Warning: She the Devil 56

8 0 0
                                    

Liane Point of view

Matapos kong ipainom kay Lolo Morris ang gamot nito ay inihatid ko na siya sa kwarto nito upang makapagpahinga. Nag-aayos naman ng higaan si Aling Koring sa may maliit naming sala, malalim na rin ang gabi at kailangan na naming matulog.

"Maraming salamat nga pala sa pagkain, apo." Nagmano pa si Hellix bago pa ito lumabas ng bahay.

"Mauna na po ako, nanay." Nag-wave pa siya kay Aling Koring at bahagyang ngumiti. Hindi ko na sana ito ihahatid pa sa labas pero itinulak naman ako ni Aling Koring. Hindi ba niya alam na delikado sa mga panahon ngayon ang lumabas ngayong madilim na.

"Salamat. Mag-iingat ka." Natigilan ito sa pagbukas ng pinto ng kotse nito at nilingon niya ako.

Kailangan ko bang magpasalamat sa patay-sindi na ilaw sa poste dahil hindi niya makita na may namumuong mga luha sa gilid ng mata ko.

"Magiging katulad din ako ni Flare, tama? Para mabuhay kami ni Lolo, kailangan kong gawin ang mali." Ilang segundo lang ay yakap na ako ni Hellix. Halos masubsob na ako sa dibdib nito dahilan para hindi ako makapagsalita ng maayos.

"Kahit kailan talaga wala kang tiwala sa akin."

Dahan-dahan kong inilabas ang maliit na kutsilyo na nasa bulsa ng jacket ko at itinapat iyon sa leeg ko.

"Sorry."

Nawalan na ng lakas ang mga tuhod ko at huling nakita ko ay mahigit akong niyakap ni Hellix upang hindi ako tuluyang mahiga sa kalsada.


***

Napabangon ako ng wala sa oras. Ilang sandaling umikot ang paningin ko hanggang sa maka-adjust ito. Tumambad sa harap ko ang malaking kama, maliliit na ilaw sa bawat sulok, mahahabang kurtina na halos hindi na magawang isayaw ng hangin dahil may kakapalan din ito.

"Kilala mo naman ang mga iyon. Madaling sumunod sa utos at ang biktima nila ay madaling matukso lalo na at nasa usapan ang nag-iisang pamilya nito."

"Nasaan na ang mga babae na iyon?"

"Huminahon ka, Yuri. Hindi mo sila pupwedeng pakialaman dahil alam mo kung gaano kalaki ang ambag na nagawa nila para palawakin ang grupo."

"Pero bakit kailangan ulit nilang idamay si Liane!"

"Si Liane lang ang paraan para tuluyan nating matapos ang misyon. Kailangan nating makuha si Niall sa lalong madaling panahon."

Napalingon sa direksyon ko ang dalawang lalaking nag-uusap. Nahuli ko ang mga mata ng mga ito nang makita nila ako.

"Ibig sabihin hindi parin pala sapat ang dugo na naibigay ko. Si Hellix parin pala ang gusto ninyo."

"Liane." Gusto mang humakbang ni Yuri palapit sa akin ay tila may pumipigil sa kanya. Napapansin ko rin na lumalabas ang mga pangil nila. Marahil dahil sa dugo sa leeg ko. Tuluyan ko ng tinanggal ang benda doon at tiniis na hindi sumigaw nang ibaon ko ang maliit na kutsilyo na hawak-hawak ko.

"Wala ng rason pa para mabuhay ako, Yuri."

Mabilis na kumilos si Gavin at marahas na kinuha ang matalim na kutsilyo sa kamay ko.

"What the fuck you are doing!" Wala ng pakialam si Yuri kung tumalsik pa ang laway nito sa mukha ko sa paraan na pagsinghal niya sa akin.

"P-patayin niyo na lang ako!"

#

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon