Liane Point of View
Ihahatid na sana namin si Benj pero tumanggi ito may dadaanan pa raw siya sa kabilang bayan, baka mag raket na naman.
"Mag- commute nalang ako, malapit lang naman na. Baka kailangan ka dito. Salamat pala." Bahagya akong yumuko at umayos na rin ng tayo. Ang kaso parang hindi niya man lang ako narinig dahil itinuloy parin niyang buksan ang pinto para sa passenger seat.
"I have one word, Liane. I promise I will bring you back to Nanay Koring." Hindi na ako nakipag-debate sa kanya at para makabalik narin siya kaagad sa restaurant. Kasing lamig ng iced tea na ininom namin kanina ang tono ng pagsasalita nito.
Naupo muli ako sa may loob. Ilang ulit ko ng minura ang sarili ko dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina, hindi ko intensyon na halikan siya! Nakakahiya!
Nasa labas lang ng bintana ang tingin ko para mabaling sa iba ang atensyon ko. Ang problema pilit kong inaalala kung paano alisin ang seatbelt ngayon sa katawan ko? Sa mga jeep, bus at tricycle lang ako madalas sumasakay kaya wala akong ideya kung paano mailagay at mag-alis ng lintek na seatbelt. Gusto ko mang alalahanin kung ano ang ginawa ni Hellix kanina, ang paghalik ko sa kanya ang pilit nagsusumiksik sa isip ko!
"For what we talked about earlier, I will not allow you to work there even though I know you need to have money for your grandfather. Just prioritize your studies first."
Ako na mismo ang nag-alis ng seatbelt ko nang makita ko na malapit na kami sa bahay. Saktong pag-alis ng seatbelt ko ay napatingin ako sa kanya.
"Alam ko naman iyon, pero pwede namang mag-night shift diba?" Nasa harapan lang ang tingin niya. Ramdam ko naman na seryoso siya kahit hindi niya ako tingnan.
"As if you can. Do you know what is going on around you just a few days later? Do you really care about the family you have? They need you more now... even though I know you want to help them too."
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga na ikinaligon niya sa akin.
"You alright?"
Tumango ako at pekeng nginitian siya. Kung alam niya lang kung gaano kahirap ang buhay na mayroon ako ngayon. Kase kahit anong trabaho pa ang pwede kong pasukan ay gagawin ko kahit na tulad ng sabi niya ay kailangan kong i-prioritize ang pag-aaral ko.
"Ingat sa byahe. Sa Monday nalang ulit." Bumaba na ako ng kotse nito. Hanggang sa binuhay na niyang muli ang makina ng kotse at umalis na.
***
Nasa restroom ako at nag-aayos ng buhok. Tinakbo ko lang ang daan papunta sa university. Matapos kong makita kung ilang halaga ng pera ang natitira sa ipon ko parang gusto ko nalamg magpakain sa lupa.
"Flare? Buti bumalik ka na sa school? Ang tagal mong hindi nakakapasok sa klase. Nag-aalala tuloy yung ibang kaklase natin. Ba't ba angtagal mo nga naman?"
"May inasikaso lang. Balita ko nga rin ay sumali rin si Cyriel. Kahit papaano naman kasi napapakinabangan natin ang mga dugo natin kapalit ng malaking halaga ng pera."
Napabaling ang atensyon ng dalawang babaeng nag-uusap sa akin. Wala akong intensyon na makaistorbo sa kanila. Mabilis kong iniligpit ang natapong laman ng maliit maliit kong bag.
"Ikaw si Liane? Kumusta na si Lolo Morris? Nabalitaan ni mama na isinugod siya sa hospital makaraan." Nilapitan niya ako at marahang hinawakan ang balikat ko. Kilala ko ang mukha ni Flare, pero hindi ko siya gaanong kilala kung sino ba talaga siya kahit na ka-barangay lang namin siya. Hindi naman din kasi laging nasa labas ng bahay at nakikipagsalamuha sa iba.
"Kung ayos lang sa'yo, pwede kitang matulungan, financially." Bulong nito sa kaliwang tenga ko. Ramdam ko ang init ng paghinga niya sa balat ko, naghatid iyon kaagad ng kilabot sa buong katawan ko.
"Don't resent the help we're saying. Besides there is nothing wrong there." Sabad naman ng babaeng kasamahan ni Flare.
"Ano bang gagawin?" Naitanong ko bigla. Kailangan ko talaga ng pera ngayon. Naalala ko tuloy ang utang ko sa mga Sangreal kahit na ayokong paniwalaan ang mga sinabi ng mga iyon hindi parin ako pinapatulog ng mga bwisit. Kaasar.
"All you have to do is donate blood in exchange for a large amount of money."#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampiriAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...