Liane Point of View
Halos gumapang ako palabas ng detention room. Nanginginig ang buong katawan ko matapos kong makita ang bangkay ng isang estudyante. Pilit ko siyang ginising iyon kanina, akala ko ay gising kasi ito dahil nakamulat ang mga mata niya, isa pa ay natataranta na ako kung anong gagawin, hindi na rin ako makapag-isip ng maayos. Nang iuupo ko sana siya ay hindi ko makuhang alalayan siya dahil may kabigatan ang katawan niya. Sunod ay hinawakan ko ang dibdib nito para tingnan kung may pagtibok pa ang puso nito...wala akong maramdaman. Bakit gano'n? Inilapit ko pa ang tenga ko sa ilong at bibig nito para pakiramdam ang paghinga nito ngunit hindi ko iyon magtagpuan, wala akong maramdaman.
Paanong nangyari iyon?
Patay na ba talaga siya?
"Niall." Halos hindi ko na magawang mabanggit iyon dahil napaluhod na ako sa sahig.
"Shit!" Nahuli na ito para masalo ako at hindi tuluyang mapaluhod sa sahig. Mabuti nalang at nasa labas na ako ng kwarto at nakalanghap ng hangin dahil pakiramdam ko sobrang sikip sa loob ng detention room.
"May...may estudyante ro'n. Duguan...walang buhay. Tumawag tayo ng-" Nabitawan ako ni Hellix nang may humila sa kanya at inihampas siya sa pader. Madilim sa hallway kung nasaan kami dahil sa nagbabadyang ulan.
"Don't fucking touch her!" Galit na sigaw ni Hellix, napansin ko ang pumutok nitong labi at ang kumawalang dugo doon na tumulo na sa damit nito kahit na madilim ngayon sa kinaroroonan namin at tangi pagkidlat sa labas ang nagbibigay ng saglit na liwanag.
Ngunit patuloy na lumalapit sa akin ang lalaking sumuntok sa kanya. "Nice meeting you again. Naubos na kasi ang baon kong pasensiya ngayong araw kaya, pasensiya na kung nasuntok-" Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla nalang tumilapon at humampas sa pader si Dancel. Anong meron sa dalawang toh? Ibig sabihin magkakilala pala talaga sila ni Hellix, marahil maging ang tatlo pa sa grupo ng Sangreal.
"Umalis ka na rito." Malamig na sabi ni Hellix sa akin at pinunasan ang dugo sa labi niya.
"Hindi...Ano bang meron? Bakit kayo nag-aaway." May hawak na tabla si Dancel at hinampas iyon sa likod ni Hellix. Napikit ako nang tumalsik ang dugo niya sa mukha ko. May ilan na napunta sa bibig ko at nalasahan ko iyon.
Muntik pang mawalan ng balanse si Hellix at madaganan ako, mabuti nalang at nayakap ko siya kahit na namamanhid na ang buo kong katawan sa sobrang kaba.
Pareho na kaming balot ng dugo sa katawan. Hinihingal siyang humarap sa akin, ramdam ko ang mainit niya paghinga na tumatama sa mukha ko.
"Close your eyes." Utos niyang muli, pero nanatiling nakamulat ang mga mata ko at nasa mga mata niya ang atensyon ko. Kulay pula ang mga iyon, hindi ako pwedeng magkamali. Akmang hahawakan ko siya ngunit may marahas na pwersa ang humawak sa braso ko dahilan para mapaghiwalay ako sa kay Hellix.
Huling nakita ko ay ang nakabulagtang katawan niya bago ako yakapin ng kadiliman.
***
Isang malambot na kama ngayon ang hinihigaan ko. Sa sobrang komportable ko rito ay ayoko ng bumangon pa. Hanggang sa mapagtanto ko ang isang bagay. Nasaan ako?
Nagmadali akong bangon ngunit napaupong muli sa gilid ng kama dahil sa pagkirot ng katawan ko at maging ang ulo ko ay tila binibiyak sa dalawa.
Hanggang sa may umalalay sa akin. Isang babae, hindi pamilyar ang mukha nito dahil malabo ang paningin ko sa mga oras na iyon, kung kaya't lumayo ako ng kaunti sa kanya. Tumayo naman siya at lumapit sa isang maliit na mesa sa gilid ng kama.
"Kumain ka muna." Inilapag niya sa tapat ko ang isang tray, kung saan may isang pinggan na may lamang pagkain, isang mangkok na may sabaw at isang baso ng tubig sa gilid.
"Sino po kayo? Bakit po ako nandito?" Nang maka-adjust ang paningin ko ay napagtanto ko na nasa isang kwarto ako, sa isang bahay.
"I'll tell you later, just eat first." Nginitian niya ako at wala na akong nagawa kundin sundin ang sinabi niya.
***
"Ibig pong sabihin dito po nakatira si Niall?" Nakasunod ako sa kanya, nasa isang walking closet kami at pumipili siya ng damit na maisusuot ko. Tanging bath robe lang ang suot ko ngayon at pinapa-dry clean pa ang uniform ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko, akala ko sa palabas lang sa mga telebisyon ang mga ganitong klase ng kwarto.
"Kayo po siguro ang ate niya." Dagdag ko, hinarap niya ako at inabot ang isang kulay krema na blouse.
"Pwede nating sabihin 'yon. Isukat mo na 'yan o kung anong gusto mo pwede kang pumili rito." May isa pang damit siyang inabot sa akin.
"Ano nga pong pangalan niyo?" Nasa tapat na kami ng restroom nito habang hawak ko ang ang pares ng damit at undergarments na binigay nito upang makapagpalit ako.
"Zanchi Excelson."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...