Taehyung's POV:
I'm so nervous.
Buti pa si Hoseok, kahit last minute napunta pa kay Prince Jaehyun!
Pwedeng makipag-swap?
"Taehyung? Ano't nangangatog ang iyong mga tuhod?", tanong ni Jimin sa'kin.
"Totoo na ba 'to? Wala na bang tawad? Si Prinsipe Jungkook na talaga?", hindi ko na matago yung kaba ko.
"Hindi ba't hindi ka naman natatakot sa kaniya? Iyan ang sinambit mo sa amin noong nakaraang mga buwan. Sa kaniya ka man madestino o hindi, walang magiging problema sa iyo.", sagot ni Seokjin sa'kin.
"Makakaya mo iyan, Taehyung. Ilang taon lang naman ang ating gugugulin rito sa ating tungkulin at pagkatapos noon ay makakalabas na tayo ng palasyo at kung gugustuhin mo ng tumangi at mag-asawa, magagawa mo na iyon kung nanaisin mo.", kung may iniinom lang ako, baka nabuga ko na dahil sa sinabi ni Hoseok sa'kin.
Ano ba 'tong pinasok mo dito sa Albirean Dynasty, Taehyung?
Ang dami-dami mong pwedeng career na pasukin.
May pintor naman dito, may author ng mga libro, pwede ka ding magtinda ng mga kung anu-ano, pero bakit Historian?!
"Naghihintay na si Ginoong Seojoon sa atin sa labas ng silid. Magtungo na tayo sa kaniya sapagkat may pagsumpa pa tayo na kailangang gawin.", utos sa'min ni Namjoon kaya lumabas na kami.
Magkakasama na maglakad yung apat pero si Ginoong Seojoon yung kasama ko.
"Ano't nangangamba ka?", serious na tanong ni Ginoong Seojoon sa'kin.
Sobrang obvious ba na kinakabahan ako?
"H-hindi po.", nagsinungaling na lang ako kasi baka mapagalitan ako?
"Hindi ka na maaari pang umatras, Taehyung. Ito na ang nakatadhana para sa iyo. Ang kailangan mo lamang ay harapin ito. Dito ka dinala ni Bathala kaya buong puso mo itong tanggapin. May dahilan kung bakit ka niya dinala rito.", pakiramdam ko may double meaning lahat ng sinasabi niya sa'kin?
Naaalala ko na naman nung nakita ko siya sa may labas ng bus that night before the accident.
Siya talaga 'yon.
Hindi ako namamalikmata.
"Opo, Ginoo.", polite kong response.
"Ginoo? Hindi na Ama ang tawag mo sa akin? Dapat na ba akong magdamdam?", may bahid ng lungkot sa boses niya.
Ama yung tawag ko sa kaniya?
Sabagay, siya pala yung nagkupkop sa'kin dito mula pa nung maliit pa 'ko.
"Patawad, Ama. Hindi ko po gustong magtampo ka. Sinubukan ko lang po kung magtatampo ka nga kapag Ginoo yung tinawag ko sayo? Nagtampo ka nga.", smooth like butter na ba yung alibi ko?
"Kailan ka pa natutong magbiro? Mukhang nahahawa ka na kina Jimin?", seryoso pa rin siya.
"Parang ganun na nga po.", sagot ko sabay tawa ng medyo awkward.
Nakarating na kami sa loob ng palace tsaka kami dumiretso sa labas ng Meeting Room.
Meeting Room ba 'to?
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...
