Warning: She The Devil 92

3 0 0
                                    

Liane Point of View


Magpahinga na sana ako pero pinatawag ako ni Devon.


"Kami na ang bahala kay Raytheon. Kailangan niyong mag-usap ng kapatid mo." Bahagyang ngumiti si Kuya Lucien sa akin at tinapik ang balikat ko. Iniwan ko na sila sa kwarto kung saan kami nagpapahinga. Malaki ang kwarto kung saan kami pinatuloy ni Devon. Mabuti na iyon para may kasama kaming matulog ni Raytheon.


"Mukhang naparami ang nainom mong alak kanina kasama si Ruce?" Nasa mataas na parte kami ng mansyon. Hindi ko inaasahan na may garden pa pala rito sa itaas.


"I just got carried away. Alam mo naman na ilang taon rin nasa ibang bansa si Ruce. I just missed him."


Ramdam ko ang malalim na paghugot ng paghinga ni Devon.




"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya. Uminom muna ito na wine bago ako lingunin.


"I just want to apologize for what I did." Bahagya itong ngumit at umiwas ng tingin sa akin.


"Here we go again. Nasabi ko na sayo na napatawad na kita, Kuya Devon." Lumawak ang ngiti niya at humawak sa ulo ko sabay gulo niya rito.


  "At tama ka, mukha nasobrahan na ako sa alak. Masakit na ang ulo ko. Magpahinga na ako. Tigilan mo na rin yang pag-inom mo , Kuya." Kinuha ko ang hawak niyang baso at tinalikuran na siya.
 

  Napahinto ako sa paglalakad dahil may babaeng papalapit sa kinakatayuan namin.
 

  "You need to talk. I'll leave you for a moment." Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Devon at nawala na ito sa paningin ko.
 


"I know you are confused about what is happening." Ipinatong nito sa magkabilang balikat ko ang isang tela. Naging komportable ang pakiramdam ko dahil kahit papaano ay hindi ako nakaramdaman ng lamig dahil sa pag-ihip ng hangin.
 


  "Close your eyes."

 
  "Teka lang! Bakit ka ba nandito?" Inalis ko ang tela at inabot sa kanya. Muli ay bumalot ang malamig na hangin sa katawan ko.

 
  "Just follow what I say so that you will immediately understand what I want you to know."
 

  Dahan-dahang bumigat ang talukap ng mata ko na tila may kumukontrol sa katawan ko. Hanggang sa dumilim na ang aking paningin.
 

  Sinubukan kong dumilat muli pero  unti-unting nagkakaroon ng imahe sa aking isipan.

 
  Ramdam ko ang malamig na pagpatak ng malamig ng ulan sa akin balat. Kabilaan ang pagguhit ng kidlat sa himpapawid maging at pagkulog ng kalawakan. Ngunit mas malakas parin ang pag-iyak mula sa isang babae.

 
  "Ang kapatid ko."
 
  "Please! Tulungan mo siya."
 
  Nakakabingi ang malakas na pagsigaw ng isang boses ng babae. Balot ng putik ang kanyang mukha ngunit kapansin-pansin ang kumikinang na luha nito sa kanyang magkabilang pisngi.
 
  Hanggang sa maramdaman ko ang mainit na bagay na bumaon sa aking laman. Kumalat sa bawat ugat ko ang kakaibang enerhiyang nagbigay sa akin ng hindi maipaliwanag na lakas. Isang lalaki ang may kakaibang anyo ang nasa aking tapat ngunit ilang minuto lang ang lumipas ay napansin ko ang isang bagay na nakabaon sa kanyang katawan.

 
   "Kuya! Tama na! Bakit mo siya sinaktan!" Masakit na sigaw ng isang babae at nakita ko si Devon.  Nanlilisik ang kanyang mga mata at nababalutan ng malapot na duogo ang buo niyang katawan.
  
  
     "Liane!" Malakas na pagsigaw ang aking narinig at bigla nalang akong napaluhod.
 
  


  
  "I know what you saw was a painful part of your life. But I can't think of any other way to make you remember what happened...to us."
 


  Nanginginig ako habang nakatingin sa kanyang mga mata. Malinaw na malinaw na sa aking paningin ang kanyang mukha.


 
  "Ate..."


#

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon