Liane Point of View
Nawalan ako ng lakas para kumilos. Napaluhod nalang ako sa pagkabigla at maging ako ay inalalayan ng mga taong nakapaligid kay Benj.
"Mabuti pang idala na natin siya hospital! Mawawalan na siya ng dugo!" May ilang lalaki ang nagmadaling alalayan ang isang binatang balot ng dugo at walang malay na nakahandusay sa kalsada. Ang ilan naman ay masamang nakatingin kay Benj na tila wala sa kanyang sarili.
"Sa pulisya natin dalhin ang hayop na ito para ipakulong na! Gusto niyo bang atakihin pa tayo ng nilalang na iyan!"
Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Ilang beses na akong sumigaw sa isip ko na sana panaginip lang ang lahat ng ito.
Nakagapos ang magkabilang kamay ni Benj. Wala itong damit pang-itaas. Halos balot ng malapot at mapulang dugo ang kanyang mukha at katawan. At sa isang bagay na hindi ko kayang tanggapin ay ang kanyang matalim, matalis na mga pangil.
***
Nakipagkita ako kay Dancel sa likod na parte ng bar. Kalahating oras narin akong naghihintay sa kanya pero wala paring dumarating. Gusto ko na ring umalis dahil hindi ako mapalagay sa kalagayan ni Benj ngayon. Wala akong nagawa kanina para pigilan ang mga tao para kaladkarin ito at idala sa prisinto.
"I have already withdrawn to pay sa mga bagong sumali sa grupo. Make sure your work will be clean because if not, buhay ninyo ang magiging kapalit."
Mabilis akong nagtago sa likurang banda sa isa sa mga naka-park na sasakyan dito sa may likod ng bar. Sa pagkakaalala ko ay boses ni Yuri ang narinig ko. May inabot itong mga sobre sa grupo ng lalaki. At sobrang pamilyar ng sobre na iyon dahil malinaw sa paningin ko ang salitang "Sangreal" na kulay dugo.
Katulad ng sobre na ibinigay ni Gavin kapalit ng dugo na kanyang hinihingi sa akin noon sa hospital.
"Liane?"
Nagbalik ako sa reyalidad nang may humawak sa braso ko at itinayo ako.
"Bitawan mo ako!" Napasigaw ako hindi dahil sa gulat kundi sa mahigpit na pagkakahawak niya sa akin.
Kaagad naman siyang sumunod at humakbang pa ito paatras upang hindi kami masyadong mapalapit sa isa't isa.
Napansin ko na tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napakunot noo ako sa ginawa niya.
"You think I won't know what you're doing here?" Ngumisi pa ito ma parang matatakot niya ako sa ginagawa niya.
"Hindi ikaw ang gusto kong makausap." Naglakad na ako para bumalik sa loob ng bar. Ngunit walang kisapmata na nasa harapan ko ma siya at tila nabasag ang tenga ko nang marinig ko ang malakas na pagbagsak ng exit door.
"I have indicated several times that we are not normal and you are bringing yourself closer to death."
Napayuko nalang ako at walang nagawa kundi sumuko. Sa panahon ngayon na siya lang ang inaasahan ko pero hindi ko mahanap kung saan ko siya makikita. Tama ba talaga na sa kasamaan pa ako lumapit para sa kaligtasan ng mga taong mahal ko sa buhay?
"I need you. I need help."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampirosAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...