Seokjin, Namjoon, Jimin, Hoseok tsaka Ginoong Seojoon yung magkakasama kasama yung dalawang Prinsipe at Reyna sa burol ng Hari sa labas.

Bitbit na nila yung Hari sa loob ng kabaong at handa na siyang sunugin para i-cremate.

"Ano ang kasalanan ni Ama sa kaniya? Bakit niya kailangang paslangin ang aking Ama na wala namang ibang kagustuhan kung hindi ang makakabuti sa bayan na ito? Kay buti ng aking Ama upang sapitin ang karumal-dumal na pagpatay sa kaniya.", bakas yung pagluluksa sa boses ni Prinsipe Jaehyun.

Hindi ko mahawakan yung kamay ni Prinsipe Jaehyun para iparamdam sa kaniya yung pagcomfort ko kasi makikita ni Prinsipe Junghoon, Reyna Sohyun at mas lalong si Ginoong Seojoon.

Wala ng problema kina Jimin, Hoseok, Namjoon tsaka Seokjin kasi ramdam ko na nakakahalata na rin naman sila sa kung anong meron sa'min ng Prinsipe at okay lang sa kanila.

Pinipili na lang din nilang manahimik para wala ng issue sa iba, and alam nila na wala naman kaming ginagawang masama.

"Naihatid na sa bayan ng Callia ang napakasamang balita na ito. Kailangan na nating mahanap ang liham ng inyong Ama at ang kaniyang kasulatan sa kung sino na ang sunod na hahalili sa kaniya bilang Hari. Mahalaga na maganap na agad ang pagpupulong upang mabasa na sa harap ng buong kapulungan ng pamahalaan ang pasya niya kung sino na ang mamumuno nalalapit na digmaan at buong bayan ng Albirea.", alam ko na ito na yung pinakahihintay ng mahal na Reyna.

"Ina? Maaari po ba na paglaanan muna natin ng panahon ang pagdadalamhati sa pagkawala ni Ama? Ano't iyan agad ang nasa isip mo?", wala sa mood na tanong ni Prinsipe Jaehyun.

"Sapagkat hindi maaari na walang Hari ang mamumuno sa bayang ito, anak. Hindi maaari na walang mamuno. Paano ang paga-angkat mula sa bayan ng Callia at Aria? Paano ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Albirea na nakasalalay sa Hari?", obvious naman na hindi 'to yung concern ni Reyna Sohyun.

"Huwag mong masamain ang salaysayin ni Ina, Jaehyun. Lahat naman tayo ay nalulungkot at naghihinagpis sa pagkamatay ni Amang Hari. Ngunit sa tingin mo ba, gugustuhin ni Ama na magdalamhati na lamang tayo habambuhay? Hindi. Mas hindi lamang matatanggap ni Ama na wala tayong ginagawa ngayon para sa bayang pinakamamahal niya.", gatong ni Prinsipe Junghoon.

Mas lalo lang pumatak yung mga luha ni Prinsipe Jaehyun at mas lalo siyang naiyak nung sinusunog na yung Hari habang nasa loob siya ng coffin niya.

Hinagod ko na lang ng palihim yung likod niya kaya napatingin siya sa'kin.

Ayoko siyang tignan kasi alam kong maiiyak lang din ako.

Ginawan ko pa yung Hari ng Ginataang Kuhol kahapon nung merienda time.

Magkakasama kami nina Jimin, Hoseok, Prinsipe Jaehyun, Prinsesa Jennie tsaka Prinsipe Jungkook sa pagkain.

Pinahintulutan ako ng Hari na makatulong sa pagluluto kasama yung mga tagapagluto ng palasyo para makagawa ng dish na 'yon.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon