Someone's Pov
One month ago
Tuluyang umiwas si Liane sa mga bagay na nagpapaalala sa kanya ng lalaking si Hellix. Mahirap man mag simulang muli na tila walang nangyari ay nagpatuloy ito. Ang tanging pinanghahawakan nito ay magkaroon ng maayos na buhay hindi tulad noon.
Inabala nito ang sarili sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Raytheon. Sa mansyon nanito nakatira kasama ang kanyang mga kapatid. Malaking tulong sa kanya na sinasamahan siya ng kanyang ate Leona at kuya Devon.
"Wala ba tayong family day katulad nila Kuya Rheinlander?"
Kasalukuyang inihahanda ni Liane ang meryenda para sa kanyang anak. Nasa may hardin sila ngayon at naiisip niya mag picnic sila ni Raytheon ngayong hapon.
"Family day? Anong ibig mong sabihin?"
"Every weekend they go to amusement parks. Minsan pumupunta sila sa beach at doon pumapasyal."
Matagal na hindi nakapagsalita si Laine na tila may mabigat na bagay ang dumagan sa kanyang dibdib. Halos malasahan nito ang sariling dugo sa matagal na pagkakagat sa kanyang labi.
"At ano ang problema ng aming prinsipe?" Hindi na napansin ni Liane ang pagdating ni Devon.
"Sawa na siguro siya sa mukha ko, LA." Kinarga ni Devon si Raytheon. Ngunit malungkot parin ang pakiramdam ng batang si Raytheon.
"Uncle Devon is always with me. Where is my real dad? When I was at school, my classmates accompanied their parents to drop them off. Habang ako si Tito Devon lang o kaya sila Tito Yuri ang kasama ko."
Napansin ni Devon na natahimik si Liane sa kinauupuan nito. Maging siya ay nagulat sa mga sinabi ng kanyang pamangkin. Sinubukang basahin ni Devon ang laman ng isip ng kanyang kapatid na sana ay hindi na lamang niya ginawa.
"Don't blame yourself, LA. I'm here to you and Raytheon."
Hindi kaya ni Devon ma pigilan ang isip at nararamdaman ni Liane. Naniniwala ito na may proseso ang lahat at magiging maayos din sila ni Niall pagdating ng panahon.
***
Gabi na at pinili ni Liane na maupo muna sa balkonahe sa kanilang kwarto. Makapal na mga ulap ang nagkalat sa kalawakan ngayong gabi. Kahit gustuhin mang makatanaw ng mga bituin ngayon si Liane upang kahit papaano ay siya ay makaramdam ng kapayapaan. Hindi na niya mabilang ang mga pagsisi na paulit-ulit nitong dinaramdam.
Mabilis niyang pinunasan ang basang pisngi nito nang marinig niya ang pagbukas ng pinto sa kanyang likuran.
"Hindi ka raw kumain ng hapunan kanina sabi ni Leona." Inilapag ni Devon ang tray na may lamang mga pagkain sa isang maliit na mesa malapit kay Liane.
Mabigay lamang na paghinga ang tugon sa ng babae rito.
"Raytheon seems to have inherited the skills his father had. Also according to his teacher's report to me when I went to school to pick him up, my nephew will be able to excel at a high grade level."
Alam ni Devon na hindi magsasalita ang kanyang kapatid kung kaya't naglakas loob na itong magsalita na.
"Don't you trust me and the Sangreals? That if something bad happens to you and Raytheon, we are ready to protect you? You can't hide from me and don't try to lie anymore."
"Bakit pa ako magsasalita kung alam mo na kung bakit ako nagkakaganito, kuya." Lumandas muli ang mainit na luha sa pisngi ni Liane at wala na itong pakialam kung makita iyon ng kanyang kapatid.
"Naiintindihan kita, pipilitin kong intindihin ka, LA. Sa tingin mo ba kaya ni Raytheon ang bagay na nagagawa ko? Masyado pang maaga para unuwain ng anak mo ang gusto mong mangyari."
"Mahal ko si Hellix, pero gusto kong lumayo sa kanya dahil hindi ko kaya na ako ang maging dahilan para tuluyan siyang mawala sa amin ni Raytheon. Hindi ko makalimutan ang kung among mayroon sa dugo ko. Kuya Devon, ako mismo ang papatay sa taong pinakamamahal ko."
Walang mahanap na salita ang binatang si Devon at maging siya ay natahimik na lang dahil hindi nito malaman kung ano ang kanyang gagawin para hindi na isipin ng kanyang kapatid ang tungkol sa sumpa na mayroon ang dugo ni Liane.
"Hindi ko rin gusto na lumaki si Raytheon na tinatago ko sa kanya ang tunay niyang tatay. I'm just afraid that what if time will come when Raytheon will hate me for what I'm going to do to his father."
"Paano kung subukan mong kausapin si Hellix? Malay mo may paraan pa para masolusyunan natin ang kung anong mayroon sa dugo mo?"
Naramdaman ni Liane ang marahang paghawak ng kanyang Kuya Devon sa kanang balikat nito.
"Hindi mo ba napansin? Kahit anong pigil ko kay Hellix na mapalapit sa'yo ay pilit parin kayong pinagtatagpo? May mga bagay lang na hindi natin kayang tanggapin pero lahat naman ay may solusyon. Kahit ikaw naman ay takot na walang makilala na tatay ang pamangkin ko. Subukan mo lang, LA."
Tuluyang yumakap si Devon kay Liane at hindi na maawat sa pag-iyak ang huli.
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampirAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...