Warning: She the Devil 76

5 0 0
                                    

Liane Point of View





Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan na mayroon ang kwarto. Naikwento ni Ruce na dito ang kwarto kung saan ikinulong ni Lucien si ate Zanchi. Napakalupit pala ni Lucien at nakaya niyang gawin iyon sa isang babae pero sa huli natutunan niya ring mahalin.

"What if..."

Natampal ko ang noo ko sa bagay na naglilikot isip ko. Nagpatuloy ako sa pagpapalit ng damit para makapagpahinga na rin.

"Sa mga ikinikilos ni Hellix, malabong mahalin niya ako. The fuck? Mahalin talaga?"

Wala naman nabanggit si Ruce na nabaliw si Zanchi dito kasama si Lucien. Sana talaga ay hindi ako mawala sa katinuan. Bakit ba biglang pumasok sa isip ko ang bagay na iyon? Mahal ba ako ni Hellix?

Napunta ang atensyon ko sa braso ko. Ipinagtataka ko kung bakit sariwa pa ang sugat ko kung ang sarili kong dugo ay kayang gamutin ang mga imortal gaya ng sabi ni Hellix at Gavin?

Kaya ba ayaw maniwala ni Ruce na kaya ko siyang pagalingin siya dahil nakikita niya na nasasaktan ako at hindi kayang maghilom ng mga galos at sugat sa katawan ko.

"Yawa! Bakit ka ba naghuhubad!" Isinara muli ni Ruce ang pinto. Mabilis akong kumilos para tuluyang magpalit ng damit.

"Anak ka naman ng tinola! Bakit ka biglang nagbubukas ng pinto na hindi kumakatok-" Natigilan ako sa pagsigaw dahil nasa sahig na si Ruce, nakadapa.

"Pasensiya ka na, Liane. Gugong talaga itong si Ruce kahit kailan." Idiniin pa ni Alliyah ang pagkakaapak ng kanyang paa sa likuran ni Ruce.

"For your Information Miss Liane Aesha Figueroa. Apat na beses pa akong kumatok sa pinto. Kasalanan ko pa na nagdedelulu ka!" Pilit na kumakawala si Ruce ngunit hindi siya pinapakawalan ni Alliyah.

"Kumusta ka na, Liane?" Tanong sa akin ni Alliyah.

"Pwede bang pakawalan mo muna ako, babae! Mamaya na kayo magkamustahang dalawa!" Hinihingal na sabi ni Ruce na hinugot lang ng kayang lakas para makawala sa pagkakaapak sa kanya ni Alliyah.

"Aren't you going to rest ? Anong oras na at kailangan maaga kayong makaalis bukas." Sabay-sabay kaming lumingon sa pinto kung saan ang entrance ng bahay. Humithit pa ng isang beses si Niall sa sigarilyo nito bago niya itapon ito sa labas.

"Magpapahinga na. Binisita ko lang si Liane, baka kung ano na naman ang gawin nitong si Ruce." May kinuha si Alliyah sa bangko at inabot sa akin.

"Mga halamang gamot iyan. Alam kong nag-aalala ka sa lagay ng sugat mo. Sana makatulong." Pagkatapos ay hinila niya si Ruce palabas ng bahay.

"Huwag kang tatakas, Liane! Hahabulin kita sa labas at itutuloy ko ang balak na pag-ihaw sa'yo! Naiintindihan mo!" Sigaw ni Ruce na tila isang tuta na nagpatianod sa hawak ni Alliyah sa kanya. Marahas na isinara ni Alliyah ang pinto at naiwan kaming dalawa ni Hellix.

"Ah... matutulog na ako. Isara mo nalang ng maayos ang pinto paglabas mo."

Tinalikuran ko na siya at pumasok muli sa kwarto. Ngunit iniharang ni Hellix ang kamay nito sa pintuan dahilan para hindi ko ito maisara. Tumingala ako at nagtagpo ang aming mga mata.

"Can I talk to you for a moment?"

#

Warning: She The Devil [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon