Warning: She the Devil 40

10 1 0
                                    

Liane Point of View

Isang na linggo ang lumipas, hindi ko malaman kung bakit pakiramdam ko may kakaibang nangyayari. Kabilaan ang pagkakaroon ng meeting sa faculty. Mag-iiwan lamang ng activities ang mga professors namin at iyon ang gagawin namin buong maghapon.

"Benj?" Inalalayan ko siya kaagad nang muntik na itong mawalan ng balanse.

Paakyat ito sa hagdan at maya-maya'y lumilingon ito sa gilid nito.

"Na-nakita ko si Hellix." Naramdaman ko ang paghawak nito sa braso ko, humihigpit ito dahil ng pagtataka ko.

"Anong mayroon sa kanya?" Naguguluhan kong tanong. Sa pagkakaalam ko ay nagiging komportable na ito pero bakit ngayon ay bumabalik ang pakiramdam na pagkakaroon namin mg takot sa lalaki na iyon.

"M-may dugo... pumapatay si Niall." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang may mga estudyanteng dumating.

"Kumalma ka muna, hindi kita maintindihan." Umayos siya ng tayo, hinarap niya ako at halos tumagos na sa aking likuran ang matalim niyang pagtitig sa aking mga mata.

"Galing akong locker room...alam kong hindi ka maniniwala pero kailangan na nating umalis dito."

Dinala ko muna si Benj sa may clinic. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaibigan ko pero hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang mga sinabi nito.

Minabuti ko na puntahan ang locker room na tinutukoy ni Benj. Tanghali na ngunit makakapal na ulap ang tumatakip sa buong himpapawid sa mga oras na ito. Ang ilang mga estudyante nasa field nagpapahinga at ang iba ay naglalaro ng soccer.

Nang makarating ako sa locker room, walang mga tao sa loob. Napagdesisyunan ko na maglakad lakad pa sa mga dulo kung nasaan ang mga storage room.

May mahinang mga boses akong narinig at dahil narin sa kuryosidad ay lumapit ako sa may pintuan at ilang pagkahulog ng kung anong mga gamit sa flooring.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na tinakpan ang sarili kong bibig sa nakita ko. Nawalan ng lakas ang magkabilang tuhod ko dahilan upang mapaupo ako sa malamig na sahig.

Nabalot ng malapot na pulang likido ang puting tiles sa loob ng isang kwarto. Mula iyon sa katawan ng isang estudyante na hawak-hawak ni Hellix. Nanlalabo man ang magkabilang mata ko dahil sa pamumuo ng mga luha sa nasasaksihan. Malinaw parin sa akin na mga mga katawan na literal na naligo ang mga ito sa sarili nilang dugo.

Nilakasan ko ang loob ko upang makatayo upang pigilan si Hellix sa paggulpi sa isang estudyante na kahit halatang wala na itong lakas pa para labanan si Hellix.

"Hell-" May marahas na pwersa ang humawak sa leeg ko at walang sabing hinampas ako sa sementadong pader. Habol ko ang hininga ko habang hawak-hawak ko ang leeg ko.


"You're not invited here, Miss Figueroa." Nakakapaso ang mga salitang binanggit niya na halos gumuhit na ito sa mukha ko at ilang sandali lang ay marahan niyang hinahaplos ang pisngi ko. Ramdam ko ang malapot na dugo na kanyang kinakalat ngayon doon.


Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon