Warning: She The Devil 71

5 0 0
                                    

Liane Point of View

Hanggang ngayon ay madilim parin ang kalangitan. Wala akong ideya kung hapon na o gabi na sa mga oras na ito. Nasa tabi ako ng ilog habang ang kasama ko ay nanatiling malayo sa akin.

"Hahayaan ko na gamitin niyo ako. Nabanggit sa akin nung lalaki na si Axel na kailangan niyo ako sa darating na kabilugan ng buwan." Lakas loob kong sabi sa kanya kahit na limang metro ang layo nito sa akin.

Wala akong ideya kung anong tinitingnan niya sa mabilis na pag-agos ng tubig sa ilog na nasa tapat namin. At kung totoo nga ang sinabi ni Axel ay sisiguraduhin kong masasabi ko sa kanya na tulungan niya si Benj.

"Harapin mo nga ako, Hellix! Ano bang problema mo? Hindi ka naman ganito!"

Napilitan itong harapin ako. Wala kahit anong emosyon ang nakita ko sa kanyang mukha. Napakalayo ng itsura na dati ay nakasanayan ko.

"You are not really afraid to die. Well hindi na ako magtataka dahil kakampi mo ang mga Sangreal." Tumawa ito kahit na wala namang nakakatawa sa sinabi niya.

"I just feel bad because you have more trust in them than in me. Magkaibigan tayo diba? Pero mas pinili mo sila kahit ako yung nauna."

Gumuhit muli ang hapdi sa aking pisngi nang lumandas doon ang mainit kong luha na nag-uunahan na naman sa pagbagsak.

"You chose to follow their orders rather than me. Hindi mo alam kung anong kakahayan na mayroon sila."

Sinubukan kong lumapit ngunit siya naman ang pag-atras nito kaya huminto nalang ako.

"Liane, natatakot ako na iwan mo ako. You say that you will never leave me but your actions are a clear indication that I should avoid you."

Lumuhod na lang ako dahil hindi ko na kaya pa na marinig ang mga sinasabi niya. Laking gulat ko na lang at naramdaman ko ang paghawak nito sa magkabilang balikat ko.

"Ito ang buhay ko, Liane. Ayokong masaktan ka kaya lumayo na ako. Magkakagulo lang kung mananatili ako sa tabi mo. Dito ang lugar kung saan ako nabibilang, malayo sa inyong mga mortal. Tandaan mo hindi ako ordinaryong tao."

Hinawakan ko ang magkabilang palad ni Hellix at hinigpitan ang kapit doon.

"Gusto ko lang naman na tulungan mo si Benj. Wala na akong maisip na paraan para magbalik siya sa normal. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin."

"Stop saying nonsense, Liane. Huwag mo na akong lokohin. Alam kong sa mga Sangreal ka unang humingi ng tulong para sa kaibigan mo."

Humiwalay ito sa hawak ko at tumayo. Napilitan akong tumayo at hinarap siya.

"Because you weren't by my side when I needed you!" Wala na akong pakialam kung matalsikan pa siya ng laway ko. Ang gusto ko lang ay pakinggan niya ako.

"Enough, Liane. Bumalik ka na sa inyo. Inutusan ko na si Ruce para ibalik ka sa syudad." Akmang tatalikuran niya ako pero humawak ako sa laylayan ng t-shirt nito.

"Samahan mo ako, para kay Benj. Pangako hindi na kita guguluhin pa kung iyon ang gusto mo. Kailangan ko lang na maging normal si Benj."

Ramdam ko ang pagpapakawala ng mabigat na paghinga ni Hellix.

"Hindi ikaw ang magdedesisyon na iyon.  Tanungin mo muna si Benj kung bakit niya nagawa iyon."

Diretso ang tingin ni Hellix sa aking mga mata. Ngunit gayunpaman ay tila sementadong pader parin ang nakapinta sa mukha nito.

"Ano sabi mo? Bakit ko tatanungin si Benj? Sinadya ba niya na maging imortal tulad ninyo?"

#

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon