Warning: She The Devil 98

7 0 0
                                    

Someone's Pov

Maraming mga bituin ngayong gabi na nagkalat sa kalawakan kasama ang maliwanag na buwan. Umiihip na rin ang malamig na simoy ng hangin. May iilang tunog mula sa mga insekto na nasa mga punong kahoy sa paligid.

"Hey." Tila hindi rin marinig ng dalaga ang sarili nitong boses nang batiin niya ang lalaking palapit sa kinakatayuan nito.

"Looks like you got home late?" Itinuro ni Niall ang bahay sa likod.

"Pumunta ako kay ate. Lumipat na kasi siya sa bahay ni Asuncion." Nag-bow na ito sa kanyang tapat na tila ipinapahiwatig na kailangan na niyang pumasok sa loob.

"Are you serious about leaving the country?" Napako sa lupa ang mga paa ni Liane nang marinig niya ito kay Niall. Kung alam lang sana ng lalaki ang katotohanan. Gusto man niyang paniwalaan na ang pag-alis sa bansa  ang solusyon para hindi mangyari ang masamang bagay na kanyang kinakatakutan.

"Raytheon is waiting for me. Mauna na ako sayo." Ngunit hindi na nagawa pang makakilos ni Liane sa pwesto nito nang maramdaman niya ang pagyakap ni Niall rito.

"Do not leave me. I'm afraid to lose you." Sumuot kaagad ang amoy ng alak sa ilong ni Liane. Hindi nito maintindihan kung paniniwalaan niya ang mga sinabi ni Niall sa kanya.

"You don't know what you're talking about. You're drunk, Niall. Umuwi kana." Pilit na humiwalay ni Liane at nang matingnan niya ang mulha ni Niall ang nakapikit ang mga mata nito at basa ang magkabilang pisngi.

"I miss you." Kusang humiwalay si Niall sa yakap nito at humakbang paatras.



"I need to be drunk to say that. Devon and I talked and that was his advice to me." Iniangat ni Niall ang kanang palad nito at kumaway na tila nagpapaalam na.

"Have a good night, Liane." Walang intensyon na hawakan ni Liane ang braso ni Niall nang sa pakiramdam nito ay mawawalan ng balanse ang lalaki.

"Sandali lang. Tatawagin ko lang si Kuya Devon, delikado kung magmamaneho ka ng kung nakainom ka."

Inalalayan ni Liane ang lalaki upang hindi  ito matumba  sa damuhan.

"No. I can handle my self. Gabi na at kailangan mo na ring magpahinga." Iniwas ni Niall ang kamay nito na siyang dahilan para tuluyang itong matumba sa lupa.

"Shit!" Mabilis na kinuha ni Liane ang cellphone nito upang tawagin si Devon ngunit hanggang ngayon ay hindi ito sumasagot. Walang naisip na paraan ang babae kundi ang itayo si Niall at pumasok sa bahay.



***



Narinig ni Liane ang mabilis na mga yapak ng paa palapit sa kinaroroonan nito.

"It worked!" Nakangisi na sabi ng kanyang kuya Devon.

"Pinagsasabi mo? Ikaw na ang mag-asikaso sa kanya. Kailangan kong puntahan si Raytheon sa taas." Umayos na ng tayo si Liane mula sa pagkakaupo sa sofa kung saan nakahiga ang natutulog na si Niall.



"Actually..." Inirapan ni Liane ang kanyang kuya at pinatigil na ito sa pagsasalita.


"Paano kung maaksidente 'yan sa daan? Huwag ka na magpaliwanag at sinabi ni Niall sa akin ang lahat. Kailangan mo pa siyang maglasing para sabihin iyon? So childish, kuya Devon." Naging seryoso ang mukha ni Devon na siya ikinabahala ni Liane.



"You didn't get it. Wala ka parin bang nararamdaman? Buo na ba talaga ang desisyon mo na layuan siya?"



Walang mahanap na sagot si Liane at nanatili itong nakatingin sa kanyang kuya Devon.


"Let's say you are the curse and he is the only cure. Inaamin ko na kami ang naging dahilan para magkaroon ng hindi magandang impresyon si Niall sayo. Hindi ko rin inaasahan na darating tayo sa sitwasyong ako na mismo ang gumagawa na paraan para magkalapit kayong dalawa, hindi lang para sayo kundi sa pamangkin kong si Raytheon. If only you knew how happy Raytheon was earlier in the park with Niall." Sa pagkakataong ito ay halos mahulog sa sahig ang puso ni Liane sa narinig.



"Kaya ba hindi ka nagrereply sa mga text ko? Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-aalala kanina!" Kaagad na yumakap si Devon sa kapatid nang makita niya na masama ang tingin na binabato ng kanyang kapatid rito.





"Nangyari na, there's nothing we can do. I promise it won't happen again." Humiwalay na si Devon at nagpaalam na maglilinis ito sa dining area dahil nagkalat parin ang mga inumin nila ni Niall kanina.



Napalingon muli si Liane kay Niall nang marinig niya ang pagsuka ng lalaki. Nagmadaling inalalayan ito ni Liane ngunit huli na para hindi marumihan ang damit ng suot ni Niall.




"Kuya Devon!!!Nasa plano mo rin ba na linisin ko ang kalat nito!?" Nawala sa paningin ni Liane ang kuya nito at nahuli niya ito na nsa ikalawang palapag na ng bahay nila papasok sa kwarto.



Napilitan na lamang ito na kausapin si Niall ngunit tila wala sa tamang katinuan ang lalaki at halos mawalan na ito ng malay sa sobrang kalasingan.



Ilang sandali lang ay nakabalik na ito sa sala dala ang isang palanggana na may lamang maligamgam na tubig at isang basang bimpo.



Marahan nitong inalis ang damit pangitaas ng lalaki na may mantsa ng suka. Pinunasan muna ni Liane ang mukha nito pababa sa matipunong dibdib ng binata. Ilang sandali ay nahuli niya ang sarili na nakakatitig sa dibdib ng lalaki.



Hindi niya maalis ang paningin niya rito hindi dahil sa magandang pagkakahulma ng katawan na mayroon si Niall. Marahan niyang inilapat ang palad nito sa balat ng lalaki. Nangingilid ang mainit nitong luha nang mahawakan nito ang mga mahahabang peklat na nakamarka sa maraming parte ng katawan ni Niall.

Wala itong ideya kung saan at bakit mayroong ganitong karaming mga sugat ang katawan ni Niall. Tuluyang tumulo ang mga luhang pinipigilan ni Liane dahil mas nagulat ito ng matuuon ang kanyang paningin sa bandang tiyan ng lalaki. May ilang galos doon na karamihan ay sariwa pa at ang ilan ang may natuyong dugo ang makikita rito.


Makailang ulit mang punasan ni Liane ang mga luha sa pisngi nito ay patuloy parin ito sa pag-iyak lalo na at naalala niya ang mga bagay na sinabi sa kanya ng mga taong nakapaligid dito tungkol sa lalaking nasa tapat niya. Si Niall ay isang imortal ngunit naiiba ito sa mga nasaksihan niya mga hindi ordinaryong nilalang.

#

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon