Warning: She the Devil 74

5 0 0
                                    

Liane Point of View


Napayuko nalang ako habang nakapinta sa aking labi ang isang ngiti.

Bakit pa ba ako nagpunta rito?

Bakit ako hihingi ng tulong sa isang tulad niya na parang demonyo?

Wala na talaga siyang pakialam pa sa akin. Kaya niyang makita na masaktan ako at ang hindi ko kayang matanggap na handa niya akong patayin sa harap ng kaibigan niya.

"Too much drama."

May malakas na pwersa ang aking naramdaman hanggang sa humampas ako sa dinding ng kwarto. Ilang sandali pa ay ang walang pag-iingat na paghawak sa aking leeg na siyang dahilan para umangat ako sa ere.

"Mga traydor kayo ni Yuri! Sisiguraduhin namin ni Devon na mamatay kayong dalawa dahil sa ginawa niyo sa grupo!"

Bago pa ako malagutan ng paghinga at pinilit kong tingnan ng diretso sa mata su Gavin.

"Naalala mo pa ba si Lolo Morris? Alam kong hindi na kita mapipigilan na tuluyan ako ngayon. Gusto ko lang sana na mabantayan mo siya sa oras na mawala na ako. Please, Gavin? I'm sorry sa mga nagawa ko sa inyong mga Sangreal. Kasalanan ko ang lahat." Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Gavin sa leeg ko na tila dudurugin niya na ito. Alam kong narinig niya ang mga sinabi ko sa aking isipan. May kakayahan sila na basahin ang isip ko dahil wala na akong lakas pa para magpumiglas pa sa hawak nito.

"Son of a bitch." Biglang nawala si Gavin sa harapan ko at kasabay nito ang pagkawasak ng kabilang parte ng kubo. Nasira ang buong dingding kung saan makikita na kakahuyan sa labas.

"You alright?" Nanginginig ang mga kamay ni Ruce nang alalayan niya ako.

"You're hurt enough. Bago man lang ako mamatay, suck my blood. Kasalanan ko kung bakit ka nasugatan." Nanlalabo man ang paningin ko sa mga oras na ito ay nilabanan ko iyon.

"Forget it. Kailangan nating umalis dito." Binuhat niya ako at wala akong magawa kundi ang kumapit ng mabuti sa kanya.




***




Tanging mga lumang lampara ang nagbibigay ng liwanag sa buong bahay. Naikwento ni Ruce na dito sa bahay kubo tumira sila ate Zanchi at Lucien noon.

"Parang nangyari na nga ito noon. Mula nang dumating si Zanchi sa gubat ay nagkagulo na." Inilapag ni Ruce ang ilamg plato na may lamang mga gulay para maging hapunan namin ngayon madaling araw.

"Ibig mong sabihin kasalanan ko pa na pumunta ako rito sa teritoryo niyo?" Nanatiling abala ito sa paglalagay niya ng pagkain sa plato nito

"Exactly." Nagsimula na itong kumain habang ako ay nanatiling nakatingin sa kanya.

"Sabihin na nating krimen ang pagpunta ng mga tulad ninyong mga mortal dito sa amin." Patuloy parin siya sa pagpapaliwanag kahit hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin kahit saglit.

"Paano mo nasabi?" tanong kong muli sa kanya kahit alam kong kumakain ito at may laman ang kanyang bibig.

"Gagawin ng isang imortal na protektahan ang isang tulad mong normal na tao."

"Hindi naman ako poprotektahan ni Hellix." Kaagad ko bwelta sakanya at nagulat ako nang harapin niya ako.

"Sinabi ko bang si Hellix ang poprotekta sayo?" Inabot niya ang baso na may lamang tubig at uminom.

"Alangan naman ikaw? Pakialam mo ba sa akin." Naibuga tuloy ni Ruce ang tubig na kasalukuyan niyang iniinom.

#

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon