Prince Jungkook's POV:
Magkatapat kami ni Taehyung habang sabay na naliligo at nakalusong sa aking malawak at malaking paliguan.
Nangingibabaw ang mga nakalutang na talulot ng mga bulaklak sa ibabaw ng tubig kaya't natatakpan nito ang aming mga katawan.
"Ano't ika'y natahimik? Maaari ka namang tumanggi kung ikaw ay naiilang na makasabay ako sa pagligo.", mahinahon ko na katanungan sa kaniya.
"Di ko lang po alam kung anong sasabihin ko, kamahalan.", bakas nga sa kaniyang pananalita na wala siyang ganang magsalita.
Ako'y napangisi sapagkat kitang-kita ko pa rin ang pagpula ng kaniyang mga pisngi, at ganoon na din ang kaniyang mga tenga.
Inaamin ko na sinadya kong siya'y aking yakapin upang makasama sa aking pagbagsak sa tubig, ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagdikit ng aking ari sa kaniya na kahit siya'y nababalot ng kaniyang kasuotan ay naramdaman ko rin ang kaniyang ari na nagpainit ng aking pisngi.
Kay bilis ng pagtibok ng aking puso ng maramdaman ko iyon, kaya't hinayaan ko na siya na umahon at makalayo sa akin, sapagkat batid kong mayroon akong magagawa na hindi ko nais gawin sa kaniya.
Tunay na nakakaakit si Taehyung, ngunit hindi ko nais na samantalahin iyon upang gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kalooban, at batid kong hindi naman ako ang kaniyang napupusuan kung hindi si Jaehyun.
"Paumanhin sa naganap kanina. Hindi ko nais na makaramdam ka ng pagkailang ngayon sa akin ng dahil sa mga naganap sa atin sa ilalim ng tubig. Ipagpatawad mo, Taehyung.", taos-puso kong paghingi ng tawad sa kaniya.
"Tapos na po 'yon, kamahalan. Alam naman po nating pareho na walang may gusto sa nangyari. Nagulat lang din po ako. Kalimutan na lang po natin na nangyari 'yon. Hindi ko din po gusto na nakakaramdam ng ganitong awkwardness.", hindi ko naunawaan ang kaniyang huling tinuran.
Binigyan niya ako ng isang ngiti na nagpanatag sa akin.
Napanatag na ako na maayos na kami, at kakalimutan na lamang ang mga naganap kanina.
Kay ganda ng kaniyang mga ngiti.
Tunay na ako'y na marahuyo ng iyong wangis at iyong kagandahan.
Batid kong ikaw ay isang lalaki na kagaya ko, ngunit hindi ko mapigilan ang aking puso na mahumaling sa iyo.
Kaya naman pala ganoon na lamang ang pananabik ni Jaehyun na ika'y mapagmasdan at makita sa araw-araw.
Magkahalintulad ang inyong mga pagkatao kaya't madalas kayong magkasundo, samantalang tayo naman ay tunay na magkasalungat.
"May dumi po ba 'ko sa mukha, kamahalan?", napansin niya na ako'y titig na titig sa kaniya.
"Kay sarap lamang pagmasdan ng iyong mukha. Minsan ay napapaisip ako kung tunay ka nga ba talaga o isa ka lamang guni-guni? Ngayon lamang kasi akong nakakita ng ganiyang wangis na mayroon ka. Mas maganda ka pa sa mga kababaihan na aking nakikita sa labas ng palasyong ito.", pagpuri ko sa kaniya.
Napangiti siya, maging ang kaniyang mga mata ay nakangiti rin.
"Grabe? Ganito ba talaga ka-unique yung mukha ko? Pati po si Prinsesa Joohyun tsaka Prinsesa Jennie, napansin yung mukha ko kahapon.", natatawa niyang tugon sa akin.
"Kita mo? Maging ang mga Prinsesa ng bayan ng Callia ay nabibighani sa iyo. Kung isa ka lamang Prinsipe kagaya namin ay tiyak kong pag-aagawan ka pa nila.", pagbibiro ko.

BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...