Liane Point of View
Pinipilit kong iniisip na sana ay nagbibiro lang si Hellix. Hanggang ngayon parin ba ang gumagawa parin siya ng paraan para kamuhian ko siya? Kung balak niya na saktan ako ay hindi na niya kailangan pang sabihin ang mga nagawa niyang kwento ngayon dahil sobrang sakit na. Wala akong ideya kung totoo ang nga sinasabi niya pero paano kung lahat ng iyon ang purong katotohanan? Katotohanan na ginamit niya lang ako para sa isang babae na kanyang pinakamamahal.
"Kung kaya mong manipulahin si Liane, huwag ako. Sabihin mo na ang totoo na imbento mo lang ang mga sinabi mong kwento. Give me proof that you are not lying." Nanatiling seryoso ang mga tingin ni Alliyah na kahit alam niyang kailangan niyang kumalma. Napupuno na ito ng galit sa sistema niya at sa oras na hindi niya ito makontrol ay makakapagsalita na ito ng hindi maganda.
"As if you'll believe me when I tell you where and how I find out the truth." Nakuha pang magsindi ng sigarilyo si Hellix pero hindi natuloy dahil binawi iyon ni Alliyah sa kanyang kamay.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Niall." Umayos ng tayo ai Hellix at bahagyang napahawak sa kanyang buhok. Marahil doon na lamang niya idinaan ang inis na nararamdaman sa kausap.
"You know we immortals are capable of doing the things we want to know. Ang paghalik ko sa kanya ang paraan para mabasa ko ang mga bagay na tungkol sa kanya. Iyon ang gusto mong malaman, isn't it?"
"Hinalikan mo siya?" Maging ako tulad ni Alliyah ay hindi makapaniwala. Lahat pala ng mga nangyari ang plano niya para may makuhang impormasyon tungkol sa pagkatao ko.
"As expected, hindi ka nga makapaniwala. Pero totoo ang narinig mo, to know and get the information I want to know I have to kiss her. It's just crazy to hear but it's an easier way than reading her mind which I can't do like the rest of us." Imbis na makaramdam ako ng panghihina sa mga naririnig ko ay nagkakaroon ako ng lakas para lalo akong magalit sa kanya. Hindi ko ma kayang marinig ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
"Alam ko na kung bakit tayo sinusubukan ng mga Sangreal. They own Liane. I forcefully take from them what I shouldn't take."
"Ngayon mo lang napagtanto? Kung kailan nasaktan mo na si Laine? At hindi lang yon, Hellix. Nadamay na rin sila Lucien at Zanchi sa nangyayari dahil sa galit ng mga Sangreal. Ang hindi ko lang matanggap na si Leona parin pala ang mas inuuna mo." Masama ang tingin na ibinato ni Alliyah habang nakangiti ito sa kanyang kaibigan. Hindi na naituloy pa ang sasabihin nito nang marinig nila ang sigaw ni Ruce.
"Anong problema?" bungad na tanong ni Alliyah. Nagmadali akong kumilos para makapagtago dahil alam kong hinahanap na ako ni Ruce.
"Don't move." Napasubsob ang mukha ko sa dibdib nito nang biglaang paghila niya aking braso. Kahit na sumigaw ako ay hindi ko magawa dahil halos dumikit na ang nguso ko sa dibdib niya.
"Nawawala si Liane." Humahangos na sabi ni Ruce. Walang reaksyon si Hellix na tila walang narinig. Tinalikuran nalamang ni Alliyah ang huli at sinenyasan si Ruce na umalis na.
"We have to leave too."
Kumawala na ito sa yakap at hinubad niya ang jacket nito.
"Yuri..." tawag ko sa kanya pero natuon ang paningin nito sa aking braso.
"Fuck." Malutong na mura nito at ipinagpatuloy nalang niya na ipasuot sa akin ang jacket nito.
"Umalis na tayo." Umiling ako at nilingon ang pinto ng kubo.
"Hindi pwede. Pupuntahan ko si Gavin. Kaya ako nandito para tulungan siya." Niyakap nalang niya ako para matigil ako sa pagsasalita. Huli na ako para punasan pa ang mga luha kong kumawala sa mata ko.
"I'm with Devon and Dancel. Damn. Stop crying, Liane."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...