Warning: She the Devil 87

5 0 0
                                    

Liane Point of View


Wala akong ibang paraan pa para makalimutan ko ang gabi na iyon kundi ang kumbinsihin ko ang sarili ko na ilusyon ko lang ang nangyari.

Ngunit kahit anong pilit kong gawin ay naaalala ko ang bawat senaryo na tila nakaukit na ang mga ito sa isipan ko. Dapat pala ay hindi ko inubos ang wine na nasa mesa kanina. Kung ano-ano na lang ang bumabalik sa isip ko.

"Bakit nga ba may kakaiba sa dugo ko? Nagkaroon ba kami ng koneksyon ni Hellix noon pa bago kami magkita sa university? Paano nangyari na naging lason sa kanya ang dugo ko dahilan para mamatay siya?"

Walang ilaw sa hallway kung saan ako naglalakad. Mabuti nalang at may kaunting liwanag na sumisilip sa mga grills mula sa quadrangle. Mahina nalamang ang naririnig kong mga music sa kinaroroonan ko. Nagpalinga-linga ako kung saan lugar na ba ako napunta.

Ilang taon palang nung maka-graduate kami rito at nakapagtataka lang kung bakit pakiramdam ko ay naliligaw ako ngayon.

Binilisan ko na ang lakad ko nang makita ang signage ng restroom. Pumasok na ako at gumamit sa isa sa mga cubicle.



"Huwag kang maingay! Baka nasa paligid lang yung bampira na 'yon! Balita pa na nasa school mismo natin nag-aaral. Nakakatakot na ngang lumabas tuwing gabi! Hindi makatao ang nangyari insidente sa kabilang barangay!"

"Hindi ba may mga dayo dito sa bayan natin? Usap-usapan rin na sinasakop nila tayo ng palihim." Dagdag pa ng lalaki.



Parang kailan lang nang mangyari ang unang beses kaming magkita ni Hellix. Nakatingin ako ngayon sa salamin habang paulit-ulit kong nakikita ang eksaktong eksena noon. Ang pangyayari kung saan una kong nakita ang pinaguusapan nilang bampira.

Ipinaliwanag sa akin ni Devon kung ano ang naging dahilan nila kung bakit napunta sila sa university kung nasaan kami ni Niall. At ito ay ang sugpuin nila ang mga hindi nila kilalang mga nilalang na kumikitil ng buhay sa mga barangay at iba't-ibang probinsya. Inakala nila na si Niall ang puno't dulo ng lahat ngunit huli na para malaman nila na inosente ito.

"Isa si Niall sa mga nakita namin sa gubat noon. We thought he was among the groups that killed our relatives and parents. Perhaps we are trapped in the illusion and it controls us. At ang imahe ni Niall ang tumatak sa isip namin. We have to kill him to get justice for our family."

"Sino ang may kakayahang ikulong kayo sa ilusyon at kontrolin ang mga isip ninyo?" tanong ko kay Devon ngunit maging siya ay naguguluhan parin.

"That is the big puzzle for us now. May isang nilalang kaming dapat bantayan and we don't want to take action yet. You saw how much Niall was hurt because we acted too hastily."

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Sa gulat ay nahulog ang bag ko at nagkalat sa malamig na sahig ang laman nito. Sinagot ko ang tawag habang pinupulot ang mga gamit sa sahig.

"Tapos na ako sa restroom, pabalik na ako ." Hindi ko masyadong maintindihan si Benj sa kabilang linya dahil sa ingay ng background nito. Dumagdag pa ang pagkirot ng ulo ko. Sa pagkakaalala ko ay hindi naman ako nasobrahan sa pag-inom ng wine kanina.

"Bye na!" Na-end ko na ang call at tinapos na ang pagkuha sa mga laman ng bag ko.

"And what are you doing inside the men's cr?" bigla kong narinig ang isang boses ng isang lalaki.





#

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon