Liane Point of View
Nasa may parking lot kami ngayon. Halos matuyo na ang kape na nasa paper cup sa tagal kong pagkakatitig doon. Nararamdaman ko rin ang lamig ng pag-ihip ng hangin ngayon dito sa labas. Palubog na ang araw at unti-unting bumabalot ang dilim sa paligid.
"Sigurado ka bang okay ka na?"
Tumango lang ako at nayuko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung dahil ba sa gamot na pinainom sa akin nung nurse kanina sa may clinic kung saan ako dinala ni Yuri. Napadaan lang siya sa auditorium kanina dahil hinahanap niya si Devon hanggang sa makita niya ako na nasa stage na may mga mantsa ng dugo sa uniform ko."Ihahatid na kita sa inyo. Huwag ka na munang pumasok sa cafe." Binuhat ma niya ang bag ko at binuksan na ang pinto ng passenger seat ng kotse niya.
Tumayo na ako at nang nasa tapat ko na siya ay hinarap ko siya. May katangkaran din si Yuri kung kaya't kailangan kong tumingala ng bahagya para matingnan ko siya ng maayos.
"Sino ba kayong mga 'Sangreal' Yuri? Anong mayroon sa inyo?"
Lumigon- lingon pa ito sa paligid namin at nang makumpirma niya na walang ibang estudyante sa paligid namin ay inilapit niya ang sarili nito sa akin. Naramdaman ko kaagad ang mainit niyang paghinga sa mukha ko. Gusto kong umatras upang malayo sa kanya ng kaunti dahil halos magdikit na ang noo namin sa sobrang lapit namin sa isa't-isa."Stay by my side and you will know everything you want to know."
"Diretsahin mo na ako, Yuri. Hindi ko na kaya pang iproseso ang mga nangyayari. Bakit kayo magkakilala ni Hellix? Kailan lang at nakita ko siyang kaaway si Dancel tapos kanina lang halos durugin niya si Devon sa galit."Tumayo na siya ng maayos, nasa magkabilang bulsa ng itim niyang pantalon ang mga kamay niya at tinitigan ako sa mata.
"Iyan din ang gusto kong itanong sayo. Anong mayroon sa inyong dalawa ni Niall?"
***
.
Hinintay ko munang makaalis si Yuri sakay ng kotse nito bago ako pumasok sa gate ng bahay namin. Dumidilim narin sa labas at mabuti nalang at nakasindi na ang ilaw sa loob ng bahay. Mukhang nasa loob na si Aling Koring.
"Nandito na po ako-""Ate!" Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Rheinlander, mabilis itong tumakbo at yakap sa baywang ko.
Gusto kong samaan ng tingin si Hellix na prenteng nakaupo sa lumang naming sofa sa gilid. Walang ekspresyon ang mukha niya tulad ng sementadong pader namin. Nakapagtataka talaga kung bakit nagagawa niyang umarte na walang nangyari.
"Your house is so cute!" Itinaas pa ni Rheinlander ang magkabilang kamay nito na tila gustong magpakarga sa akin."Hello, baby! Anong ginagawa niyo rito ni Hellix...I mean ni Kuya Niall?" Nang tapunan ko ng tingin si Hellix at mahinhin itong umiinom ng iced tea.
"May pagkain po kami dala para sa inyo. Mama wondering kung bakit hindi na po kayo pumupunta sa restaurant namin." Lumapit na kami sa mesa, tumapat ako kay Hellix para kunin niya si Rheinlander, medyo may kabigatan kasi ang bata baka matumba kami ng wala sa oras. At ang gugong! Tinaasan lang ako ng kilay! Hindi ba niya nakikita na halos pumutok na ang ugat ko sa noo sa pagbuhat kay Rheinlander."Ang aga mo yatang nakauwi ngayon?" Inipon ko ang lahat ng lakas ko para buhatin si Rheinlander at ipakarga kay Hellix.
"Kay Kuya ka muna, baby. Magpapalit lang ako ng damit heheh." Hindi ko pinansin si Hellix at pinabuhat ko sa kanya si Rheinlander.
"Aling Koring! Nandito na po ako! Lolo Morris! Nakauwi na po ako!"Nadatnan ko si Aling Koring na nasa kwarto habang naramdaman ko naman na may gumagamit sa may banyo, mukhang nasa may loob si Lolo.
"Oh! Wala ka bang pasok sa trabaho mo ngayon?"
Umiling ako at yumakap sa kanya nang makalapit ako kay Aling Koring.
"Wala po. Naghapunan na po kayo?""Tapos na, dumating kasi si Niall at may dalang pagkain. Mukhang may lakad kayo ngayon kasi nagpaalam siyang aalis daw kayo?"
Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa narinig ko. Tatamaan talaga sa akin ang letseng 'yon!
Nang matapos si Lolo Morris ay sumunod ako sa may banyo para makaligo. Ilang minuto lang ay mabilis akong nagpalit ng damit.
Nang makalabas na ako ay nakita ko si Rheinlander na nakatabi kay Lolo at nagkukwentuhan silang dalawa kasama si Aling Koring.
Napansin ko na wala si Helkix sa may sala kaya lumabas ako hanggang sa makita ko siya na nasa labas, katabi ng itim na kotse. Nakasandal siya doon habang may humihithit ng sigarilyo.
"Bakit kayo nandito?" Bato ko sa kanya dahilan para mapabaling ang tingin niya sa akin.
"I assume na nasabi na ni Nanay ang rason, bakit ko pa uulitin-fuck!"Inapakan ko ng mariin ang paa niya, kahit na may suot itong sapatos.
"Tigilan mo nga yang paninigarilyo mo, kita mo na may kasama kang bata." Inirapan ko pa siya para madama niya na naiinis ako sa kanya.
"Nanay ba kita-Aray!" Hindi siya nakaiwas nang tapakan kong muli ang paa nito.
"Why are you pretending like nothing happened earlier? Masaya ka ba na nagmumukha akong tanga?"
Tinitigan lang niya ako. Wala ba siyang naririnig? Letse talaga.
"Alam kong tanga ako eh, kaya gusto kong maintindihan para maliwanagan ako kung bakit kayo nag-aaway. Hindi ko kayang hayaan ko kayong mag-away, pero pwede ba 'yon? Pwede ba na sa harapan ko makikita at masaksihan kung paano kayo magpatayan?!"
Napahawak nalang ako sa noo ko namg marinig ko ang itinugon niya sa haba ng sinabi ko.
"Layuan mo ang mga Sangreal."
"Kung sabihin kong ayoko? Sinabi ni Devon na layuan kita at sinabi mo ngayon na layuan ko rin sila? Bakit hindi niyo nalang ipaliwanag ang lahat?"
Nakalimutan kong huminga nang biglang lumapit si Niall sa akin at marahang hinawakan ang baywang ko upang ilapit sa kanya. Hanggang sa may mainit na paghinga ang naramdaman kong tumatama sa leeg ko. Nakakapaso ang mainit nitong paghinga at ramdam ko ang labi nito na malapit sa kaliwang tainga ko.
"Hindi silang ordinaryong nilalang, Liane. They're immortal and once you have a connection with them and you go beyond what they want, you're going to die."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...