*Continuation*Nanginginig ang palad nito nang hawakan niya ang gilid ng ulo ko.
"I said don't move!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa hindi niya pakikinig sa akin.
"P-pero," nauutal niyang sabi. Huminga ako ng malalim para makatayo, pero hindi pa naman ako nakakilos nang isa-isang nahulog ang mga libro sa itaas ang bumagsak sa aming dalawa ng dalaga."Fuck!"
I quickly hugged Liane. I carefully held its head to protect it from the falling thick books.
Hindi ito insidente lang, dahil ang kakaibang nararamdaman ko kanina ay mula sa isang nilalang na halos patayin na ako sa talim ng tingin niya."Are you jealous?" Tanong ko lamang sa isip. Lalong nadagdagan ang mga bumabagsak na libro sa amin. Mukhang narinig naman niya ang tanong ko dahil sa reaksyon niya.
"Let her go." Kahit na sa isipan lang kami nag-uusap ay dama ko parin ang galit sa mga binitawan niyang salita. Napakaimportante naman ng babaeng yakap ko para sa kanya.
Once I know the real reason why they are getting close to this woman, I will not hesitate to use her in my personal mission.
"Hindi ka ba titigil? Nakikita mo nang takot na takot si Liane!"
"Hindi mo na rin ba siya kayang protektahan? Layuan mo diya and I'll take care of her." Dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa amin ni Liane."Tangina mo, Niall!"
Kung hindi ko lang yakap si Liane, kanina ko pa siya itinumba sa kinakatayuan niya.
Ano bang ipinagyayabang nitong nilalang na ito?
Dahil may kakampi siya ngayon?
Nabalitaan ko ang pag-aaway nila ni Dancel noong makaraan. Kung hindi lang dumating ang mga kaibigan nito siguradong nasa hospital na ang isang 'to at may taning na ang buhay. Ang lakas ng loob na kalabanin niya kaming mga Sangreal akala mo kung sino, mahinang uri lang naman siya ng bampira.
***
At clinic.
Isa, dalawa o tatlong beses at higit pa ang pag-iwas na ginawa ko dahil sa pagpilit sa akin ni Liane na linisan niya ang sugat sa ulo ko. Hindi sa nag-iinarte ako o ano pa. Ang akin lang naman, kusa naman iyong gagaling at isa pa ay ayokong mapalapit sa kanya ngayon.
Kami lang dalawa ang nasa clinic, pinaalis ko yung nurse na nagbabantay dito, dahil una sa lahat hindi ko sila kailangan, maliban sa katabi ko ngayon."Bakit ka ba nagpakabayani kanina! Ha! Kapag talaga nakita ito ng mga kaibigan mo at sinisi nila ako-"
"Umalis ka na nga, ang ingay mo." Binato ko siya ng unan na kulay puti, sayang lang at nakaiwas siya."Bilis na kasi, saglit lang naman lilinisan yang sugat mo. Napakaarte. May klase pa ako ha!" Inirapan pa niya ako habang hawak-hawak ang mga gamit sa paglilinis sa sugat ko.
"Ako pa maarte?! Hindi nga ako nakarinig ng 'Thank you' sa'yo kanina sa nangyari sa may library!" Napayuko tuloy siya at natahimik. Tsk.
Ilang sandali lang ay narinig ko na naman siyang magsalita, "Sorry." Maayos naman ang pandinig ko pero bakit iyon ang salitang binanggit niya?
"Sorry? Shouldn't you say 'Thank you' to me?"
"Sorry kasi dahil sa akin nabukulan at nasugatan ka. Okay na? Gets mo na?" Humihingi siya ng "Sorry" pero masama ang tingin nito sa akin. Hindi ko alam kung matatanggap ko ang paghingi niya ng tawad gayong labag naman iyon sa loob niya."Tsk. Ewan ko sa'yo. Lumabas ka na, sabi mo may klase ka pa." Inayos ko na ang upo ko at bumaba na sa kama.
"Pero yang ulo mo-"
"Liane, I'm alright." Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa."The hell!" Pasalamat siya at napigilan bko ang sarili ko na maihampas siya sa pader.
"Alright pala ah!"
"Bakit mo ba ako binatukan! Kita mo na ngang masakit ang ulo ko!"
"Umamin ka rin, feeling strong kahit hindi naman tsk!" Ibinato niya sa akin ang bulak at alcohol na hawak niya sabay labas ng clinic.Mukhang mapapalaban ako na makuha ang loob ng babaeng 'yon.
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampirosAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...