Warning: She the Devil 46

14 0 0
                                    

Liane Point of View

Hindi mabilang kung ilang mga bagay na ang narinig kong mga nahulog sa sahig. Kung plano nilang sirain ang mga appliances sa loob ng kwarto sana ipinagpaliban muna nila dahil natutulog pa ako.

"Pusang gala naman." Pinipigilan ko ang sarili kong magsabi ng masamang salita. Bumangon na ako kahit na gusto ko pang humilata sa malambot na kama na hinihigaan ko.

"Huwag kang kikilos ng masama," mahinang bulong mula sa isang lalaki sa kaliwang tainga ko.

Naimulat ko ng wala sa oras ang mga mata ko at tumambad sa akin ang napakaliwanag na tanawin sa labas. Anong oras na ba?

Walang tigil sa pagsayaw ang mga mahahabang kurtina na may kulay asul kung saan sila ay nakasabit. Mayroong malalaking transparent na bintana sa gilid ng kamang saan ako nakahiga.

Matatanaw mula rito ang kumikinang na tubig mula sa malawak na dagat, mapapansin hanggang dito kung gaano ito kalinis na tila hinihikayat ka nitong maligo kahit na tirik na tirik ang araw. May iilang mga tao na rin akong nakikita sa dalampasigan, ang ilan ang nasa ilalim ng malalaking mga payong at ang iba ay abala sa paglalaro ng bola na hindi alintana ang init mula sa araw.

"Putangina!" Naitakip ko kaagad sa bibig ko ang magkabilang palad ko dahil sa muntikan kong pagmumura. Binalingan ko ang pinanggalingan ng ingay at nakita ko si Benj.

"Sa wakas at gising na ang prinsesa." Nag- bow panito ng ulo at ang kanang kamay nito ay ipinuwesto pa sa kanyang tyan.

"Sinong hindi magigising sa pagdadabog ng isang nilalang na tulad mo?" Bumaba na ako sa kama at muntik pa akong madapa dahil nahulog ang isang coat sa paanan ko.

"Baka kasi masapak mo ako kapag ginising kita sa malapitan. Kaya nagdabog na lang ako dito, hindi na bale na makasira ng gamit basta magising lang kita."

Hindi ko na siya pinansin pa dahil nasa coat ang atensyon ko. Anong ginagawa ng isang ito rito?

"Alam mo bang anong oras na po madam? Alas dos na po ng tanghali." Patuloy parin siya sa pagsasalita pero hindi ko man lang siya tinatapunan ng pansin.

Inilibot ko ang paningin ko at tanging nakita ko ay isang napakagandang kwarto. Ibang-iba ito sa mga kwarto na nakita ko sa paghahanap ng matutulugan kahapon. Imposibleng ito ang kwarto kung saan ang mga Sangreal dahil iba ang pwesto ng mga gamit doon kumpara sa kwarto kung nasaan kaming dalawa ni Benj.

"Siguro naman may energy ka na for today's game or team building. Mag prepare ka na at hihintayin nalang kita sa labas." May bitbit itong walis tambo pagkalabas nito ng kwarto.

Isang beses pa at inilibot ko ang paningin ko sa kwarto, tanging bag ko at ang gamit ni Benj ang nasa sofa. Kahit anong pilit kong alalahanin ang mga nangyari ay wala akong naaalala. Ang alam ko lang ay umalis ako sa kwarto kung saan kasama namin si Gavin.

***

Alam ko na ang dahilan kung bakit halos ibalibag na lahat ni Benj ang gamit sa kwarto namin para lang magising ako. Aligaga na ang bakla dahil ayaw niyang pahuli dito sa labas. Kung sa iba isang tipikal na outing lang itong nakikita ko pero ang totoo nito ay parang nasa isang pageant kami kung saan nasa swimsuit category na ang labanan. Makikita ang magagandang katawan ng ilang estudyante mula sa suot nilang mga one piece at two piece na swimsuit. Hindi naman nagpatalo ang ilang lalaki na kasama sa outing at lalong nabuhayan ang dugo ni bakla at halos mangisay na sa puting buhangin, gusto pa nga niya akong yakapin pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Akala ba niya nakaiwas na siya sa ginawa niya sa akin? Labag sa loob ko na lumabas ako na naka one piece lang na swimsuit, kung hindi ko lang hinubad ang maong shorts nito kanina giginawin ako ng malala sa may labas. Nang maghanap ako ng pamalit sa bag ko, tanging mga towel at pantulog ang natira sa loob. Alam ko naman na itinago iyon ni Benj dahil bago pa kami pumunta sa university ay siya na ang nagprisinta sa mga susuotin ko kahit na hindi ako pumayag ay binilhan parin niya ako.

Mataas parin ang sikat ng araw kahit alas tres na ng hapon. Hindi na gaanong mainit ang paligid dahil sa preskong hangin ngayon. Ang ilan ay naliligo na sa dagat samantalang ako ay halos mabutas na ang upuan na inuupuan ko mula kanina. Gusto ko mang bumalik sa kwarto pero wala sa akin ang susi dahil tinago iyon ni Benj. Abala naman ang bakla sa paglalaro ng volleyball kasama ang boyfriend nito at ang ilan sa kabarkada.

Sa hindi kalayuan ay nakarinig ako ng pagsigaw mula sa ilang babae. Walang pagpipigil sila sa pagtili na tila may mga artistang dumating.

"Sangreal." Malayo palang ay malinaw na sa akin na sila ang paparating. Bukod sa presensya nila naging doble ang pagsigaw ng mga estudyante dahil naka-topless lang ang apat na lalaki.

"Enjoying the view?" May isang towel ang biglang nasa tapat ko.

"Pinagpapawisan ka." Gusto kong kunin ang towel at ipaikot iyon sa leeg niya ngayon. Lalo lang ata akong na-stress sa outing na ito imbes na makapagpahinga.

"Pasensiya na at sobrang hot lang talaga namin. Lalo na ako at alagang gym ang katawan ko." Ipinakita pa ni Gavin ang biceps nito sa akin. Ibinaling ko nalang sa ibang direksyon ang paningin ko.

Ang sakit sa mata!

"May pa games ang mga student council later, sali ka?" Umiling lang ako at akmang tatayo dahil nasa malapit ko na naman ang mga Sangreal.

Natatakot lang ako na kung ano pang pumasok sa isip ng mga ibang estudyante na makakakita sa amin. Mabuti pa na ako na mismo ang umiwas.

"Punta lang ako sa kwarto-anak ng tinola!" Mabilis na kumapit sa braso ko si Benj. Kapag talaga nakakaita ito ng magandang view hindi ito maawat.

Kailangan ba talagang naka-topless ang mga ito? Edi sila na may pang beach body.

"Umpisa na ang games! Tara mga boys, sali kayo."

#

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon