Liane Aesha Pov
Makalipas ang ilang minuto ay nasa labas lang ako ng Emergency room. Hapon narin at nakakaramdam na ako ng gutom. Gusto ko mang umidlip ay hindi ko magawa dahil nasa loob pa ng ER si Lolo. Ano nga ba ang aasahan namin? Mas prayoridad nila ang may mga pambayad kaysa sa amin na walang malaking halaga ng pera pang opera. Sa ilang beses na namin pabalik balik sa mga hospital hindi namamatay ang mga tao dahil sa sakit na mayroon sila kundi ang malaking halaga ng pera na sisingilin sa kanila, mababon sa mga utang hanggang sa hindi na makayang bayaran ang bill sa hospital at makuha ng mamatay.
May pares ng sapatos akong nakita sa tapat ko. Napatayo ako ng wala sa oras. Akala ko kung sino na si ano pala...hindi ko parin alam ang pangalan niya bukod sa "Sangreal" na salita sa pendant niya.
"Bakit nandito ka pa?" Ngumisi siya na siyang ipinagtataka ko. Napaka-misteryoso naman nito.
"Did you really forgot-"
"Ahh yung bayad sa taxi? Magkano ba? Hindi mo bang kayang matulog dahil sa pera na nagastos mo papunta rito?" Pinutol ko na ang sasabihin niya. Hindi ba pwedeng palampasin nalang niya? Hindi naman siguro libo ang nagastos niya ro'n sa taxi? Baka may bayad ang oras ng pagpunta niya rito? Bakit ba kasi siya sumunod sa akin?
"I don't need your money." Maikling sagot niya. Nakapagtataka lang dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Masyado bang bago ang mukha ko sa paningin niya at ngayon lang siya nakakita ng pangit na pagmumukha? Sa tingin ko kasi sa kanya mukha galing sa mayamang pamilya ang isang 'to. Pwede na kasi siyang maging artista sa pagiging gwapo nito...Putangna! Ano raw?!
"I need your blood." Napalunok ako ng laway sa narinig ko. Gusto ko ngang ipaulit sa kanya yung sinabi niya pero nang tingnan ko siya ng diretso sa mata mukha namang hindi siya nagbibiro. Kaya ba sumunod siya sa akin sa hospital?Kailangan niya ng dugo?
"Kailangan mo ng dugo? Ano bang blood type mo? Type 'O' ako, kung dugo lang naman ang kailangan mo sa akin, halika na habang nasa hospital pa tayo para maproseso na." Sa dami ng sinabi ko ay nanatili siyang nakatingin sa akin, nang tingnan ko na maigi ang mga mata niya, sa parte ng leeg ko siya nakatingin.Problema nito?
Huwag niyang sabihin na kakagat siya sa leeg ko para makakuha ng dugo?
"Teka lang Mr? Kung wala lang akong utang na loob sa'yo hindi kita papayagan na tingnan mo ako ng ganyan na parang hinuhubaran mo ako-" Hinawakan niya ang palad ko at ilang segundo lang ay nasa isang madilim na kwarto na kami. Kulang ba ako sa tulog?Bakit sobrang bilis naman naming makarating sa kung nasaan kami?
Dala lang ba ito ng gutom kung kaya't hindi ko namalayan ang pagkaladkad niya sa akin?
"Let me suck you."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampirosAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...