Chapter 66

92 4 0
                                        

Taehyung's POV:

Nakabalik na 'ko sa tahanan ni Prinsipe Jungkook kasama si Jisoo.

Walang nagsasalita ni isa man sa'min dahil sa mga kautusan ni Haring Jaehyun na ikinagulat naming lahat.

Di ko na alam kung ano yung mararamdaman ko.

Di ko na alam kung ano yung mararamdaman ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Minamahal ko? Hindi ako magpapakasal kay Prinsesa Jennie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Minamahal ko? Hindi ako magpapakasal kay Prinsesa Jennie. Walang pagbubuklod ang magaganap kaya huwag ka ng mangamba.", panimula ni Prinsipe Jungkook para basagin yung katahimikan namin.

Kitang-kita ko sa mga mata ng Prinsipe na nalulungkot na siya at namumugto na rin yung mga mata niya.

"Walang suliranin sa akin kung ikaw ay maging mananalaysay ni Jaehyun, ngunit ang hindi ko matanggap ay kung bakit kinakailangan pa na ibuklod ako kung kani-kanino para lamang bigyan ng sapat na katiyakan ang ating pakikipag-anib sa bayan ng Callia.", mga sumbong niya sa'kin.

Hinawakan ko yung mga kamay niya at kinausap siya ng mahinahon.

"Gustong-gusto man kitang ipagdamot, pero hindi pwede. Wala ako sa posisyon para gawin 'yon, at isa pa.. hindi rin naman kasama sa tungkulin ko yung hadlangan kung ano yung makakatulong sa bayang 'to. Masakit sa'kin at alam kong masakit din para sayo, pero kailangan mong ikasal kay Prinsesa Jennie, kamahalan. Ito yung nakatadhana sayo at hindi ko pwedeng baguhin 'to. Sa oras na binago natin yung kasaysayan, hindi lang tayong dalawa yung magdudusa kung hindi yung buong bayan na minamahal mo at gusto mong mapangalagaan laban sa bayan ng Arcturo.", mahinahon kong paliwanag habang patak na ng patak yung mga luha ko.

"Paano ang ating mga pangako noong tayo at nag-isang dibdib? Wala bang halaga sa iyo ang ating mga binitawang pangako sa isa't-isa? Ang sabi mo ay hahawak ka sa akin ng mahigpit at hindi mo ako bibitawan. Ano't bumibitaw ka ngayon, minamahal ko?", nagc-crack na rin yung boses niya kasi pinipigilan niya yung pag-iyak niya.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon