3rd Person's POV:
"Ano, Jaehyun? Sinabi ko naman sa iyo, hindi ba? Pinaglalaruan ka lamang ni Taehyung. Pinaglalaruan niya lamang ang iyong damdamin at sinamantala lamang ang lambot ng iyong puso. Ngayon? Sino sa inyo ni Jungkook ang pinili niya? Hindi ba si Jungkook pa rin? Hindi ka mahal ni Taehyung at hinding-hindi ka niya minahal. Kay Jungkook pa rin ang katapatan niya kahit na dapat ay sa atin.", pambe-brainwash ni Haring Junghoon kay Prinsipe Jaehyun nung sila na lang ang naiwan sa loob ng silid-pagpupulong.
"Tama ka, kamahalan. Pumayag siya at tinanggap niya ang pagmamahal ko sa kaniya ngunit pinaasa niya lamang ako na maibabalik niya sa akin ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko nais na magalit kay Taehyung ngunit iba na ang nararamdaman ng aking puso. Iba na rin ang kaniyang pakikitungo sa akin at ramdam na ramdam ko iyon. Nangako siya na hindi niya ako iiwan at tatalikuran ngunit iyon ang ginawa niya kahapon. Nadurog ako, kamahalan. Labis akong nasaktan sa ginawa niya.", hindi na matago ni Prinsipe Jaehyun yung galit niya.
Nilapitan ni Haring Junghoon si Prinsipe Jaehyun tsaka niya hinagod ang likod ng nakababatang kapatid.
"Kami na lamang ni Ina ang kakampi mo, Jaehyun. Sa simula pa lamang ay kami lang naman talaga ang kakampi mo. Pinilit ka lamang ni Ama na maging mabait kay Jungkook sa pag-asang magbabago siya at pakikitunguhan ka ng maayos kung magiging mabait ka sa kaniya. Walang puwang ang kalambutan ng puso rito, Jaehyun. Lilinlangin ka lamang ng lahat, kahit ang pinakamamahal mong si Taehyung. Napatunayan na natin na hindi sa atin ang kaniyang katapatan kaya naman natauhan ka na siguro?", mga bulong ng Hari sa kaniya na mas lalong nakadagdag ng galit sa puso niya.
Tumalim yung titig ni Prinsipe Jaehyun tsaka niya padabog na iniwan ang Hari.
Nagtungo siya sa Painting Room niya tsaka niya pinagtatanggal yung mga puting tela na nakatakip sa mga gawa niya.
Lahat ng mga painting at drawings niya kay Taehyung, tinititigan niya hanggang sa napadpad siya sa isang painting kung saan nakalilis pababa yung suot nito at kita yung balat sa balikat niya.
Ito yung araw na nagpunta siya sa silid ng mga mananalaysay para puntahan si Taehyung at nakita niya ng hindi sinasadya na nagbibihis ito dahil bukas ng konti yung pintuan.
Naakit siya sa ganda ni Taehyung nung mga panahon na 'to kaya hindi mabura sa utak niya at nagawa niya na lang ipinta yung nakita niya.
Itong painting rin na 'to yung naging dahilan kung bakit nakita at nalaman ni Haring Junghoon yung tungkol sa balat ni Taehyung sa balikat dahil nung napadaan siya sa Painting Room noong nakaraang mga linggo, nakita niya si Prinsipe Jaehyun na hinalikan ang mananalaysay.
Nacurious siya sa kung ano yung mga paintings tsaka drawings ni Prinsipe Jaehyun sa loob kaya tinignan niya lahat.
"Mahal kita, Taehyung. Mahal na mahal. Bakit hindi mo ako kayang mahalin pabalik? Ano ba ang nararapat ko na gawin upang mahalin mo rin ako?! Ano?!", dahil sa galit ay bigla niyang pinaghahagis at pinagbabato yung mga tools niya kung saan-saan.
Ngayon lang siya sumabog ng ganito dahil ngayon lang niya nalabas yung totoong galit na meron siya.
Matagal na niyang gustong magalit pero ayaw niya dahil sa namayapang Haring Jaejoon.
"Hindi lamang ang kaharian na ito ang aagawin ko sayo, Jungkook. Maging si Taehyung. Nakatitiyak ako na hindi mo na nanaisin pang mabuhay kung mawawala na ang saysay kung bakit ninanais mo pa rin na huminga hanggang ngayon. Sa sandaling maging hari rin ako ng bayan na ito, ipinapangako ko sa iyo at sa aking sarili na wala akong ititira sa iyo. Unti-unti kitang pahihirapan at papatayin dahil sa kalungkutan, hanggang sa ikaw na mismo ang bibigay.", galit na galit na sumpa ni Prinsipe Jaehyun.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...