Warning: She The Devil 29

24 0 0
                                    

    Liane Point of View

Nahuhulog na ang lahat ng gamit ko sa mesa ko pero hindi ko mahanap ang ID ko. Nabaling ang tingin ko kay Benj na makailang beses nang yumuko para pulutin ang mga nahulog na ballpen sa sahig.

   

    "Ano namang trip mo? Kung ayaw mo nang magtrabaho, pumirmi ka sa inyo."

   

    "Gaga! Nawawala school ID ko!" Inabot niya ang Id lace ko at napatunayan niya na wala ngang Id na nakasabit doon. Alam na rin niya ang pagpa-part time ko, tutol siya tulad ng reaksyon ni Nico. Ang problema matigas ang ulo ko at ipinipilit kung ano ang gusto ko na para sa akin ay tama pero halatang hindi ko makakaya.

   

    "Saan ka ba nagpunta, bukod dito sa room natin?" Siya na mismo ang naglagay ng mga ball sa bag ko.

   

    "Dito lang naman tayo, hindi ba?" Inayos niya maging ang ilang buhok ko na tumakip sa mukha ko. Pinagpapawisan na kasi ako sa paghahanap sa Id ko. Letsugas!

   

    "Sa auditorium!" Pakiramdam ko ay may ilaw na biglang lumitaw sa ulo ng bakla. Namimilog pa ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

   

   

    "S-sa auditorium?" Nauutal kong tanong.

   

    "Oo, diba doon ang klase natin kaninang umaga? Bukas pa naman siguro hanggang hapon." Tinapos na namin ang last subject namin bago ang  tanghali, mukhang hindi muna ako magtatanghalian. Napakatagal kasi ng proseso kapag nagpagawa ulit ng ID. Iniisip ko palang nanghihina na mga tuhod ko.

   

   

    Bigla kong naalala ang sinabi ni Hellix sa akin noon, ang tungkol sa pagtratrabaho ko. Tama nga siya na kahit kailangan ko ng pera para sa pagsuporta kay Lolo Morris, mawawalan ng saysay ang lahat kapag napabayaan ko ang sarili ko, baka nga mauna pa akong humimlay kay Lolo. Kung noon ay pagod na ako sa pag-asikaso sa pag-aaral ko at kay Lolo, lalo aking nakaramdam ng pagod nang tanggapin ko ang inalok na trabaho ni Yuri.

   

    "Ay Tinola!" Napatakip ako ng bibig dahil sa biglang pagbagsak ni Nico sa dala niyang bag sa mesa ko. Masyadong napalalim ang pag-iisip ko kung kaya't hindi ko na napansin na tapos na pala ang klase namin at lunch break na.

   

    "Mukhang wala kang balak magtanghalian." Naupo ito sa tabi ko at inumpisahan na niyang buksan ang bag na dala niya. Sumuot sa ilong ko ang mabangong amoy mula sa bag. Siguradong mga pagkain na naman ang dala niya.

   

    "Kumain ka na, Nico. May pupuntahan pa pala ako. Bye!" Huli na ito para higitin ang braso ko upang pigilan sa pag-alis. Mabilis akong tumakbo para makapunta kaagad sa Auditorium nitong university. Dalawang building pa ang kailangan kong takbuhan para makarating doon. Tanghaling tapat pa naman at nakakahilo ang sobrang init ng lugar kahit na napapaligiran ng mga puno ang university.

   

   

    Napakapit ako sa magkabilang tuhod ko at hinihingal sa sobrang pagod makarating lang sa Auditorium. Ramdam ko ang pagpatak ng namumuong mga pawis sa noo ko. Nang makapasok ako ay naupo muna ako at pinakalma ang sarili ko. Mabuti nalang at walang mga estudyante dito. Mabilis na napawi ang pagod na nararamdaman ko dahil malamig ang lugar, mabuti talaga naka-on parin ang aircon sa loob.

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon