"Kamahalan?! Ika-pito na po ng umaga! Gumising na po kayo!"
Napakamot ako ng ulo tsaka ako napakunot ng noo nung may narinig ako na sumisigaw.
"Wait lang~ Five minutes pa~", inaantok kong reklamo sabay inat bago ako bumaling sa kaliwa.
Nakaramdam ako na parang ang lambot na ng hinihigaan ko kaya napadilat bigla yung mga mata ko.
May unan na 'ko tsaka sapin, and may kumot pa na makapal.
"Si.. si Prinsipe Jungkook ba yung.. yung naglagay ng mga 'to?", pabulong kong mga tanong.
Napaupo ako tsaka ako lumingon sa paligid pero nasa living room pa rin naman pala ako.
"Kama-", napahinto si Ginoong Sunghyun nung nakita niya 'ko, "Taehyung? Ano ang ginagawa mo dito? Dito ka natulog?", confused niyang mga tanong.
"Opo.. Ginoong Sunghyun. Kagabi lang naman po. Di na po 'to mauulit.", nahihiyang sagot ko.
"Bakit nga pala dito mo napili na matulog? Hindi ka ba pagagalitan ni Ginoong Seojoon sa iyong ginawa?", concern na tanong niya sa'kin.
"Papagalitan po. Ako na pong bahala kay Ama. Uh.. Ginoong Sunghyun? Tulog pa naman po si Prinsipe Jungkook, diba? Baka pwede niyo po akong tulungan ulit sa paggawa ng almusal niya para paggising niya, may kakainin na siya.", pabulong kong sagot.
"Halika. Mukhang malalim ngayon ang tulog ng mahal na Prinsipe kaya't hindi pa siya nagigising.", sinakyan din ni Ginoong Sunghyun yung trip ko.
Tinupi ko muna yung sapin tsaka kumot tapos pinatong ko yung unan para hindi nakakalat sa sahig.
Tinulungan ako ni Ginoong Sunghyun na magluto sa kusina ni Prinsipe Jungkook at natapos kami agad.
Naghiwa ako ng mga carrots tapos inukitan ko ng smiley face katulad nung ginawa ko sa kaniya nung nakaraang mga araw.
Ako yung naglagay ng breakfast niya sa table sa kwarto niya tsaka ko siya iniwan bago ako bumalik sa silid namin.
•~•
Nasa archery field kami nina Jimin kasama yung dalawang Prinsipe para magpractice sila.
Niyaya ni Prinsipe Jaehyun si Prinsipe Jungkook, pero hindi 'to tumanggi.
"Jungkook? Nais mo bang malaman kung ano ang taktika na sinabi sa akin ni Haring Junghoon upang mabilis mong maipatama sa gitna ang iyong palaso?", mga tanong ni Prinsipe Jaehyun sa kaniya, "Isipin mo o ilarawan mo sa iyong isipan na ang gitnang bilog na patatamaan mo ng iyong palaso.. ay ang ulo ng iyong kalaban o kaaway.
Hindi lang si Prinsipe Jungkook yung napatingin sa kaniya, pati na rin ako tsaka sina Jimin.
Di ko lang inexpect na sa kaniya mismo lalabas yung mga salitang 'yon.
"Talaga? Kung gayon.. mayroon ka ngang kaaway o kagalit na mailalarawan mo bilang pulang tuldok na patatamaan ng palaso?", natatawang tanong ni Prinsipe Jungkook pero alam mong sarcastic, "Sino ito, Jaehyun? Ako ba?"
Mas tinawanan siya ni Prinsipe Jaehyun dahil sa sinabi niya.
"Hindi. At bakit naman ikaw? Ikaw ba'y aking kalaban? Hindi naman. Ang Hari ng Arcturo ang tinutukoy ko. Ang Hari ng kahariang muntik ng magpabasak ng ating kaharian noon.", nakaramdam ako ng relief dahil sa sinagot ng Prinsipe.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...