Liane Point of View.
Iyon ba ang dahilan ng kabilaang mga emergency meeting ng mga faculty?
Dahil ba sa sobrang focus ko sa mga Sangreal at Hellix ay hindi ko na napapansin ang mga nangyayari sa paligid ko?
Ang mga kabilaang pagkawala ng ilang estudyante at matatagpuan nalang na walang buhay saang mang sulok ng unibersidad.
"Tama ka. Alam mo bang pinatawag kami ng Director ng school para pigilan ang mga insidenteng iyon, Liane. At alam ko na alam mo kung ano kami, isa kaming mga imortal. Kung iniisip mo na masama kaming mga nilalang. Bakit susugal ang school director para papuntahin kami rito sa university? Gusto niyang tulungan namin kayo. Ang protektahan sa kung ano mga klase ng nilalang ang gumagawa ng karahasan dito sa lugar niyo. At wala kang magagawa kundi ang sumama sa amin dahil una sa lahat gusto naming maging ligtas ka."
May mga salita akong gustong sabihin pero wala na akong lakas pa para bigkasin ang mga iyon. Nagsinungaling ba sa akin si Benj kanina?
"Nagkamali si Hellix na mailalayo kanya sa mga mangyayari. Inakala nito na kaya ka niyang protektahan pero hindi. Masyado siyang nagkaroon ng tiwala sa sarili niya."
Gusto ko man puntahan si Hellix ngayon ay malabong mangyari. Hindi ko siya makilala kanina, bakas na bakas ang galit sa buong mukha nito.
"Nasa iyo ang desisyon kung sino ang paniniwalaan mo. Ang tanging gusto lang namin ay maprotektahan ka. Maniwala ka man sa hindi, Liane. Kung pwede lang na ikaw na ang unang kumitil sa buhay niya bago ka pa niya saktan."
Nagawa na ng hangin na tuyuin ang magkabilang pisngi ko ma kanina pa nababasa ng mga luha kong hindi mapigilan sa pagkawala sa mga mata ko.
"Gusto rin niya akong protektahan, Yuri. Nararamdaman ko-" Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita rin ito.
"Dahil may gusto siyang makuha sayo! Sa oras na makuha niya ang bagay na iyon, hindi malayong tuluyan ka rin niya pagkatapos. Handa siyang makipagpatayan maprotektahan ka lang dahil hindi pa niya nakukuha ang gusto niya sayo!"
Napahilamos nalang ng mukha si Yuri. Hindi na rin niya mapigilan ang sarili niya na magtaas ng boses dahil kahit anong sabihin nito sa akin ay hindi ko siya pinakikinggan at pinaniniwalaan.
"Kung may intensyon si Hellix sa akin. Ano namang rason ninyong mga Sangreal kung bakit niyo ako gustong iligtas sa kanya?"
Naiiwas kaagad ni Yuri ang paningin nito at tumingin sa ibang direksyon, halata sa reaksyon nito ang pagkabigla sa narinig nito sa akin.
"May gusto rin ba kayong makuha sa akin? Na halos magpatayan kayo para lang mailigtas ako kung iyon ba ang ibig sabihin."
Dahil wala akong nakuha kahit na anumang tugon mula sa kanya ay tumayo na ako. Hindi ko na nilingon pa si Yuri at naglakad na palayo.
***
Inabot ako ng kalahating oras sa paglalakad makabalik lang sa pansamantalang kwarto namin ni Benj.
"Gaga! Saan ka ba galing!" Bungad sa akin ni Benj nang makapasok ako.
"Nagpahingin lang ako sa labas." Walang emosyon kong sabi at dire-diretsong naglakad papunta sa sofa para kunin ang gamit ko pero napahinto ako nang makita ang nasa sofa.
"Nag-island hopping daw sila, ang paliwanag niya ay na-slide siya nang umakyat sila sa isang mataas na bato, buti sa tubig siya nahulog, delikado talaga kapag sa mga matutulis na bato tumama ang katawan niya."
Nakahiga ngayon si Hellix sa sofa at mahimbing na natutulog. Nilapitan ko na ito at nakita ko ang mga sugat at galos na nasa braso at mukha nito.
"Tapos ko na rin siyang malinisan. Ayaw pa niyang magpadala sa clinic dahil ayaw niya ng may maabala pang mga teachers."
Napabuntong hininga na lang ako sa mga paliwanag ni Benj. Kung alam lang niya ang totoo kung saan galing ang mga sugat sa katawan ni Hellix.
"Kukuha lang ako ng ilang mga pagkain mo, mukhang hindi ka pa kumakain. May kukunin din akong gamot at ointment sa ground floor para kay Niall. Maiwan ko muna kayo." Saglit akong niyakap ni Benj bago siya lumabas ng kwarto.
Naupo ako sa sahig malapit sa sofa na hinihigaan ni Hellix. Tahimik ko lang itong pinagmamasdan. Nagtataka lang ako kung isa siyang hindi ordinaryong tao bakit sariwa parin ang mga sugat nito. Base sa mga napapanuod ko kaya ng mga ito na pagalingin ang mga sugat na mayroon sila.
"Parang kailan lang sinabi mo na poprotektahan mo ako."
Napahawak ako sa kwintas na ibinigay nito. Hinubad ko ito at ipinasuot ko ito muli sa kanya.
Naghintay ako ng ilang minuto pero walang nangyaring kakaiba sa mga sugat nito. Siguro lang ay umasa lang ako na may kapangyarihan ang kwintas na iyon at kaya niyang pagalingin si Hellix. Nababaliw na siguro ako.
Akmang tatayo na ako nang maramdaman ko ang malamig na palad nito na humawak sa braso ko.
"You want me dead, right?"
Bumangon ito at umayos ng upo sa may sofa. Iginiya niya akong maupo sa tabi nito, kaya sumunod na lang ako.
"But you making me feel alive whenever I see you with those asshole," dagdag pa nito habang nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko.
Ayoko nang lumayo pa ang usapan namin. Sinigurado ko na hindi na ako magsasayang pa ng oras ngayon para malaman ko na ang dapat malaman.
"Paano kung nakuha mo na ang kung ano man ang gusto mo sa akin? Iiwan mo ba ako o higit pa doon ang gagawin mo?"
Bumukas ang pinto at siyang pagpasok ni Benj na may dalang isang tray. Nang lingunin kong muli si Hellix na nasa tabi ko ay umiwas ito ng tingin. Sa kabila no'n ay kinausap parin niya ako sa isip
"Hindi ko alam, naguguluhan ako. Ikaw ang taong alam kong papatay sa akin pero ikaw din ang taong gusto kong protektahan higit pa sa buhay ko."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...