Liane Point of View
"Sino ba kayo?" Tanong ko rin sa kanya.
Ngumisi ito at humithit muli sa sigarilyo nito. Pakiramdam ko ay sumikip ang loob ng auditorium dahil sa pagbuga niya ng usok.
"Kilala mo si Hellix, tama?"
"Bakit naman nasali sa usapan si Niall?" Inirapan niya ako dahil siguro sa tuwing magtatanong ito ay tatanungin ko rin siya.
"Can you answer my questions before you ask me your question?"
"Fine, hindi ko siya kilala. What I mean, pangalan lang ang alam ko sa kanya. Kung iniisip mo na magkakakilala kami, mali ka ro'n, nagkaroon lang ako ng atraso sa kanya kaya nasa detention room ako kung saan siya yung—" Napahinto ako sa pagsasalita nang mahuli ko siyang naglalakad paakyat ng stage.
Anak ng tinapa!
May pagkabastos pala talaga ang isang 'to!
Nagsasalita ako tapos iiwan niya ako rito?
"Kulang ka sa manners, alam mo iyon?"
Tinaasan niya lang ako ng kilay bago niya harapin muli ang piano.
"I was just a little irritated by your voice so I walked away."
Gusto kong huminga ng malalim para pakalmahin ko ang sistema ko pero baka malanghap ko lahat ng usok na ibinubuga nito sa paghithit niya ng sigarilyo, baka magkasakit pa ako ng wala sa oras. Nakakainit ng ulo ang ginagawa niya.
"Bakit nga pala nasali sa usapan si Niall?"
"I want you to stay away from him." Tumingala ako para salubungin ang tingin niya, may katangkaran din kasi si Devon at nasa tungki lang ng ilong niya ang taas ko.
"Tapos? Bakit mo ba ako inuutusan?"
"I helped you find your school Id." Kaagad naman niyang tugon.
"Ayun lang?"
"Bakit ba tanong ka ng tanong?" Naiirita niyang sabi, alam kong nagpipigil lang siyang sapakin ako. Tingnan ko nga kung hanggang kailan niya kayang pigilan ang sarili niya na masapak ako.
Napabuntong hininga siya at tinapon niya sa sahig ang upos ng sigarilyo at gamit ang sapatos na suot nito at dinurog niya ito hanggang mamatay ang usok na nagmumula roon.
"He will kill you. Believe it or not, he will kill you and I don't want that day to come."
Hindi ko alam kung bakit nalang kumawala sa bibig ko ang pagtawa. Nahagip ng paningin ko ang muntik na pagdidikit ng mga kilay ni Devon sa gitna.
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...