Magkasama na sa iisang bubong sina Haring Junghoon at Prinsesa Joohyun sa bayan ng Albirea.
Natapos na yung piging pero hindi pa rin umuuwi sina Prinsipe Yoongi at Prinsesa Jennie.
Samantalang nakabalik naman na ng kanilang kaharian ang Hari at Reyna.
"Tila hindi nga magkasundo si Haring Junghoon at Prinsipe Jungkook, ano? Palagi na lamang silang nagkakaroon ng iringan.", mga tanong ni Prinsipe Yoongi kay Jimin habang naglalakad-lakad sila sa may halamanan na may mayabong na kulay pink na mga dahon at naglalaglagan pa ang iba.
"Mula nang ako po ay napunta dito sa palasyong ito, wala pa pong araw ang lumipas na hindi ko po sila nakitang nagkasundo kahit isang beses lamang. Pareho po kasi sila na mayroong paninindigan na ipinaglalaban. Parehong mayroong taglay na katapangan na palagi na lamang nagkakasalubong at nagbabangga kaya naman nagkakaroon sila ng alitan.", kwento ni Jimin.
"Ngunit nararamdaman ko na kakaiba at katangi-tangi ang tapang na mayroon si Prinsipe Jungkook. Hindi lamang katapangan na wala sa lugar ang kaniyang inaasal. Katapangan na mayroong hinog na pag-iisip at may paninindigan. Huwag kang magalit sa akin ngunit.. para sa akin ay hindi karapat-dapat na maghari sa bayang ito si Haring Junghoon. Wala akong nakikita ni isang katangian sa kaniya upang maging Hari. Kaya naman kanina pa ako nagtataka kung bakit siya ang iniluklok ng namayapang Hari ninyo rito?", hindi gustong mangwestyon ni Prinsipe Yoongi kay Haring Jaejoon pero nilalahad lang niya kung ano yung napapansin niya.
Nagkasama kasi sila kanina sa piging.
"Mabuti't nakapagtimpi pa ako sapagkat ang pinakahindi ko nais na makasama ay ang mga tao na katulad niya. Paano ninyo nagagawa na makasama sa iisang palasyo si Haring Junghoon sa ilang linggo o buwan niyo nang naririto?", wala namang bakas ng pagkainis sa tono ni Prinsipe Yoongi dahil kalmado lang siya palagi at marunong magtimpi, pero totoo yung sinasabi niya na naiinis na siya.
"Sina Namjoon at Seokjin po ang nararapat nating tanungin tungkol riyan, o kaya naman ay si Prinsipe Jaehyun sapagkat gaya ninyo ay tahimik lamang siya, maunawain at matimpihin.", mahinahon na sagot ni Jimin.
"Si Prinsipe Jaehyun naman, iba ang aking nararamdaman sa kaniyang katahimikan. Hindi ko batid kung ako lamang ngunit iba ang aking nababasa sa kaniyang mga mata. Parang nawa'y mayroon siyang poot o galit na itinatago sa pamamagitan ng pananahimik. Iyan ang aking mga pansin at puna sa aking mga nasaksihan sa tagal naming magkakasama kanina.", kay Jimin lang niya nakukwento lahat ng 'to dahil alam niya na mapagkakatiwalaan siya.
Kahit na palaging tahimik si Prinsipe Yoongi at sobrang observant niya sa mga tao sa paligid niya at mga nakikita niya.
"Napansin rin po ninyo? Maging kami po ni Hoseok ay unti-unti na rin pong napapansin iyan sa mahal na Prinsipe magmula noong hindi na sila nakakapag-usap ni Taehyung. Hindi po namin batid kung ano po ang naganap sa kanila o kung ano man po ang namamagitan sa kanilang dalawa? Palagi na lamang din po kasing nakakasama ni Prinsipe Jaehyun sina Reyna Sohyun kaya nagbabago na rin po ang kaniyang inaasal paminsan-minsan? Ngunit, mabait pa rin naman po siya sa amin at tahimik pa rin.", kahit si Jimin ay sumang-ayon sa kaniya.
"Tingin ko ay may lihim siya na pagtingin o pagtatangi kay Taehyung? Saksi ako sa kaniyang pagtitig kay Prinsipe Jungkook at Taehyung kanina nang kami ay nagsasalo sa alak. Naiinggit marahil si Prinsipe Jaehyun kung gaano kalapit sina Taehyung at Prinsipe Jungkook sa isa't-isa? Mas mukha pa nga na mayroong namamagitan kina Taehyung at Prinsipe Jungkook nang sila ay aking masaksihan kanina sa piging.", ang daming nalalaman ni Prinsipe Yoongi na ikinagulat ni Jimin.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...