Flashback
Mahihinang patak ng ulan ang unti-unting bumabasa sa kanilang katawan. Halos malagutan na ang mga ito ng hininga dahil sa walang katapusang pagtakbo. Pagtakbo upang makapagtago at makatakas sa hindi malaman nilalang. Inipon ang lakas ng mga ito kahit na gustong-gusto nilang sumigaw ng tulong. Napaka-imposible na may makarinig sa pa sa kanila sa malawak at madilim na gubat kung nasaan ang mga ito. Ilang beses narin silang nadapa at halos mabalot na ng dugo ang magkabilang tuhod sa sugat na natamo. Walang awat rin ang pagkulog ng malalaks at maninipis na pagguhit ng mga kidlat sa langit.
"Huwag mo na akong hintayin. Maghanap ka ng mapagtatataguan mo. Kailangan kong hanapin sila mama at papa." Itinulak pa ito ng dalaga pero nagpumilit pa itohumawak sa manggas ng damit nito. Maging ang huli ay balot na ng putik at dugo sa katawan dahil sa pagtakbo makatakas lang sa mga nilalang na humahabol sa mga ito.
"Sige na! Makinig ka sa akin! Kahit ngayon lang ay sumunod ka!" Nakakasigurado ang dalaga na na hindi sa tubig ulan ang mga likido na nasa pisngi nito kundi ang kanyang maiinit niya luha na kumawala sa magkabilang mata.
Akmang tatalikod na ang dalaga nang maramdaman ito na may tumalsik na malapot na dugo sa kanyang mukha. Nahagip ng mata nito na napatigil sa pagkilos ang kanyang kasama. Hanggang sa dahan-dahan itong yumuko at napahawak sa bandang tyan nito na balot na ng dugo. Mga dugo na walang awat na kumakawala sa butas nitong tyan.
"Hindi maaari!!!" Lalapitan na sana niya ito ngunit may malakas na pwersa ang tumama sa kanya dahilan para humampas ito sa katawan ng matandang puno.
Ilang mga putok ng bala ang umalingawngaw sa buong gubat, kabilaan na rin ang pagsigaw ng mga tao sa hindi kalayuan. Nang lumingon ito ay nakita niya na malapit na pala ang mga ito sa bungad ng gubat.
Marahil dahil sa galit ay tumayo ito kaagad at nilapitan ang kanyang kasama na nanghihina na at ilang segundo lang ay matutumba na sa lupa.
"Hindi pwede! Huwag mo akong iiwan!" Mapait na ngumiti ang huli sa kanya habang may malapot na dugo na kumakawala sa bibig nito.
Ipinahawak niya sa dalaga ang baril nito at humiwalay siya sa yakap.
"T-tayong dalawa ang aalis dito! Halika na!" Halos mapatid na ang ugat ng dalaga sa leeg sa pagsigaw ngunit hindi maitago ang takot na naghahari sa sistema nito.
"Umalis ka na, ate ko. Tumakbo ka na." Alam nitong nasasaktan na ito pero nasa boses parin niya ang otoridad na kailangan ko siyang sundin.
"Babalik ang ate! Hihingi ako ng tulong." Gusto nitong umalis na kaagad pero nagtatalo ang nasa isip ko na kung paano kung sa oras na bitawan niya ito ay tuluyan na niya itong iwan? Paano kung wala na itong mabalikan? Wala na ang mama at papa. Ayaw na niyang mawalan pa ng isa. Hindi ito makakapayag na maiwang mag-isa.
Pero gaano niya pa man ipilit na itatak sa isipan nito na maililigtas niya ay... malabong mangyari. Naging doble pa ang mga nilalang na pumapatay ang nasa gubat ngayon. Ramdam na ramdam ng hulo ang pagbigat ng hangin sa paligid at ang mga pulang mata nila na kaya ng ilawan ang madilim na kagubatan.
"Huwag mo akong iiwan! Magmamakaawa ako!" Ayaw niyang maniwala na nawalan na ng hininga ang kapatid sa kanyang mga kamay. Dilat na dilat ang mga mata nito ngunit hindi niya na maramdaman ang pagtibok ng puso ng kapatid.
Wala itong magawa kundi ang yakapin siya at nagdasal na sana ay nagkakamali lang ito, na nasa panaginip lang ang lahat. Ngunit saksi ang mga mata niya kung paano bumagsak ang mga kamay nito sa lupa.
Wala na ang kapatid ko.
Nanlalabo na ang mga mata niya at hindi nito maramdaman ang mga paa na nakaapak sa lupa. Pakiramdam niya ay mawawalan ito ng pandinig sa malalakas na pasigaw mula sa mga tao na papasok sa gubat. May mga bitbit ang mga ito na mga patalim at ang ilan ay may bitbit na kahoy na may sindi ng apoy sa dulong bahagi.
"T-tulong." Napaluhod na ito sa lupa ngunit kaagad rin akong inalalayan ng isang lalaki upang itayo.
"Ang kapatid ko." Itinuro nito ang kapatid na nakahandusay sa lupa, walang buhay. Hindi nito naisip pa kung ang lalaking hinihingian ko ng tulong ay hindi ordinaryong tao.
"Please! Tulungan mo siya." Nanginginig ang magkabilang palad niya nang hawakan niya ang pisngi nito para lang mapakinggan niya ng maayos ang sinasabi nito. Nang magtama ang mga mata nilang dalawa ay halos makalimutan kong huminga.
Isang imortal ang lalaking nasa tapat nito.
Huli na para humiwalay siya sa kanya. Hindi nito nagawa pang umatras para lumayo pa. Naramdaman niyang hinawakan nito ang palad na nasa kanyang pisngi. Pinakiramdaman ng lalaki iyon na tila kanya pang minememorya.
Pinakalma nito ang kanyang g sarili hanggang sa pumasok sa isip nito ang hawak nitong baril. Maingat siyang kumilos upang iangat iyon at itinapat sa katawan nito.
Nasabi ko ba na imortal ang lalaking nasa tapat ko?
Bago ko pa maiputok ang baril ay mabilis niya itong iniwas sa kanya at namalayan niya na lamang na napaupo ito ng tuluyan sa putikan.
Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang maraming dugo na pumapatak sa lupa. Hanggang sa unti-unti na itong nahihirapan makahinga ng hangin at nanlalabo na ang kanyang mga mata. Ang huling mga imahe na kanyang nakita ay ang kanyang kaliwang dibdib, sa parte na iyon kumawala ng walang awat ang mapulang dugo.
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...