Warning: She the Devil 22

22 0 0
                                    

Yuri Inagawa Pov

Naging bastos man ang pagpasok ko sa kwarto ay wala akong pakialam. Matalim niya akong tinignan habang sila Dancel at Gavin ay nag-iwas nalamang ng tingin.

Walang sabi ako lumapit sa may mesa. May mga babasaging baso ang naroon at may laman ang iba habang ang ibang nasa mesa ay ubos na ang laman.

Naguguluhan ang mga mata ng babae nang tingnan ko siya. Nagkalahad ang braso nito sa meaa habang inaasikaso ni Flare ang paglalagay niya ng aparato sa braso ng dalaga.

Mabilis kong hinawakan ang malaking mesa at itinumba ko iyon. Lahat ng baso at ilang bagay na nakapatong doon ay nasa sahig na. Nagkalat na ang mga basag na baso maging ang mga laman nito ay kumalat sa sahig.

"Putangina! Ano bang problema mo!" Kinuwelyuhan ako ni Dancel, isa sa siya sa mga tao rito na napakaiksi ng pasensya. Kahit na tumalsik na ang laway nito sa mukha ko dahil sa pagsigaw niya ay tinulak ko lang siya at tinalikuran.

"Tumayo ka r'yan." Walang emosyon kong sabi. Hindi ito kumilos. Kung balak niya akong ipahiya sa mga taong nasa loob, nagtagumpay siya, pinagmukha niya akong tanga sa mga oras na iyon.

Dahil nakatulala lang siya sa akin, marahas kong hinila ang braso niya at kinaladkad palabas ng Vip room.

***

Sa may exit na kami dumaan, malapit na rin ito sa parking lot at wala pang masyadong tao. Tanging poste sa ilaw ang nagbibigay ng liwanag ngayon sa kinakatayuan namin.

Binitiwan ko na siya dahil kanina pa siya nagpupumiglas para makawala sa pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Siraulo ka ba! Wala ka bang ibang mapagtripan kaya nangingialam ka-"

Napasandal siya sa may kotse nang hawakan ko ang balikat nito at itinulak. Pasalamat siya at marami akong baong pasensiya, dahil kung hindi kanina pa siya nakabulagta sa malamig na kalsada.

"Are you out of your mind?! Magpapakamatay ka talaga para sa putangna pera na 'yon!" Hindi ko alam kung dala lang ng alak ang mga nakita ko, napahina ang pagsinghal ko.

May kakaiba sa mga mata niya nang magtama ang paningin namin at magtitigang dalawa. Kumikinang ang mga iyon tulad ng mga bituin sa langit tuwing gabi na lagi kong tinitignan bago matulog. Napakagandang pagmasdan ng mga iyon pero nagkamali ako, hindi sila mga bituin na kumikislap tuwing gabi.

Umiiyak siya, mga luha niya iyon.

Nabitawan ko siya at napahakbang ako paatras. Nagmamanhid ang magkabilang palad ko, hindi ko maintindihan kung bakit may kakaiba akong naramdaman nang makita ko siyang umiiyak.

"Kung pwede lang na mamatay ako para makuha ang pera na iyon, gagawin ko. Hayaan mo na ako, wala kang alam sa sitwasyon na mayroon ako." Mabilis niyang pinunasan ang mga nakakapsong luhang nag-uunahan na lumandas sa tuyong pisngi nito.

"Hindi kita papayagang bumalik sa loob, at gagawin ko ang lahat para hindi ka makabalik sa lugar na ito." Muli ay nagkaharapan kaming dalawa, may luha paring kumakawala sa magkabilang mata nito na kahit anong pilit niyang pagpahid sa mga ito ay hindi parin ito matigil.

***

Nasa isang convenience store kami. Ilang mga tinapay, cup noodles at mainit na kape, gatas at tsaa ang binili ko. Wala naman kasi akong ideya kung ano mga gusto niyang pagkain.

"Sabihin mo nalang kung anong gusto mong kainin." Inilapag ko ang tray na may lamang mga pagkain. Isa-isa ko pa iyon inilapit sa kanya. Tahimik lang niyang inabot ang cup na may umuusok na gatas.

Unti-unting tumatahimik ang lugar, mukhang nakauwi na rin ang mga tao mula sa kanilang mga trabaho at payapa ng natutulog sa kanilang mga bahay. Maging ang mga sasakyan sa kalsada at ibang pang transportation na naghahari sa mga kalsada ay nakapahinga na sa terminal. Siguradong ilang oras lang mula ngayon ay bubuhayin na nilang muli ang mga lansangan.

"Alam kong naguguluhan ka pa ngayon sa mga nangyari. Sino ba naman ako para pigilan ka sa desisyon mo? Pero kasi...hindi tama ang ginawa mo kanina. May iba pang paraan para magkaroon ka ng pera." Napatigil siya sa pagkain ng biscuits, nilingon niya ako. Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil nagtamang muli ang mga paningin namin.


Kung kanina ay napakagandang tingnan ng mga iyon ngunit iba na naman ang mayroon sa mga mata niya, nakakatakot iyong pagmasdan. Puno ito ng lungkot, mas mabuti pumikit na lang siya.

"Sana araw-araw ka nalang lasing. Hindi ko akalain na napakadaldal mo pala." Inilapit niya sa akin ang isang cup na may kape.

"Sa totoo lang gusto kong magpasalamat sa'yo. Tama ka, hindi ko alam kung bakit ako pumayag kanina. Si lolo lang ang nasa isip ko, gusto ko siyang matulungan, gusto ko ng pera para magpagamot ko siya at tuluyang gumaling. Kung sakaling mamatay ako ay makaya niya na wala ako-"

Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa mga walang kwentang sinasabi niya. Nahihirapan siyang nguyain ngayon ang malaking mamon na nasa bibig niya.

"Gutom ka lang, anong pinagsasabi mo." Inirapan ko pa siya at nagpatuloy sa pag-inom ng kape.

***

Makailang beses ko na siyang tinanong kung totoo bang nasa bahay na nila kami. Para sa akin kasi masyadong maliit ang lugar na iyon para maging bahay? Hindi nga ako sigurado kung kasya ako sa pinto na iyon.

"Sigurado ka ba? Alam ko ngayon lang tayo nagkakilala pero-aray!" Alam ko na hindi siya siya katangkaran, sa totoo niyan ay hanggang balikat ko lang siya. Pero paano niya ako nabatukan? Ibang klase talaga ang babae na ito.

"Judgemental! Umuwi ka na nga. Salamat sa paghatid." Itinulak pa niya ako palapit sa kotse ko. Nanatili akong nakatayo sa kinakatayuan ko. Nakipagtitigan pa ako sa kanya.

"Let me clear things up, Ms. Taxi girl-Aray! Kanina ka pa! Lintik na!" Nakakunot pa ang noo nito at masma ang tingin sa akin. Kainis!

"Binatukan mo na ako kanina tapos aapakan mo naman ngayon ang sapatos ko!" Naiinis kong sabi, kung hindi lang talaga ako nakapagpigil, naku lang!

"May pangalan ako! Kaya pwede ba tigilan niyo na ako sa pagtawag sa akin na Taxi girl? Isa pa yung kaibigan mong pauso ampotchi!"

"Ampotchi? Sounds cute. Yun nalang ang nickname ko sayo-The fuck!" Hila-hila niya ang kaliwang tenga ko at pinipilit pa iyon.

"Liane Aesha Figueroa! Iyon ang pangalan ko! Ulitin mo!"

"Ang haba naman! Ampotchi nalang para madali. Aray! Putangina!" Pinitik niya ang noo ko ng tatlong beses!

"Liane. Ayan nasabi ko na!" Humakbang palayo sa kanya baka balian naman niya ako sa susunod nito.

"Oh ba't ka nakatingin? Pumasok ka na sa bahay niyo, baka hinahanap ka na ro'n." Sabi ko nalang at akmang iikot na para makasakay na sa kotse.

"Ano talagang pangalan mo?"

"Huwag na baka hanapin mo pa sa Fb, hindi pa man din ako naga-accept ng mga sadista." Paliwanag ko at kumaway sa kanya para makauwi na rin ako.

"Edi huwag!" Tinalikuran na niya ako at nilapitan ang gate na gawa sa kinakalawang na yero. Ngunit binato niya lang ako ng masamang tingin nang magsalita ako.


"Yuri Inagawa... and nice meeting you."






#

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon