Liane Aesha PovWala kahit na anumang tunog ng pagsarado ng pinto, sunod ang pagtapak ng sapatos sa sahig, napakaingat ng mga iyon tila nawalan na ako ng pandinig. Ngunit ang presensya na dala nito ay sobrang nakakabingi na halos hindi mo gugustuhing marinig.
Nasabi ko na ba na maliwanag ang kwarto at malamig rin ang paligid dito?Pero bakit nang dumating siya biglang umalinsangan?
Nararamdaman ko ang pamumuo ng butil ng pawis ko sa noo. Halos mabasag na ang tenga ko sa mabilis na pagtambol sa kaba ng puso ko.
"Mabuti at nandito kana, kailangan ko ng pumunta sa klase ko. Ikaw na ang bahala rito. Boys, yung mga reminders ko sa inyo, ha? Mag-stay muna kayo rito baka may idadagdag pa si Mr. Hellix."Nagpaalam ang dalawang lalaki kay Madam. Bilang paggalang na rin, I bid goodbye to her. Bahagya niya akong nginitian at umalis na. Hindi na siya nag-abala pa na tingnan ang mga mata kong naluluha na dahil gusto kong sumama sa kanya paalis.
Gusto ko na lang mahimatay ulit.
Huwag niyo po sana akong papabayaan, diyos ko.
Nasa pagdarasal ang atensyon ko dahilan para hindi ko na namalayan na nasa detention room ako.
"From the case of Liane Aesha, her stomach ached and she was forced to use men's cr.""Mali parin iyon! May mga restroom na nakalaan sa mga babae bat sa aming mga lalaki. Bakit doon siya pupunta?" Reklamo ng lalaki na nakasama ko sa banyo kanina.
"Liane Aesha?" Sinunok pa ako nang marinig ko ang pangalan ko kay Hellix.
"Po?" Mahinang tanong ko. Nakatayo ngayon sa harapan si Hellix, nakasandal sa white board habang ang magkabilang kamay ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng kanyang black pants. Hindi parin nawawala ang suot nitong makapal na jacket na may hood.
Ang init na nga sa Pinas.
"Bakit ka ba nasa CR ng mga lalaki! Nadamay pa tuloy kami-"
"Say no more or else. Don't bother to speak because you also did something wrong."
Parang nawalan ng hangin sa loob ng kwarto kahit na sobrang laki ng lugar, pakiramdam ko ang nasa maliit na kahon ako sa sobrang sikip sa pakiramdam.Natahimik ang dalawa sa pagrereklamo, binato nila ako ng matatalim na tingin dahilan para mapayuko na lang ako.
"S-sobrang sakit na po ng tiyan ko. Saktong break time at napuno ang ladies restroom kaya napili kong gumamit ng men's CR."
Narinig ko ang pag-tsk ng dalawa na mainit parin ang ulo sa akin.
"The students asked the student council to be strict in using the restroom. Anyone who uses a bathroom contrary to what should be used as a toilet will be punished. It is strictly forbidden for men to enter the ladies restroom, as well as women."Muli ay tinapunan ako ng masamang tingin ng dalawang lalaki.
"If I had to decide, I would let it go, because it was an emergency. The only problem is that the student council issued the law, we can do nothing but accept the punishment.""Mabuti nga sa'yo!" Mahinang sabi nung isa, kahit na bulong lang iyon ay dinig ko parin.
"Now we come back to you. I think you are reading the University Handbook because you know that women are not allowed to enter the men's restroom. But you may have forgotten to read that no one can hurt a fellow student. No one can hurt a student because the punishment imposed on you is unacceptable."
"Sinasabi mo ba na kasalanan naming nawalan siya ng malay?!"Hindi ko alam kung bakit dumilim ang paligid nang makita ko ang pagngisi niya. Napilitan akong tumingala at tingnan siya dahil sa paraan din ng pagsasalita niya. Ang bawat bigkas ng mga salita mula sa bibig niya ay tila may mga enerhiya na naghihikayat na pakinggan ang mga ito.
Pakiramdam ko ay narinig ko ma ang boses nito. Ang nakapagtataka lang ay hindi ko maalala kung saan at sino.
"Bakit kami lang? Dapat kasali rin namin siya sa community service!"
"Who are you to order me? If you insist, Aesha will do the three months community service and you two may do the school paper works in six months-" Parang nahulog ang panga ko sa sahig sa narinig ko, anak ng tokwang punishment na 'yan!
Sumabat kaagad yung lalaki dahilan para hindi na matapos ni Hellix ang sasabihin nito.
"Kailan ang start ng community service?""Excuse me?! Ayaw niyong tanggapin 'yon kanina, bakit niyo-" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na pero natuod ako nang magsalita si Hellix.
"Tomorrow morning. If you have other questions, just go to the student council. You may leave now."
Nang-aasar pa na nag-wave ng goodbye ang dalawang tukmol sa akin. Childish amp!Kinuha ko na yung bag ko sa upuan at isinakbit iyon sa braso ko. Akmang aalis na ako nang biglang sumara ang pinto. Napalingon ako kay Hellix na malapit na ngayon sa mga upuan na inupuan nung dalawa. Tahimik niya itong inaayos, habang nandoon pa ang atensyon niya ay kumaripas na ako ng takbo palapit sa pintuan.
"Did I order you to leave?"
Putangna naman!
Naramdaman ko ang mabigat na presensya nito sa likurad ko. Inipon ko lahat ng lakas ko para harapin siya.
Bakit ba ako magpapaapekto sa masungit na ito?Kung nagagawa niya sana ang ngumiti ay baka mabawasan ang pagkainis ko sa kanya.
Naitikom ko ang bibig ko nang tuluyan ko na siyang makaharap. Walang akong ideya na sobrang lapit na niya kung saan muntikan na kaming magkahalikan. Naihakbang ko ang mga paa ko paatras hanggang sa mauntog na ang ulo ko sa pinto, walang na akong maatrasan. Namalayan ko nalang na ipinipikit ko ang magkabilang mata ko dahil sa paglapit ng katawan at ang mukha niya sa akin.
Hanggang sa naramdaman ko ang marahan nitong paghawak sa braso ko. Napamulat ako ng mga mata dahil sa napalamig ng palad nito. Sunod ang kabilang kamay nito ay naramdaman ko kanang baywang ko papunta sa likuran ko. Dahil sa paghawak niya sa akin ay nawala na ako sa sarili ko.
"Move." Napalunok ako ng laway dahil tumama sa mukha ko ang mainit nitong paghinga. Hanggang sa magkasalubong ang mga paningin naming dalawa.
#
![](https://img.wattpad.com/cover/295347873-288-k557083.jpg)
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...