Liane Point of View
Nakaiwas kaagad si Benj nang batuhin ko siya ng takip mg tupperware. Nasa may cafeteria kami ngayon at halos dalawang linggo narin nang mag-umpisa muli ang bagong semester.
"Nag-away ba kayo? Nung last ko kayong makita eh masaya pa kayo."
Pasimple kong tiningnan si Nico na nasa may sulok na table malapit sa may exit nitong cafeteria. As usual ay mag-isa lang itong kumakain at may mga makakapal na libro sa tabi nito.
"Kapag wala kang magandang magagawa sa isang tao, lumayo ka." Natahimik tuloy si Benj at nagpatuloy sa pagkain. Naramdaman na niya siguro na hindi kami ako komportable na pag-usapan namin ngayon si Nico.
Kung alam lang niya ang totoo.
Tuwing hapon pagkatapos ng klase ay diretso na ako sa gymnasium para sumabay kay Benj. Madalas ay ginagabi pa kami pero wala namang kaso iyon sa akin basta may makasama ako sa pag-uwi. May training pa ito sa gymnastics minsan naman ay hinihintay pa namin matapos ang practice ng mga varsity players ng university.
"Sa plaza, alas dos ng madaling araw magsisimula ang pagpatay." Napaatras tuloy ako nang akmang bubuksan ko ma ang pinto sa may gym nang makarating ako. Mabuti nalang at nagawa kong makalayo dahil tuluyang bumukas ang pinto at iniluwa ang dalawang lalaki.
Itinago kaagad nung isa ang isang puting sobre, may kakapalan ito. Tumikhim ang kasamahan nito kaya napaiwas ako ng tingin. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay biglang dumating si Benj na galing sa loob.
"Excuse me!" Malakas nitong sabi at napilitang tumabi ang mga lalaki at nang dumaan si Benj ay nasagi ng bag nito ang braso ng lalaking may hawak na sobre.
"Shit!" Mabilis na kumilos ang dalawa na pulutin ang nagkalat na pera sa sahig. Gulat man sa nangyari ay naagaw ng atensyon ko ang nasa puting sobre. Magkatulad ang sobre na iyon sa sobre na natanggap ko noong nasa ospital si Lolo Morris.
"Sangreal." Napahinto sila sa pagkilos at tumingin sa akin. Naramdaman ko na hinawakan ni Benj ang braso ko at hinila paalis doon pero nakatingin parin ako sa sobre. Hindi ako puwedeng magkamali dahil malinaw sa mga mata ko ang kulay dugo na tinta na ginamit sa pagsulat sa papel.
"Sinusundan mo ba kami? Paano mo nalaman ang tungkol sa Sangreal." Ramdam ko ang diin sa pagsasalita niya na tila nagpipigil ito ng galit.
"Umalis na tayo." Itinulak ng lalaki si Benj kung kaya't mapahiwalay ito sa akin. Hinarap ako ng lalaki at walang sabing dinakma nito ang leeg ko.
"Ano pang mga narinig mo!? Hindi bale, tutuluyan na rin kita at kahit na ano pang narinig mo sa usapan namin hindi mo na kami maisumbong pa." Wala akong ideya sa mga sinasabi niya at kung may pinag-uusapan man sila ay wala na akong pakialam doon.
Alam kong nagkaroon ako ng koneksyon sa mga Sangreal, pero nang malaman ko na delikado na maging malapit ako sa kanila ay mas pinili kong umiwas nalang. Ilang buwan narin akong walang balita sa kanila, kahit na nakikita ko sila sa mat University ay ako na mismo ang lumalayo.
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...