Liane Point of View
Hindi ko siya nakilala kanina. Paano ko naman siya mamukhaan kumg naka-shades siyabat naka-facemask pa? Kung hindi lang siya nagsalita ay hindi ko siya makikilala.
Pero ano raw?
Bakit niya ako kinakamusta?
Dapat nga ako ang magtanong dahil nakipagbugbugan siya sa may detention room kamakailan.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na hawak ang black na facemask niya at ibinaba iyon. Nabitawan ko iyong muli at napaatras. Akala ko talaga panaginip ang lahat pero nang makita ko siya at ang sugat sa gilid ng labi niya, naniniwala na ako na hindi panaginip ang nangyari.
"May first aid kit ako sa bahay, halika." Hinawakan nito ang mga paper bag na hawak ko.
"Let me help you." Hindi ko na naagaw ang mga iyon dahil mabilis niya iyong inabot at bitbit na niya ito sa magkabilang kamay niya.
Nauna na akong maglakad. Binuksan ko ang maliit na gate na gawa sa lumang yero. Mukhang nasa loob si Aling Koring dahil nakabukas ang pinto at may pares ng tsinela sa may gilid. Sunod ay pumasok na ako sa loob, naalala ko hindi ako nakauwi kahapon. Lagot ako kay Lolo nito pagnagkataon, pinag-aalala ko na naman siya.
"Hellix, yumuko ka sa may pintuan masyadong mababa kasi yan." Nang lingunin ko ang kasama ko ay nasa tapat na siya ng pintuan habang hinihimas ang sariling noo nito. Nasa lapag ang hawak niyang mga paper bag. Nilapitan ko siya.
"Ayos ka lang?" Masyado kasing matangkad ang isang toh, huli na para ma-inform ko siya tungkol sa mababang pintuan na mayroon kami.
"Bakit sa basement tayo dadaan?" Heto na po siya sa pagiging masungit niya.
"Sorry na nga, hindi basement itong—" Sumabat siya sa sinabi ko.
Bakit di mo kasi sinabi agad." Nasa noo parin ang palad niya at minamasahe iyon. Halatang nauntog ito dahil may kaputian siya mapapansin ay pamumula ng noo niya.
"Kita mo na kasing madilim dito, naka-shades ka pa. Tanga lang?" Napatakip ako bigla ng bibig dahil sa salitang lumabas doon.
"ANO!" Inalis niya ang shades niya at halos maningkit ang pares ng mata niyang nakatingin ng masama sa akin.
"Ang...ang ibig kong sabihin...ano...gwapo ka naman kasi kahit walang shades heheh." Dahan-dahan niya akong nilapitan hanggang sa ako naman ay mapalapit sa pader at napasandal doon dahil sa patuloy ko sa pag-atras.Ganito pala feeling na ma-corner sa pader.
Halos magkadikit na ang tungki ng ilong namin. Ramdam na ramdam ko rin ang mainit nitong paghinga na tumatama sa aking mukha. Naghahalo ang emosyon sa loob ko, hindi ko mawari kung kinakabahan ako, natatakot at may saya— crap!
Anong masaya?
Halos masugatan na nga ako sa talim ng pagtitig niya sa akin.
"Liane? Mabuti at nakauwi ka na." Nabaling ang atensyon naming dalawa sa nagsalita.
"Aling Koring!" Iniwan ko na ai Hellix, nilapitan ko ang ginang at nagmano. Hays! Pahamak naman! Muntik na iyon!
"Pasensiya na po kung..." Wala talaga akong mahanap na salitang sasabihin.
"Ayan ka na naman. Sana'y na ako bantayan ang Lolo mo, sa susunod magsabi ka kung hindi ka makakauwi at may kailangan ka palang gagawin sa school niyo." Yumakap ako sa kanya ng mahigpit.
"Sorry na po, hindi na mauulit."
"Simpleng bagay lang itong pagtulong ko sa matalik ko na kaibigan. Sino ba naman ang magtutulungan ngayon, gayong pareho na kaming inabandona ng mga sarili naming mga anak." Humiwalay ako sa pagyakap sa kanya. Niyakap ko siyang muli, alam ko na mahirap ang sitwasyong mayroon sila ni Lolo Morris ko. Kaya nagsisikap akong makapagtapos ng kolehiyo sa gitna ng hirap ng buhay.
"Huwag na po kayong malungkot. Kapag naka-graduate na ako at nakapagtrabaho, ibibigay ko po lahat ng kailangan niyo." Nginitian ako ni Aling Koring at hinawakan ang buhok ko sabay gulo nito.
"Sino 'yang kasama mo? Papasukin mo na. Sakto at nakahanda na ang tanghalian."
Binalikan ko si Hellix na nasa labas parin, ako na muli ang nagbitbit ng mga paper bag.
"Tara sa loob, yumuko ka ah?!" Paalala ko sa kanya.
***
Hindi ko na magawang kumain dahil sa pag-aasikaso ko kay Lolo Morris. Pagkatapos pinaliguan ko pa siya habang si Aling Koring ay nakikipagkwentuhan kay Hellix. Potek! Sana hindi sinusungitan ni Hellix si Aling Koring, naku lang talaga.
Hapon na at nasa labas na kami ng bahay. Inihatid ko na siya sa may labasan.
"Salamat po sa paghatid. Pasensiya na pala kanina sa may pintuan, masyado kasing maliit ang bahay namin heheh at isa pa yung nasabi ko, sorry." Nakayuko lang ako habang sinasabi ang mga iyon. Nakakaramdam ako ng awkwardness dahil kami nalamg dalawa ang magkasama.
Wala naman akong narinig na pagtugon sa kanya. Balik na naman siya sa pagiging silent mode. Nang tumingala ako ay hiniling ko sana na hindi ko nalang iyon ginawa dahil nakatingin siya sa akin.
Mabuti nalang at tumunog ang cellphone ko. Kinapa ko iyon sa bulsa ng pants ko sa may kanan.
"Hello—" Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone nang marinig ang pagsigaw ni Benj sa kabilang linya. Pakiramdam ko ay lalabas na siya sa may cellphone ko.
"Nasaan na kayo ni Nico? Kanina pa ako nandito sa Cravingsworth!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Sabado na ba ngayon?
"Nay, aalis na po ako. Maraming salamat po sa inyo," sabi ni Niall kay Aling Koring. Nawala ang atensyon ko sa cellphone.
"Naku wala iyon! Salamat sa mga pagkain kanina!" Bumitaw na si Hellix sa palad ni Aling Koring dahil nagmano pa ito sa matanda.
"Mukhang may date pa kayong dalawa. Sige na, basta ihatid mo nalang pabalik si Liane kapag ginabi kayo." Itinulak pa ako ni Aling Koring palapit kay Hellix, saglit na nagdikit ang mga braso namin.#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...