Warning: She the Devil 13

38 3 0
                                    

Liane Point of View


Panibagong araw ngunit nanatiling nasa kahapon ang laman ng isip ko. Upang makalimutan ang mga iyon ay itinuon ko sa mga tambak na notes na kailangan kong kopyahin kay Benj.


"Umamin ka nga? Buntis ka ba? Lagi kang nawawalan ng malay?" Naiwas agad siya nang batuhin ko siya ng pencil case ko.

Napansin ko na napatingin ang ilang kaklase ko sa pwesto namin. Baklang toh talaga! Kung ano-ano lumalabas sa bibig eh!


"Tumigil ka nga! Bestfriend ba talaga kita? Hindi ako kaladkaring babae aba!" Parang kailan lang napag-usapan naming dalawa ang tungkol sa boyfriend. Ngayon naman pagbubuntis? Baka bukas o sumunod na araw ay itatanong niya kung sino ang asawa ko?

"Maiba tayo, nabalitaan ko na kasa-kasama mo ang mga transferees kahapon? Siguro isa don ang jowa mo ha! Mana ka talaga sa akin! Magaling kumilatis ng jowa." Napatayo siya nang pabagsak na ibinaba ni Nico ang bag niya sa pagitan namin.



Hala! Andito na siya! Parang kabute naman ang isang toh. Bigla nalang darating ng walang pasabi.


"Nico! Mabuti nandito kana. Kumusta?" Pagtatanong ni Benj, pero nasa akin ang tingin ni Nico.

"Hi? Bakit wala ka kahapon?" Pagtatanong ko rin sa kanya.

***


Makailang beses na niyang sinabi ang pangalang nakaimprenta sa tupperware na dala ni Nico. Nasa cafeteria kami ngayon para kumain.


"Cravingsworth!"



"For the nth time." Mahinang sabi ni Nico.

Alam kong nagpipigil lang si Nico na itapal niya ang isang sandwich sa bibig ni Benj. Ako nga ay nangangati na ang palad para sapakin siya ngayon. Sobrang hyper ng bakla!


"Nabasa ko rin naman, Benj pero di ako OA-"


"Pasensiya na, na-overwhelm lang. Alam mo rin naman na gustong mo makapunta roon. Pa-inosente ka pa." Sabay kain sa pasta na nasa tapat niya.


"Wala kasi akong oras at wala ring pambayad kung sakali. Kaya hindi pa ako nakakapunta." Diretso kong sabi kay Nico na kanina pa nakatingin sa akin. Alam kong nagtataka rin siya at hindi naman big deal iyon dahil isang restaurant lang naman kasi yon. Pero hindi rin nawawala sa isip ko ma mamangha sa lugar na iyon. Isa sa mga pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng trabaho at makapagpatayo ng negosyo at iyon ay isang restaurant.

Hindi naman masamang mangarap, maraming pang taon at wala akong oras para itigil abutin ang pangarap ko na 'yon. Dahil naniniwala ako na mabibigyan ko na si Lolo ng magandang buhay. Isa pa araw-araw ay may pagkain siyang makakain kahit anong gusto niya ipagluluto ko siya.

"Dream niya kasing maging chef at restaurant owner someday." Dagdag pa ni Benj na nilantakan naman ang pritong manok.


"If both of you are not busy, we can go there this weekend." Naisubo ko na yung sandwich pero napahinto ako sa narinig ko dahilan para mahulog sa tapat ko yung nakagat kong tinapay.


Napatikhim nalang si Nico at inabutan ako ng tissue paper. Napairap naman si Benj sa nakita niya, kahit naman ako ay nadiri sa ginawa ko.



"Anong oras? Saang meet-up?" Nagniningning ang pares ng mata ni Benj, kahit dalawang araw pa bago ang Sabado.


"Sana lang talaga matapos ko na yung mga papel ng bwisit na Hellix na 'yon. Biruin mo, hindi ko na nga maasikaso yung nauna niyang binigay tapos dadagdag niya pa ng panibagong portfolio?" Reklamo ko at kinain na ng tuluyan ang sandwich na hawak ko.


"Kaya naman pala buong linggo kang wala sa mood." Kumain nalang kaming tatlo. Hindi ko maialis ang atensyon ko sa pangalang "Cravingsworth" Hanggang sa magsalita muli si Benj.


"Yung tungkol pala kahapon. Usap-usap kasi yung grupo na....Sang-re-yal? Tama ba? Nakakapagtaka lang dahil parang kilala ka nila? Kung hindi mo jowa yung isa sa apat na guwapo na iyon? Bakit parang close na agad kayo?"


Umiling ako at hinarap ko si Benj," Kahit naman ako ay nagulat di naman. Bakit nila ako kilala? Ngayong hindi ko naman sila kilala? Ang weird diba? Mga mind reader ba sila?" Nagbabatuhan na kami ng mga tanong ni Benj pero si Nico ay patuloy lang sa pagkain, halatang hindi siya interesado.

***

Sa ilang linggong pabalik-balik ako sa building na ito, nawawala na yung takot na nararamdaman ko noong unang beses kong itapak ang mga paa ko rito. Parang normal nalang ang building na ito para sa akin, kahit ang totoo ay normal lang naman talga siya. Nag-iba lang ang impresyo ko dahil sa mga bali-balita tungkol sa mga nagpaparamdam raw na mga ligaw na espiritu, engkanto o multo.

Bakit ba kasi masa dulo siya ng university? Kaya noong unang beses kong makapasok sa university na ito, kailan ko lang nalaman na sa bandang likod pa ng university ang lokasyon ng opisina ng mga student council at ang detention room. Marahil wala akong interes alamin ang mga iyon pero ngayon naging parte na ako nito. Kapag talaga naging close na kami ni Hellix uutusan ko siyang ipaputol ang mga punong kahoy sa paligid ng building, ang creepy talaga!


Pero mas creepy ang naisip ko na maging close kami nung Hellix na iyon! Gross!


Makulimlim parin ang himpapawid, wala akong alam ngayon sa balita sa telebisyon o radyo kung may bagyo bang darating. Mukhang uulan na naman mamayang hapon, parang kailan lang sobrang tirik ng araw tapos ngayon uulan naman?



Tatlong katok ang ginawa ko bago ang pumasok sa detention room. Nagpunta ako rito para ibigay ang mga natapos kong research paper. Tinulungan ako ni Nico kanina, ang bilin niya ay ipasa ko na ang mga natapos ko para kahit papano ay hindi natatambak sa mesa ko at mabawasan ang dalahin ko. Hindi ko naman pwedeng iwan sa locker room dahil puno na rin ang isang iyon ng mga modules ko na kailangan ko pa palang ipa-copy. Malapit na ang exam, kailangan kong makapasa sa mga subjects para narin sa financial assistance na ina-apply-an ko.


Madilim na nga sa may labas, maging sa loob ng kwarto at madilim din. Bakit parang takot na takot ang mga tao rito sa liwanag. Gusto ko mang hanapin ang switch para sa ilaw nang mapansin kong walang mga bumbilya sa kisame ng ilawan ko iyon gamit ang cellphone ko. Kinukulang na ba sila sa budget?

Gaya ng lagi kong ginawa ay nagharang ako ng isang upuan sa may pintuan, mahirap na baka ma-lock na naman ako rito, mukhang wala pang tao sa loob.


Inilapag ko na sa mesa sa may harapan ang mga dala kong papel. Akmang aalis na ako nang may mapansin akong kakaiba. Kinuha ko muli ang cellphone ko para mai-on ang flashlight at mailawan ko ang bagay na nakita ko sa mesa.



"Ketchup?" Tanong ko sa sarili ko. Bakit naman magkakaroon ng ketchup rito?

Nakapagtataka lang kung bakit hindi ito gaanong malapot at tila may halong tubig ito. Nang akmang papatayin ko na ang ilaw ay napansin ko ang sa may sahig. Inilawan ko rin ito hanggang sa makita ko napakaraming ketchup sa sahig. Napaatras ako dahil halos maapakan ko na ito.

Tuluyan ko nang nabitawan ang cellphone ko at hinayaang humalik iyon sa sahig at mabalutan ng ketchup. Dali-dali kong pinulot iyon ngunit napasalampak ako sa sahig dahil sa gulat dahil may kakaibang bagay ang nandoon. Hindi ketchup ang mga pulang likido na nasa mesa at sahig. Ang mga malapot at pulang likido na iyon ay mula sa dugo...

ng isang tao.

#

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon