Liane Point of View
Kinabukasan
Galing akong clinic, nagtataka na nga yung nurse na naka-assign dahil isang banig ng Biogesic ang kinuha ko. Idinahilan ko na lang na para sa Vice president ang gamot na kinuha ko. Hindi sa nag-aalala ako sa Hellix na iyon, ang akin lang naman ay pakiramdam ko nawawala na sa katinuan ang lalaki na 'yon.
Nakabalik na ako sa classroom, abala ang mga kaklase ko sa paggawa ng mga visual aids nila para sa next class namin. Nagkalat ang mga cartolina at manila paper sa sahig. Wala na silang pakialam kung tapakan na ng iba namin kaklase ang mga gamit nila na kung saan-saan nalang nakalapag. Mamaya lang n'yan ay siguradong mas gugulo pa dahil 30 minutes nalang at malapit na pumasok ang susunod naming prof.
"Kung hindi lang nagbida-bida ang isa diyan kahapon! Edi sana hindi tayo nagkukumahog ngayon!"
"Ay teh! Huwag kang drama queen for today's video! Last week pa pinagawa ni Prof. Amurao 'yan! Pinaalala ko lang baka makulangan tayo sa scores for activity! Ganda lang kasi ambag mo!"
May ilang umawat sa dalawa kong kaklase na muntik na maghampasan ng buntot ng pagi. Totoo naman kasi na may reporting kami tungkol sa mga mythical creatures, pero dahil sa mga ilang emergency meeting na nangyayari ay hindi matuloy-tuloy ay discussion. Hanggang sa nawalan narin ng gana na gawin nila yung report ng bawat grupo, mabuti nalang at natapos na namin ang topic na mayroon kami ni Nico and speaking of that man.
"Nico!" Kung pwede lang na mag-dive papunta sa kanya ay ginawa ko na.
Hinila ko na ang upuan para makaupo, ipinatong ko nalang basta ang bag ko sa mesa at hinawakan sa magkabilang balikat si Nico na abala sa pagbabasa ng libro.
"Hello?" Nawalan ako ng mga salita na gusto sabihin nang lingunin niya ako. Nakataas ang kaliwang kilay nito. Naka-istorbo ata ako sa pagbabasa niya.
"I miss you!" Kinabig ko siya at literal na kinulong sa yakap ko.
"So childish," bulong nito pero hindi man lang niya ako itinulak kaya ako na mismo ang humiwalay.
"Tapos na yung report natin tungkol sa -"
"You only approached me because of that matter?"
Itinaas ko pa ang magkabilang kamay ko sa ere na tila sumusuko sa kapulisan.
"Wait, masyado kang seryoso. Hindi ako sanay." Kinuha ko nalang ang mga notes ko at nagkunwaring abala. Pasimple akong nagnanakaw ng tingin at hindi ko inaasahan na mahuhuli niya ako.
"Hindi ka ba magso-sorry sa akin?"
"Huh?" tanong ko rin sa kanya. Anong ibig niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...