Warning: She The Devil 34

15 0 0
                                    

    Liane Point Of View

   

    Kahit na nakakaantok ang oras ngayon sa klase ni Professor Amurao ay mulat na mulat parin ang mga mata ng mga kaklase ko. Marahil ay nangangamba sila na baka may biglang nagpakita na multo o kapre sa tabi nila. Inaamin ko rin naman na hindi ako komportable na makita ang mga pictures sa presentation. Alam ko naman na mahirap paniwalaan ang mga bagay na hindi nakikita. Ngunit hindi ko parin maiwasan na mag-alala dahil sa mga nangyayari sa paligid ko. Paano kung isa sa mga kasama ko ay aswang na siyang pinakamalapit na maihahalintulad ko sa kanila?

   

  

   

    Base sa mga halimbawa na naibigay ngayon ng mga kaklase ko, imposibleng mga Kapre, Tikbalang o Manananggal at ibang creatures ang mga Sangreal. Para sa akin mas mapapabilang pa sila sa pagiging ''Bampira" at "Aswang"

   

   

    Inutusan ako ni Nico na ayusin na ang laptop sa harapan at i-connect ito sa projector para mai-present na namin ang report namin kasama si Gavin. Pinilit ko pa si Gavin na tulungan ko siyang mag-explain pero tumanggi ito, kaya hinayaan ko na siya at nag-focus nalang ako sa laptop.

   

    "Good day everyone, the topic that we have been given is the "Mga pangontra sa aswang."  Hindi ko alam kung talaga bang nakikinig sila sa report namin at kung interesado ba ang mga kaklase ko sa presentation sa harapan. Sa tingin ko kasi nakuha ang atensyon nila dahil sa ... Hindi maitagong katotohanan na gwapo si Gavin at ang mga Sangreal. Hindi naman sila pagkakaguluhan noon kung hindi.

   

    May naramdaman pagsiko sa gilid ko at nang lingunin ko ito ay may matalim na tingin ang kaagad kong nakita.

   

    "Can you give a little attention to our presentation? Hindi yang itsura ng nasa harapan ang inaasikaso mo." Itinuro pa nito ang screen ng laptop. Napayuko nalang ako dahil kahit ako ay natulala na ein kay Gavin. Kakaiba din kasi ang dating niya ngayong ang seryoso niya sa pagsasalita sa harap.

   

    "Before we find out what the stingray tail is related to aswang, let's find out where it comes from. Alright, everyone listen."  Umayos na ako ng upo at tumingin nalang sa laptop.

   

   "Ang isang pangkat ng mga sea ray na kilala bilang mga stingray ay mga cartilaginous na isda na may kaugnayan sa mga pating." May mga litrato ng stingray ang naka-present ngayon sa white board, mabuti na ang may mga example ng mga pictures para mas ma-visualize namin ang kung ano ang mga  bagay na sinasabi sa topic.

   

   

"Buntot pagi, also known as stingray tail, is a whip-like Filipino weapon. It is most known in Philippine folklore for fighting and warding off aswangs and other similar legendary animals." Dahil narin sa mga examples na naka- present ngayon sa harapan ay mas nagiging pamilyar kami sa mga bagay na noon ay wala kaming gaanong ideya o nakalimutan na ng ilan sa amin.

   

    "The wound caused by the ray's tail is said to be immune from the healing effects of the aswang's saliva. This is also based on the information we read on the internet. Long story short "Buntot ng Pagi"  ay kadalasang ginagamit upang proteksyon sa kulam, barang,  aswang at iba pang mythical creatures."

   

    Ipinakita pa ni Gavin ang ilang pang larawan tulad ng isang "Bronze na metal" ang pinakamadaling halimbawa nito ay kadalasan makikita sa bala ng baril.

   

    "Just a short break. Listen up!" Napapansin siguro ni Gavin na nasa kalahati nalang ang atensyon ng mga kaklase namin. Ang ilan ay mas nakatuon sa mukha niya at tila isang monumento na minememorya ang kanyang mukha.

   

    "Alam ko na sobrang gwapo ko para tingnan niyo ng ganyan..." Napaayos ng mga upo ang mga nasa klase nang bigla pagsasalita ni Nico.

   

    "Just end that presentation." Wala tuloy nagawa si Gavin kundi mapakamot nalang sa kanyang ulo. Napatikhim naman si Professor Amurao dahil sa biglang pagsasalita ni Nico na bagot na bagot na sa upuan nito.

   

    "I overhear a conversation about us Sangreals. Na kami raw ay mga aswang." Nagpakawala pa ng tawa si Gavin. Napansin ko na nagbubulungan ng palihim ang ibang kasama namin sa classroom. Kahit naman ako ay nanghihinala sa grupo nila. Napaka-misteryoso.

   

    "Tutal ay nasa discussion narin naman. Let me prove something." May kinuha si Gavin sa likurang bahagi nito na tila itinago pa niya sa kanyang damit. Napasinghap ang lahat nang makita ang isang baril.

   

    "Mr. Cadellion!" Singhal ni Professor Amurao, pero ngumisi lang si Gavin at itinuloy pa ang balak nito. Nang lingunin ko si Nico ay walang emosyon siyang nakatingin sa akin, tila inaantok pa.

   

    "Bang! Bang! Each a prank guys!" Nang kalabitin ni Gavin ang hawak nitong baril ay mga confetti ang lumabas sa baril nito.

   

    "Pasensiya na sa maikling commercial. Let's continue. Kung aswang lang kami, napakagwapo naman namin masyado para maging tulad ng mga iyon. Payag  ba kayo mga girls!?"

   

    Napailing nalang ako sa ginagawa ni Gavin. Hindi ko alam kung para saan ang mga iyon. Natatakot ako na baka anumang oras ay itumba na siya ni Professor dahil sa ginagawa niya.

     Sumunod naman ay ang "Krus" pinaniniwalaan na ang pagsusuot ng kwintas na may krus, ay mabisa ring proteksyon at pangontra sa mga aswang. Ang iba pang halimbawa ay ang "Cactus Plant" takot ang mga aswang sa tinik ng cactus. Maging ang Kislap ng siniindihang pulang posporo ay maaring gamitin upang pangontra sa mga aswang. Hindi rin mawawala sa halimbawa ay paggamit ng "Asin" kung saan magsasaboy ng asin sa paligid ng bahay. At ang pinaniniwalaan na mabisang pantaboy sa mga masamang espiritu o nilalang tulad ng mga aswang ay ang   banal na tubig o mas kilala sa tawag na "Holy Water"    

   

   

    Paano kung gumamit ako kahit isa sa mga nabanggit ngayon ni Gavin?

Magiging epektibo ba ang mga iyon sa kanila?

   

    Nagbalik lang ako sa realidad nang tawagin ako ni Nico para magligpit ng gamit namin sa ginawang presentation.

   

   

   

   Sources

http://tikal-butig.blogspot.com/2008/11/panlaban-at-pangontra-sa-4swang.    

 

    http://tikal-butig.blogspot.com/2008/11/panlaban-at-pangontra-sa-4swang

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon