Chapter 40

79 7 0
                                    

Dinala sa silid-pagsisiyasat si Jisoo at kaharap niya ang Hari at Reyna.

"Batid mo naman siguro kung bakit ka naririto, hindi ba? Batid mo ang kalapastanganang iyong ginawa kung bakit pinakaladkad kita patungo rito?", katakot-takot na bungad ni Haring Junghoon sa kaniya.

"Hindi ko po alam, at wala po akong ginagawang masama upang ipadala ninyo rito sa silid-pagsisiyasat, kamahalan.", matapang na sagot ni Jisoo.

Naglabas si Haring Junghoon ng kapiraso ng halamang nakalalason tsaka niya nilapag sa mesa ng padabog na nasa harap niya.

"Hindi mo pa rin alam? Nagtatanga-tangahan ka ba?", tanong ulit kay Jisoo ng Hari.

"At ano naman po ang mayroon sa dahon na iyan?", walang emosyong tanong ng mananalaysay sa kaniya.

"Saan ka nakakuha ng ganitong uri ng halaman? Inulat sa akin ni Jaehyun na nasaksihan ka niya na mayroong dahon na kagaya nito sa gitna ng iyong paglalakad.", hindi matago ng Hari yung galit at inis niya.

"Bakit ganiyan na lamang po ang inyong pangamba gayong mayroong ganiyang halaman rito sa palasyo?", natahimik si Haring Junghoon sa tanong sa kaniya ni Jisoo.

Umalis ang Hari sa trono niya tsaka lumapit kay Jisoo, at hinawakan ng mahigpit yung mukha niya hanggang sa masaktan na siya.

"Ano ang totoong layunin mo? Kakampi kita, hindi ba? Sa akin ang iyong buong katapatan, ngunit bakit ngayon ay nararamdaman ko na ako'y iyong kinakalaban? Bakit mayroon kang halaman na nakalalason at saan mo ito nakuha?", nanggigigil na sa galit si Haring Junghoon pero hindi niya gustong sumigaw dahil maririnig ang kanilang pag-uusap sa labas.

"Sa silid kung saan iniimbak ang mga inaangkat na mga halamang gamot rito, kamahalan. Batid ko na sa bayan ng Arcturo lamang mayroon nito kaya naman nagtataka ako kung bakit nakapag-aangkat ang bayan na ito ng ganitong lason. Ang namayapang Haring Jaejoon po ba ang naga-angkat nito.. o ang mahal na Reyna Sohyun?", pinipigilan lang ni Jisoo na wag maiyak pero nasasaktan na siya.

Padabog siyang binitawan ni Haring Junghoon kaya natumba siya sa sahig.

"Ano ang ginagawa mo sa silid kung saan iniimbak ang mga halamang gamot? Pinapunta ba kita roon? Hindi mo alam kung anong kapahamakan ang dinala ng iyong ginawa sa paghulog mo ng halaman na ito ng hindi sinasadya. Ngayon? Paano ko maia-alis sa isipan ni Jaehyun ang patungkol sa halamang iyan at sa paga-angkat galing sa bayan ng Arcturo? Batid ko na nagiisip-isip na siya at hindi ko batid kung paano ko malilihis ang kaniyang pansin patungkol rito?", puro sermon lang yung inabot ni Jisoo sa Hari.

Natahimik sandali si Haring Junghoon tsaka tinalikuran si Jisoo.

"Madaling malinlang at malihis ang pansin ni Jaehyun, ngunit hindi si Jungkook. Isa pa siya sa aking suliranin. Batid na niya ang tungkol rito at batid ko na hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang mga kabatiran na nais niya. Kung nais mo na makabawi sa iyong katangahang nagawa, gawin mo ng maayos ang aking ipapagawa, nauunawaan mo?", pinakalma na ng Hari yung sarili niya para makapag-isip siya ng maayos.

"Opo, kamahalan.", agad na sagot ni Jisoo.

"Batid mo naman na ang patungkol sa lason, hindi ba?", may kakaiba sa tanong ng Hari kaya napakunot yung noo ni Jisoo, "Gawin mo ang lahat upang maibaling kay Jungkook lahat ng sisi. Nagawan ko naman na ng paraan na mai-tago ang lahat ng mga halamang iyan kaya wala ng naabutan si Jungkook sa silid kung saan ito nakaimbak. Wala ng patunay o kahit na anong katibayan si Jungkook laban sa amin ni Ina."

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon