Pagbalik ko sa aking tahanan, naabutan ko na nagtatawanan sina Jisoo at Taehyung, ngunit hindi pa rin mawaglit sa aking isipan at naging isang palaisipan sa kung sino ang tunay na may gawa ng pagkakalason kay Taehyung kanina.
Hindi ko nais na bumuo na naman ng isang haka-haka at magbintang ng walang sapat na patunay kaya wala akong mapagbintangan ngayon.
"Kamahalan?", pagbibigay galang nina Taehyung sa akin nang ako'y makita nila.
"Napaslang niyo na po ba ang muntik kumitil ng buhay ni Taehyung?", katanungan ni Jisoo sa akin.
"Wala siyang pagkakasala kaya naman pinalaya ko na siya.", nagulat silang dalawa ni Ginoong Sunghyun sa aking ulat.
"Po? Paano?", katanungan ni Ginoong Sunghyun.
"Ipinainom ko sa kaniya ang natitirang lunas na nakasalin sa kaniyang lalagyan na naiwan niya dito para kay Taehyung at walang nangyari sa kaniya.", ang lunas na nakasalin pa sa tunay nitong lalagyan bago isalin sa maliit na baso at ipinainom kay Taehyung.
"Mayroong.. natira? Ang akala ko po ay.. ipinainom niya lahat kay Taehyung ang lunas?", kaduda-dudang katanungan ni Jisoo sapagkat bakas sa kaniyang kasagutan na mayroon siyang kaba.
"Buti na lamang ay hindi. Kung walang naging katibayan na naiwan, marahil ay nakapaslang pa ako ng isang manggagamot na wala naman palang pagkakasala. Kung sino man ang nagdala sa kaniya sa kapahamakan at nagdulot kay Taehyung ng muntik ng kasawian, mananagot siya. Malalaman ko rin kung sino ang tunay na may pagkakasala. Hindi siya mawawaglit sa aking paningin.", dahil sa aking mga tinuran, nabasa ko ang biglang pagbabago ng wangis ni Jisoo.
Bahagya siyang napalunok at nilihis ang kaniyang titig sa iba.
"Kumusta na po ang manggagamot, kamahalan? Maayos lang po ba ang kaniyang kalagayan? Naparusahan po kasi siya kanina, hindi ba?", katanungan ni Ginoong Sunghyun sa akin.
"Hindi maayos ang wangis niya at punong-puno ng sugat ang kaniyang mga hita at tuhod, ngunit binigyan ko siya ng salapi upang makabili ng mga lunas na kaniyang gagamitin upang lunasan ang kaniyang sarili. Binigyan ko rin siya ng salapi upang ipambili ng mga pagkain para sa kaniyang mag-iina.", pagsasabi ko ng tapat kaya naman napangiti si Ginoong Sunghyun at Taehyung.
Napakunot ang aking noo sapagkat ganito ba kalaking kabutihan ang aking ginawa sa manggagamot na iyon?
"Ano't nakangiti kayo?", naguguluhan kong katanungan.
"Nakakatuwa lang po na tinulungan niyo yung manggagamot ko. Bumawi po kayo sa nagawa niyo. Hindi ko po kasi inaasahan na kaya niyong gawin 'yan? Ibang-iba ka nga po talaga sa mga nabasa kong libro.", nakangiting tugon sa akin ni Taehyung.
"Ganiyan ba kasama ang mga nakasulat sa mga aklat-talaan ng kaniyang mga nakaraang mananalaysay?", katanungan sa kaniya ni Ginoong Sunghyun.
"Opo. Wala po akong nabasa na maganda bukod sa matalino siya tsaka matapang. Pero ngayong ako na po yung nakakakita, masasabi ko po na hindi lahat ng mga nakasulat 'don, totoo lahat. Ang daming fake news, pero totoo pa rin yung iba.", hindi talaga marunong magsinungaling si Taehyung kaya naman ako'y napangisi sa kaniyang kadaldalan.
"Pangkaraniwang tulong lamang ang aking ibinigay sa kaniya. Walang katangi-tangi sa aking ginawa.", hindi ko nais na ako'y napupuri sapagkat hindi ako sanay.
Wala naman kasing pumupuri at pumupuna ng aking mga mabubuting nagagawa, kaya naman bago sa akin ito at si Taehyung pa ang nakapansin.
"Maaari niyo ng lisanin si Taehyung. Kailangan na niyang magpahinga.", kautusan ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...