Malayo na sa dating buhay ang binata. Bagong kapaligiran na ang kanyang kinakatayuan. Iba sa nakasanayan na mga kagubatan at ngayon ay nasa kabihasnan na. Mga ordinaryong tao na ang nasa kanyang paligid hindi tulad noon, mga imortal ang kanyang nakakasalamuha. Maingat na ito ngayon sa pagkilos at paggamit ng kakaibang abilidad dahil sa pangamba na siya ay husgahan at maaring patayin sa oras na matuklasan ng mga tao ang tunay nyang pagkatao.
Tumutulong ang binata na si Niall sa isang restaurant na pagmamay-ari nila Zanchi at Lucien. Madalas ay mga estudyante ang mga customers nila, napansin ni Lucien na pasimpleng tinitingnan ng binata ang nga estudyante. Hindi sinasadya ni Lucien na mabasa ang isipan ng kanyang kaibigan.
"May kilala akong may-ari ng isang unibersidad. Maari kang makapasok doon at makapag-aral."
Gulat man sa narinig mula sa kaibigan niyang si Lucien ay hindi na nagdalawang isip pa si Niall na tanggapin ang alok ng kaibigan. Nakaramdam ito ng kasiyahan sa kanyang loob, matagal na niyang pangarap na nakapasok sa isang paaralan at makapag-aral.
"May kakayahan kang hindi kayang gawin ng isang normal na tao. Mananatiling lihim ang buo mong pagkatao sa isang kondisyon. Kailangan mong hanapin ang taong ito. Sapat na marahil ang anim na buwan para magawa mo ang iyong misyon. Sa oras na hindi mo mahanap ang taong ito, sa ayaw mo man at hindi, ibubunyag ko ang katotohanan sa likod ng pagkatao mo."
Inabot niya ang isang punit na litrato na nasa tapat niya. Nababalutan ito ng natuyong dugo, sinubukan niya itong burahin ngunit maging at nakaimprentang larawan ay nabubura. Wala itong ibang naisip na paraan kundi ang amuyin at lasahan ang dugo sa papel.
Nakaramdam ito ng pagkahilo at halos mawalan ng balanse nang biglang may pumasok na mga alaala sa kanyang isipan. Mga imahe ng mga tao, nakikipaglaban sa mga tulad niyang imortal. Mga pagpatay, mapupulang dugo at mga pangil ng bampira ang kanyang nakikita sa alaala nito. Nakita rin nito ang sarili sa isipan, balot ng dugo ang kanyang palad at ang katawan habang yakap- yakap ang isang babae.
Matapos pumasok sa kanyang isipan ang mga alaala ay nanghina ito at nawalan ng malay.
"Kailan ka pa nakakaramdam ng panghihina? May blood bank naman sa restaurant ni Zanchi, hindi ka ba umiinom doon?" Dire-diretsong tanong ni Lucien kay Niall.
Tumawag ang kaibigan ni Lucien na si Assuncion na may-ari ng unibersidad na nawalan ng malay si Niall. Ngayon ay idinala ni Lucien si Niall sa sariling kuwarto nito upang makapagpahinga.
"Last year, matapos nating makalaban sila Raelle." Nanghihinang tugon ni Niall.
Pakiramdam nito ay binibiyak ang ulo nito sa pagkirot. Kung saang mga parte ng kanyang katawan ang masakit na hindi niya maipaliwanag. Maging ang lalamunan nito ay tila disyerto na sa sobrang tuyo. Alam niya sa sarili nito na may mga nangyayari na sa kanyang katawan. Hangga't kaya niyang pigilan ang sarili ay gagawin nito dahil hindi nito gusto makasakit ng mga tao sa kanyang paligid.
"Hindi sa pinangungunahan kita. Ang akin lang ay ayokong nakikita kang nahihirapan." Nanghihina man ay nilingon ni Niall si Lucien hanggang sa magtama ang kanilang mga mata.
"Kailangan mo na uminom ng sariwang dugo ng tao."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...