Liane Point of View
"Shit!" Tumayo kaagad ako nang hindi ko namalayan na basag na salamin mula sa pressed foundation na bigay ni Benj.
Kaunti lang ang lumabas na dugo sa daliri ko noong una pero unti-unting itong nadadagdagan hanggang sa tumulo na ito ng tuluyan sa sahig.
Hanggang sa may marahas na humawak sa kamay ko. Huli na para bawiin ko iyon sa pagkabigla. Ibinalot nito ang isang puting panyo at naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak nito upang pigilan ang pagdurugo sa aking hintuturo.
"Are you alright? Does anything hurt?" Puno ng pag-aalala ang mga mata niya direktang nakatingin sa akin. Habang ako ay walang mahanap na salita para bigkasin man lang.
"Tangina."
Bumitaw ito kaagad sa pagkakahawak sa kamay ko at umatras.
"I forgot. I can't get close to you. Pasensiya na."
Tinalikuran na niya ako at lumabas ng restroom. Nang ilibot ko ang paningin ko ay napagtanto ko na nasa men's cr ako.
What the hell?
Bakit nandito na naman ako sa lugar na ito?
Naramdaman ko ang pagkirot sa daliri ko at doon ko nakita ang panyong may bahid ng dugo.
Nasa panaginip ba ako?
Totoo bang nakita ko si Hellix?
***
Naglalakad ako habang may kausap sa cellphone. Hinahanap ko kung saan ang parking lot ngayon. Mabuti nalang at maliwanag sa parte na napuntahan ko.
"Tumawag si Benj kanina. Hindi ko lang alam kung tapos na tumugtog sila Devon. I never returned to the quadrangle," paliwanag ko sa kabilang linya.
"Sure ka ba, LA? Hihintayin mo nalang si Devon? Hindi na kita susunduin sa university?" Sunod-sunod na tanong ni Ruce.
"Oo na, ang kulit. Pasensiya ka na at naging babysitter ka ngayon. Si Devon na ang bahala sa reward mo. Thank you, Ruce!" Ayaw pang sana ibaba ni Ruce ang tawag dahil nag-aalala ito na mag-isa lang ako ngayon.
Uupo na sana ako sa isa sa mga wooden bench dito sa maliit na park. Hindi ko na nahanap pa ang parking lot dahil madilim na masyado sa ibang parte ng school. Tumingala ako at pilit inaabot ang mga maliit na bombilya na nakapalibot sa itaas. Napakaganda nilang tingnan at maging ang mgandang katawan ng puno ay napapalibutan ng mga puting Christmas lights.
"Detention room?" May maliit na board akong napansin sa gilid ng mga puno. Nang tingnan ko ang building na nasa harapan ko ay natuod nalang ako. Ang akala ko ay bagong tayo ang building ang nasa harapan ko.
"Kahit siguro wala akong offenses ay kusa akong pupunta rito. Nagbago na pala? Ang ganda na sa lugar na'to." Kinuha kong muli ang cellphone ko para kumuha ng litrato. Nang iangat ko ang camera at inayos ang angulo ay may anino ng lalaking nahagip ang lente ng camera ko.
Gusto ko mang banggitin ang pangalan niya ngunit pakiramdam ko ay may komokontrol sa aking katawan. Dahan-dahan kong ibinaba ang camera ko at tumingin sa ibang direksyon.
"Years have passed. You keep going back to the places that gave you pain."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...