Warning: She the Devil 78

7 0 0
                                    

Liane Point of View





Wala akong marinig na kahit ano. Maliwanag na sa labas at nakapagtataka na kahit isang huni mula sa mga ibon ay hindi mo maririnig. Tuluyan na akong bumangon at sa aking pagtataka ay may lalaking nakatingin sa akin.




"Kulang pa ba ang tulog mo, binibini?"



Ibinato niya ang isang maiinit na bimpo at tumama ito sa aking mukha.




"Laway mo! Kadiri! Bangon na at tanghali na!" Tumalikod na ito at pabagsak na isinara ang pinto.
Tumayo na ako at sinundan ito sa labas.



"Ruce!!! Sinong nagsabi na pumasok ka sa kwarto ko!" Mahigpit ang kapit ko sa bimpo at ibinato ito sa mukha niya.





"Aba! Ikaw pa may ganang magalit? Tanghali na! Dapat kaninang umaga pa tayo umalis! Ano bang ginawa mo kagabi at puyat na puyat ka? Tulog mantika huh." Tumapat ito sa akin at naramdaman ko ang pagpunas niya ng bimpo sa gilid ng bibig ko.




"Laway mo!"




Yawa!





***



Tapos na paliguan ni Ruce ang dalawang kabayo ngayon sa tabi ng ilog. Kanina pa nga ako nakahawak sa tainga ko dahil pakiramdam ko ay nawawalan ako ng pandinig.



"Bakit napakatahimik ng gubat? Kung hindi ka lang nagbunganga kanina ay makukumbinsi na ako na may problema sa tainga ko."



"Mamayang gabi ng ang kabilugan ng buwan. At kung hindi mo naitatanong, naghahanda lang sila sa matinding pagdiriwang." Inaayos na muli ni Ruce ang sapin sa katawan ng kabayo para hindi kami mabasa sa oras na sumampa na kami rito.


"Hindi ba dapat maingay nga kayo dahil may handaan?" tanong ko sa kanya. Nagpakawala muna ito ng malalim na paghinga bago niya ako sagutin.



"Bakit ba ang dami mong tanong? Hindi ka naman imortal pa para malaman mo. Kung interesado ka, huwag mo na alamin. Baka matuluyan ka na gawing inihaw kapag nahuli ka mamayang gabi."




"Eh? Hindi naman tayo aabutin ng gabi. Ihahatid mo nga ako pabalik sa amin eh." Lumapit ito sa akin at walang sabing binuhat ako para maisakay sa kabayo.



"Aabutin tayo ng gabi kapag hindi ka tumigil sa pagtatanong mo. Kaya pwede ba?"




***



Tanaw ko sa dulo ang isang maliwanag na parte na tila daan para makalabas sa gubat. Ngunit huminto ang sinasakyang kabayo ni Ruce kung kaya't nahila ko rin ang tali ng sinasakyan kong kabayo.



"Sandali lang." Bumaba ito at itinabi sa isang puno ang kanyang kabayo. Inalalayan niya akong makababa at itinabi rin ang kabayo ko sa puno.



"Bakit? Malapit na tayong makalabas." Sinigurado ni Ruce na maayos ang pagkakatali ng mga kabayo sa katawan ng puno.



"Nasa labasan sina Axel. Pupuntahan ko muna sila bago tayo dumaan. Mahirap na baka maharang nila tayo. Dito ka lang, kukutusan kita kapag umalis ka." Pitik niya ang noo ko dahilan para mapapikit ako. Nang idilat ko ang mata ko ay wala na siya sa tapat ko.



Kakaiba ang lamig ng hangin na naghahari sa loob ng gubat. Sa kapal ng mga sanga at dahon ng mga puno rito ay hindi na kayang tumagos ng sinag ng araw kahit tanghaling tapat na sa mga oras na ito.



Inilibot ko ang paningin ko at natanaw ko sa hindi kalayuan ang mga anino. Mga grupo ng mga kalalakihan ang mga ito at tila may pupuntahan sa ibang direksyon.




"Oras na para puntahan ko siya. Hindi ko siya kayang iwan."

#



























Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon