a filo taekookau
- wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...
Nakabalik na kami sa loob ng palasyo, tapos bumungad sa'min sina Prince Junghoon, Prince Jungkook, sina Jimin tsaka Seokjin pati yung Hari at Reyna.
Mukha silang gulat na gulat sa nakikita nila.
"Bakit basang-basa kayo? Ano ang tunay na naganap?", tanong sa'min ni Haring Jaejoon.
Mukha namang hindi siya galit.
Mukhang nag-aalala lang talaga tsaka mukha siyang curious na confused.
Nagkatinginan muna kami ni Prince Jaehyun bago siya sumagot.
"Hindi po namin sinasadya na madulas sa mga bato na katabi ng ilog kaya naman kami ay nahulog roon, Ama. Kaya't basang-basa kami ngayon.", polite na response ni Prince Jaehyun sa mahal na Hari.
"At sabay kayong nadulas?", sabat na tanong ni Prince Jungkook tsaka nagnod si Prince Jaehyun sa kaniya.
"Ngunit bakit kayo magkasama? Mas bibigyan mo ng panahon na makasama ang mananalaysay na ito imbis na sumama ka sa pagpupulong kasama ang Hari at Reyna ng bayan ng Callia kasama ang kanilang mga Prinsesa? Paparating na sila at kahiya-hiya kung maaabutan nila na ganiyan ang iyong wangis, Jaehyun. Magpatuyo ka na at magpalit ng kasuotan. Sasama ka sa pagpupulong sa ayaw mo at sa hindi.", pinagalitan siya ng mahal na Reyna.
"Hindi ako dadalo sa gagawin ninyong pagpupulong, Ina.", ayaw niya talagang sumama.
"Ganoon din ako. Batid ninyong lahat na ni minsan ay hindi ako dumalo sa walang kwentang pagpupulong na iyan. Sasayangin ko lamang ang aking panahon.", kahit si Prinsipe Jungkook ayaw niya rin.
"Kung gayon, ako na lamang pala talaga ang karapat-dapat na maluklok bilang Hari ng bayan na ito sa sandaling kailangan ng magpahinga ng ating Ama? Kay titigas ng ulo ng kaniyang mga nakababatang anak.", iba yung nararamdaman ko sa sinabi ni Prince Junghoon.
Medyo mahangin na may pagkahambog yung dating ng sinabi niya sa'kin.
Or baka bias lang talaga ako kasi mas gusto ko si Prince Jaehyun?
"Taehyung? Nalabhan mo na ba ng maayos ang aking sapin at kasuotan?", napatingin ako kay Prince Jungkook nung tinanong niya 'ko.
"Opo, kamahalan. Tapos na.", nagpipigil lang ako ng inis kasi nasa harap ko yung mga kagalang-galang na tao.
"Sumunod ka sa akin. Magbalik na tayo sa aking tahanan at doon ka na magpatuyo.", panibagong utos niya sa'kin.
"Halika na.", niyaya na rin ako ni Jisoo.
Naiwan kasi siya kasama si Ginoong Sunghyun nung ako yung nautusan na maglaba ng mga 'to.
Nagbow muna 'ko ng slight tsaka tumingin kay Prince Jaehyun para magpaalam.
"Salamat po sa pagtulong sa'kin, Prinsipe Jaehyun.", pasasalamat ko sabay ngiti.
"Walang anuman, Taehyung. Magpalit ka agad ng kasuotan upang hindi ka na madapuan ng sakit.", ang caring niya pa rin talaga.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.