Liane Aesha Pov
Nahuli kong nakatingin sa akin si Nico. Nasa dulo kami ng library kung saan matatagpuan ang nga mahahabang mesa at upuan. Isang ito parte sa loob ng library na para sa mga student na nagbabasa o nagre-research ng mga libro, gumagamit ng computer at mga matatapang na estudyanteng natutulog sa ilalim ng mga mesa. Airconditioned din kasi ang buong library kung kaya't maganda ang lugar para tulugan, kailangan mo lang humanap ng lugar na mapagtataguan dahil sa oras na mahuhuli ka ng librarian, isang dosenang libro ang sasampal sa mukha mo.
"Ito nga pala yung notes ko. Inabot ko sa kanya ang limang fillers. Sunod ang apat na xerox copy na ipinamigay ng professor namin para sa next lesson.
Napataas ako ng isang kilay dahil nakatingin parin si Nico sa akin. Napahawak ako sa pisngi ko.
"May dumi ba ako sa mukha?" Umiling lang ito.
"Parang dumoble kasi ang mga dala mong mga print-outs. Ano nga pala niyan? Modules?" Inilabas ko lahat ng laman ng bag ko, hinugot ko pa isang envelope na may lamang mga papel.
Tumikhim muna ako at inilapit ko ang upuam ko sa kanya. Sinigurado kong mahina lang ang boses ko para walang makarinig.
"Gumawa kasi ako ng kahihiyan last week. Nahuli ako ng student council, yung masungit na isnaberong si Hellix. Community service lang dapat ang gagawin ko, hindi ko alam kung anong hinithit no'n at may iba siyang pinagawa." Alam kong wala siyang ideya sa nangyari sa akin last week dahil absent ito.
Ayoko sanang ipaalam dahil ayokong maalala ulit yung nangyari sa amin sa loob ng kwarto.
Muntik nang itampal ni Nico ang libro na binabasa nito dahil sa akma kong pagsigaw.
"Putngna!- Aray!" Sinamaan niya ako ng tingin tila binalaan niya ako na may mga tao sa loob ng library. Baka mamaya ay may mga lumilipad na libro papunta sa amin dahil sa pagsigaw ko.
Naiinis lang ako dahil naalala ko ang mga dapat kong gawin!
"Sino ba kasing hindi maiinis? Mas gugustuhin ko pang magwalis sa quadrangle kaysa sa pesteng research na ito!" Bulong ko kay Nico, may pagdiin rin ang pagbanggit ko ng bawat salita sa sobrang inis ko.
"Ano bang nangyari sa'yo? Alam mo naman na madalas ay hindi makatarungan ang punishment ng student council sa pag- violate ng mga patakaran nila dito sa university." Isa-isa niyang inabot ang mga papel na nasa mesa. Hindi ko alam kung kailan ko matatapos ang mga research na iyon. Ang mahirap pa ay napakalayo ng course ko sa hindi ko malamang anong course nung lalaki na iyon.
"Nasira kasi ang tiyan ko."
Nasabi ko na sa kanya ito noon. Kahit naman ako ay napipilitan lang na kumain ng mga pagkain na panis na. Wala naman akong magagawa dahil kahit gusto kong kumain ng mga bagong lutong pagkain ay wala naman akong pambili. Mayroon man ay mas inuuna ko ang makakain ni lolo at mga gamot na iinumin nito. Ang nga natirang pagkain nalang ang madalas na kinakain ko.
"Sinabi ko na sa'yo no'n, diba? Huwag kang kakain ng mga panis na pagkain. Ba't ba ang kulit mo?!"
Napalunok nalang ako ng sariling laway. Hindi ko pa nakitang naging seryoso ang mukha at pananalita nito. Nang tiningnan ko siya na diretso sa mata parang mawawalan ako ng hininga. Pakiramdam ko ay hinihigop nito ang lakas ko sa pamamagitan ng pagtitig nito sa akin.
"N-nico..." Umiwas ito ng tingin at nagsimulang magligpit ng gamit.
"Dahil walang nagsasabi sa'yo, papabayaan mo nalang gawin ang gusto mo. Sa tingin mo tama yang ginagawa mo? Hindi, Liane, inilalagay mo sa alanganin yang sarili mo."
Inilagay niya sa backpack ang lahat ng papel na kailangan ko sa paggawa ng research ni Hellix. Hindi ko napansin na may kumawala ng luha sa mata ko at binasa ang tuyo kong pisngi.
"Tumayo ka na r'yan, bawal kumain sa loob ng library."
***
Nasa cafeteria kami at nasa harapan ko ang isang tray na puno ng pagkain. Mula sa snacks at isang meal for lunch.
"Sorry, wala kasi akong choice-" Napahinto ako nang isubo ni Nico ang kutsara na may lamang kanin sa bibig ko. Nakaabang agad ang isang hiwa ng burger steak na nasa tinidor.
"Kumain ka na, pagkatapos aasikasuhin natin yung research mo." Kinuha na rin niya ang plato nito at kumain.
Inubos na namin ang oras ng lunch break sa pagkain at pag-uusap tungkol sa kailangan gawin tungkol sa punishment ko.
Magkaiba kami ng course ni Nico, first year palang naman kami dahil d'on ay may ilang subjects kami na magkatulad kaya nakakasama ko siya sa klase. Madalas at si Benj ang kasama ko, ang kaso abala naman ito sa ibang barkada niyang gay, sigurado akong nasa basketball court na naman sila dahil may practice ang mga varsity players ngayon.
Napatingin ako sa wall clock. Ala singko na ng hapon. Naipahinga ko sa mesa ang ulo ko, oras na para kitain ko si Hellix at mag-report kung ano ng nangyari sa ipinapagawa niya. Ang sabi ni Nico kanina ay mabuting matapos ko na agad yung punishment ko para hindi na ito dumagdag sa paparating na midterm exam.
"Magiging routine ko na ata ang pagpunta rito sa detention room."
Huminga muna ako ng malalim at dumiretso na sa loob ng building. Nakakatakot mang pumasok dah may kadiliman na sa paligid at sa loob ay kailangang ko paring puntahan si Hellix. May ilang estudyante akong nakasalubong, galing siguro sila sa detention sa itaas. Pagkalabas nila sa elevator ay ako na ang sumunod na pumasok roon.
Habang nasa loob ay binasa ko ulit ang mga nagawa ko, mabuti nalang at tinulungan ako ni Nico kahit na sinermunan niya ako kanina.
Kumatok muna ako tatlong beses sa pinto. Pinihit ko na ang doorknob para mabuksan na ito ng tuluyan. Sa sobrang ingat ko ay ni walang nagawang ingay ang pagbukas ko nito. Nakakapagtaka dahil wala akong maramdaman at makitang tao sa loob. Pumasok na ako sa loob at kumuha ng upuan upang gawing pangharang sa pinto. Mabuting may harang iyon para hindi na kami makulong ulit.
Maalinsangan sa loob, kung kaya't binuksan ko ang bintana at inilagay sa gilid ang mahahabang kurtina. Pumasok na ng tuluyan ang malamig na simoy ng hangin, malapit naring bumalot ang dilim sa paligid. Nakikita ko mula sa kinakatayuan ko ang ilang estudyante. Masaya silang naglalakad kasama ang mga kaklase papunta sa gate para makauwi.
"Mukhang nasa klase pa si Hellix." Nasabi ko nalang at humarap sa mga upuan upang maupo.
Napatigil ako nang may mapansin ako sa isang mesa malapit sa blackboard. Pamilyar ang mga papel na iyon. Nilapitan ko ang mga ito at kinuha ang isang papel. Hindi naman ako magkakainteres doon kung wala akong nakitang kakaiba. Nakita ko ang pangalan ko sa isang papel, hindi ano pwedeng magkamali dahil ako mismo ang nagsulat sa bawat page ng papel na ibinigay ni Hellix sa akin. Natatakot lang ako na baka mawala ang mga iyon, ayoko namang mawalan ng references dahil wala akong ibang mapagkukunan ng sources. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may marahas na humablot no'n sa akin.
"Who told you to touch it?!" Pigil hininga akong humarap sa lalaking nagsalita, nasa gilid ko ito at halos hindi ko makita ang mga mata nito dahil sa kapal ng bangs niya.
Basa iyon na parang kakatapos lang nitong maligo.
"Ah, pasensya na. Akala ko kasi sa akin kaya-" Naalala ko bigla na hindi ko pa pala nakuha yung ibang print-outs kay Nico.
Paano na kapag hinanap ni Hellix ang mga kopya?
Teka nga muna...
Bakit nasa kanya yung mga xerox copy na 'yon?Sa pagkakatanda ko ibinigay ko iyon kay Nico?
Hindi kaya nagkaroon din ng interaction sila ni Nico at kinuha ni Hellix ang mga kopya?
Anak ng tinola naman!
#

BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...