(tw // blood, violence, sword, death)
Pinauna ni Taehyung lahat ng mga kawal na kasama niya para makapasok sa loob ng tarangkahan tsaka siya sumunod.
Kabilang sa mga kawal na kasama niya ay ang kaniyang ama.
Pagpasok nila sa loob ng kaharian ng Albirea, walang katao-tao sa labas kaya naman nilusob na nila ang mga mamamayan na nananahimik at nasa kani-kanilang mga tahanan.
Nangingibabaw yung takot at sigaw ng mga mamamayan ng bayan ng Albirea habang walang awa silang pinapahirapan ng mga kawal na kasama ni Taehyung, at ang mga ayaw magpasakop at sumunod ay kinikitil agad yung mga buhay.
Ang akala ni Taehyung ay napaslang na niya lahat ng mga kawal sa labas ng tarangkahan ngunit nagkakamali siya.
Mayroong dalawang kawal ang hindi niya nakita na napasugod agad kina Prinsipe Jungkook upang mag-ulat.
Nagmamadaling magtungo ang dalawang kawal sa prinsipe sakay ng mga kabayo at naabutan nila na nagsisimula ng makipagdigma ang prinsipe at hari.
Naglakas-loob silang lapitan ang prinsipe at ng mapaslang na nito ang kawal na nasa kaniyang harapan, dali-dali silang nag-ulat.
"Kamahalan?! Si Taehyung po, nakabalik na ng kaharian! Ngunit-"
"Ngunit ano?", sabat ni Prinsipe Jungkook habang nababalot na ng dugo yung kasuotang pandigma niya at hawak-hawak ng mahigpit yung sandata.
"Pinaslang po niya ang mga kawal na nagbabantay sa harap ng tarangkahan sa timog na bahagi ng kaharian, mahal na prinsipe! Mayroon rin siyang dalang hukbo at mga kawal iyon ng bayan ng Arcturo. Nakapasok na po sila ng kaharian! Kailangan po namin ng karagdagang mga hukbo laban sa kanila dahil kung hindi-"
Sinuot ni Prinsipe Jungkook ang kaniyang pananggalang sa ulo tsaka siya bumalik sa kabayo niya at iniwan si Haring Jaehyun ng walang pasabi tsaka siya sinundan ng dalawang kawal na nag-ulat sa kaniya.
Nagtungo siya kina Prinsesa Joohyun upang sabihan na saklolohan si Haring Jaehyun sa pakikipagdigma sa hari at nanghiram siya ng mga kawal upang makasama niya sa pakikidigma sa pagbabalik niya ng kaharian.
Nagpadala din siya ng mga kawal patungo sa bayan ng Callia para manghingi ng mga karagdagang mga kawal na kakalaban sa bayan ng Arcturo.
"Ano't kinakalaban tayo ng inyong mananalaysay, kamahalan? Bakit umanib siya sa bayan ng Arcturo?", tanong ng isang kawal kay Prinsipe Jungkook habang nakasakay sila ng kabayo pabalik ng kaharian.
"Hindi siya si Taehyung. Hindi siya ang aking mananalaysay. Hinding-hindi magagawa ng aking minamahal na magtaksil sa kahit kanino man.", matapang na kasagutan ng prinsipe kaya kumunot yung ulo ng kawal.
"Minamahal, kamahalan?", naguguluhan niyang katanungan.
Hindi na sumagot si Prinsipe Jungkook at mas lalong nagmadali sa pagbabalik sa loob ng kaharian ng Albirea.
Pagdating nila sa may tarangkahan sa timog, kitang-kita ng prinsipe yung mga walang buhay na kawal.
"Maraming salamat, mga magigiting na mga kawal.", bulong ng prinsipe habang malungkot na nakatitig sa mga nasawing kawal.
Nagbuntong hininga ang prinsipe tsaka na sila pumasok sa loob, ngunit pagpasok na pagpasok pa lang nila sa tarangkahan, may mga kawal agad na lumusob sa kanila.
Bumaba ng kabayo ang prinsipe ganoon din ang dalawang kawal at sama-sama nilang kinalaban ang mga kawal ng bayan ng Arcturo.
Gulat na gulat ang mga kawal ng Arcturo sa dami ng hukbo na kasama ng prinsipe laban sa kanila.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...