Warning: She The Devil 8

33 2 0
                                    

Liane Aesha Pov

"Let me suck you."

Anong ibig niyang sabihin sa salitang binanggit niya?

Alam kong gutom ako pero nasa katinuan parin naman na ako.

"Anong sabi mo?! Gusto mo bang saksakin kita ha! Kung wala lang akong utang sa'yo hindi ako makikipaglokohan-" Naitikom ko ang bibig ko nang isandal niya ako sa pader. Natuod ako at nawalan ng lakas para itulak man lang siya. Hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa leeg ko.

"The smell of your blood is enchanting."

Mukhang adik nga talaga ang isang 'to. Akala ko pa naman dahil sa desente niyang pananamit ay normal ang pag-iisip niya. Daig pa nito ang nakasinghot ng bato.

"Pakawalan mo na nga ako!" Lahat ng naipon kong lakas ay ibinuhos ko na para lang maihiwalay ko ang sarili ko sa kanya. Kahit na nanginginig ang buong lamang loob ko dahil sa paghalik na ginawa niya sa leeg ko. Hanggang sa bigla nalang siyang nawala sa tabi ko. Sumunod ang pagkarinig ko ng mga pagsigaw samahan pa ng makailang mura mula sa isa pang boses ng lalaki.

"Let me fuck you, asshole!"

Wala na akong magawa para awatin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko sila maaninag at ang tanging naririnig ko lang ay mga pagkalabog ng kung anong mga bagay. May mga nababasag na salamin at hindi mabilang na pagmumura.

Nang ihakbang ko ang mga paa ko upang makaalis sa lugar ay natagpuan ko nalang ang sarili kong nakahiga sa maalikabok na sahig at hinayaan kainin ng dilim.

***

May mga naririnig ako nag-uusap sa paligid ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nasa isang ward ako. Nang sinubukan kong maupo ay may umalalay sa akin.

"Nico?" Agad kong tanong ng rumehistro ang mukha ng lalaking nakahawak sa kamay ko. Balot na balot ang katawan niya, mula sa makapal na jacket na may hood at naka-facemask pa.

"Bakla! Anong ganap? Sinasabi ko na kasi sayo noon pa na kumain ka sa tamang oras, hindi itong nawawalan ka ng malay kung saan. " May isa pang boses mula sa gilid ko ang narinig ko at nakita ko si Benj na may inaayos na mga lunch box na may pagkain at prutas.

"Mabuti nalang kamo at nakita ka nitong si Nico. Naku kung hindi siguradong nilalanggam ka na-"

Tumikhim si Nico na siyang dahilan para matigil sa pagsesermon sa akin si Benj. Nang tingnan ko ang sarili ko ay may swero ako sa kanang kamay para sa dextrose.

"Bakit kayo nandito? Teka si Lolo Morris, kailangan ko siyang puntahan." Nagmadali akong bumaba ng hospital bed at hindi ko namalayan na nahila ang swero ko sa kamay.

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon