Liane Aesha Pov
Naramdaman ko ang paghawak ni Benj sa magkabilang pisngi ko. Napatigil tuloy ako sa paglalakad. Makalipas ang tatlong araw ay nakabalik narin ako sa university. Ayoko pa sanang iwan si Lolo pero pinipilit niya akong pumasok na ngayong araw. Makulimlim pa ang panahon kaya nag-alala ako na baka umulan at wala siyang kasama sa bahay. Nahihiya na nga ako dahil naabala na si Aling Koring, mabantayan lang kami ni Lolo Morris.
"Ngumiti ka nga! Nakakahawa yang pagiging seryoso mo, kaya wala kang jowa."
"Hindi ko kailangan ng boyfriend. Nasa school ako para mag-aral, makapaghihintay yang jowa na 'yan."
Bumalik muli ako sa pagiging poker face ang mukha. Stress na nga ako sa mga nangyayari 3 days ago, dumagdag pa ang isang problema.
"Ano ngayong ang ihaharap kong mukha kay Hellix? Sigurado akong dadagdagan niya ang punishment ko. Ilang araw akong hindi nakapag-report sa kanya." Humarang sa dinadaanan ko si Benj na nakapamaywang.
"Don't worry bakla! Ilang araw naring wala sa school si Mr. Hellix, balita nga raw may sakit siya. Hindi ko lang sure kung kailan siya papasok." Naging maayos na ang pakiramdam ko matapos kong marinig iyon. Siguro tatapusin ko na lang din ngayon ang mga naiwan ko na research paper para pagbalik ni Hellix tapos na ang gawain ko.
***
Mag-isa ako ngayon sa library. Matapos ang mga nangyari sa hospital, hindi na kami nagkita ni Nico. Hindi rin naman kasi ma-contact ang isang iyon. Maging si Benj ay walang ideya.
Habang abala ako sa pag-search sa internet, naalala ko ang salitang gumugulo sa isip ko. Ano kayang meron sa salitang iyon? Bakit nakasulat pa sa kulay dugo na tinta?
"Sangreal."
Hindi ko na nagawang makita ang results para sa mga impormasyon na nasa internet dahil may mga sigawan akong narinig sa labas. In-off ko ang cellphone ko at iniligpit ang mga gamit ko. Nakakapagtaka kung bakit gano'n ang mga reaksyon ng mga estudyante. Mahigpit na ipinagbabawal na hindi pwedeng gumawa ng ingay sa paligid ng library. Napansin ko rin na lumalabas na rin ang ilang kasamahan ko sa library dahil sa kuryosidad.
"May sunog ba?" Tanong sa akin nung isang 1st year college na babae. Umiling ako sa kanya at inilibot ang paningin sa paligid nang makalabas kami.
"Siguradong hindi dahil hindi naman tumutunog ang mga alarm." Napakunot noo na rin siya sa pagtataka. Hanggang sa matanaw namin ang kumpol ng mga estudyante sa di kalayuan.
"Baka may naaksidente?" Wala sana akong balak na lumapit pa pero hindi ko na napigilan na mapasabay sa pagdating ng ilang estudyante na nakikibalita.
''Nandito nga talaga sila!"
"Parang nag-iba na pangarap ko ngayon!"
"Saang department ba daw sila?"
Ilan lang iyon sa mga naririnig ko habang papalapit sa kumpol ng mga tao. Padami ng padami ang mga lumalapit kaya naguguluhan ako kung ano nga ba ang dahilan. Habang may oras pa para hindi maipit sa mga estudyanteng paparating pa ay umatras ako at tumalikod para makaalis sa lugar. Ngunit nang marinig ko ang salitang kanina lang ay isini-search ko sa internet ay napalingon akong muli.
"Mga Sangreal."
Tumahimik ang paligid na kanina ay halos hindi na magkarinigan ang lahat. Pigil hininga akong humarap sa pinagmulan ng kaguluhan kani-kanilang. Hanggang sa napadasal ako sa loob ko na sana ay hindi nalang ako lumingon pa.
"Ms. Taxi girl?" Nakita ko na nagbulungan ng mga estudyante at ang ilan ay masama akong tiningnan.
Tumingin ako sa magkabilang gilid ko kung sino ang tinawag ng lalaki, at napahakbang ako paatras nang tuluyang lumapit siya sa kinakatayuan ko.
"Did you immediately forget this handsome look?" Nang magtama ang paningin naming dalawa rila hinihigop niya ang lakas ko. Ang tatlong kasama niya ay seryoso lang nakatingin sa amin. Bakit tinawag ang apat na ito na Sangreal? Ibig sabihin may grupo pala siyang kinabibilangan.
"Sang..." Maraming mga tanong ang biglang pumasok sa isipan ko.
"I-Ikaw yung sa hospital diba?" Dahil sa namumuong kaba ay nautal na ako sa pagsasalita. Bakit ba kasi kailangan nasa malapit ko siya?
"I'm glad you still remember me." Akmang hahawakan niya ako ngunit napahinto siya. May nagsalita, isang boses ng isang lalaki. Laking gulat ko nang makita siya, ang isang tao na tanging iniiwasan ko sa university.
"Don't try to touch her, she's my property."
Nang ilibot ko ang paningin ko ay isa-isang nagsialis ang nga estudyante habang sinasabi ang pangalang "Hellix."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...