Liane Point of view
Buong gabi akong tahimik na umiiyak hindi dahil sa pagkirot mula sa patuloy ko na paggalaw para makawala sa tali sa magkabilang kamay ko. Maliwanag na sa labas at hindi parin ako maalis ang tali.
"Kaya niya ba talaga na hindi ako tulungan? Yawa!!! Kapag talaga ako nakawala rito tatadyakan ko talaga ang Hellix na 'yon."
May pagkatok akong narinig sa bandang pintuan. Hinintay ko ang kung sino mang iluluwa no'n. Hanggang sa makita ko ang isang babae na may hawak na palanggana.
"Lalo kang manghihina." Naupo ito sa gilid ng papag na hinihigaan ko.
"Sino ka? At ano yang lalagyan na dala mo? Gagawin niyo na ba akong almusal. Tatadtarin niyo na ba ang katawan ko?" Nakakunot ang noo niya sa sunod-sunod kong tanong sa kanyang. Hindi niya malaman kung ano ang magiging reaksyon nito.
"A friend of that bastard. And this, I'll just clean your wound so you can have breakfast afterwards."
Hinayaan ko nalang siya dahil ngayon ko naramdaman ang pagyakap ng antok sa katawan ko.
"Sigurado akong alam mo kung nasaan ang kaibigan mo, yung tukmol na si Hellix. Pwede pa ba akong pakawalan dahil sisikmurain ko lang ang talipandas na iyon."
Napailing pa ang babaeng nasa tapat ko ma seryoso sa pag punas sa braso ko.
"Sigurado akong sasamaan ka mg tingin ng lalaki iyon sa mga sinasabi mo. Take a nap first, matatagalan ang paglilinis ko sa braso mo dahil natuyo na ang mga ito at kumapit na sa balat mo."
"Paanong hindi matutuyo eh tinapat niyo ba naman sa baga ang katawan ko!? Ano ako? Gagawin niyong litson?"
"Sisihin mo si Niall. Maybe he's worried. Sobrang lamig ng katawan mo kagabi. Marahil nataranta lang siya kaya inilapag ka niya malapit sa apoy."
Lalo lang akong naiinis sa lalaki na iyon. Sa oras na makita ko siya makakatikim talaga siya sa akin na sapak.
***
Tanghaling tapat na at halos maligo na ako sa sarili kong pawis sa sobrang init. Sa pagkakaalam ko ay nasa gubat kami kung saan nakapaligid ang mga puno.
Bakit pakiramdam ko ay nasa disyerto kami ngayon?
Nang maramdaman ko na kaya kong kumilos na ay tumayo na ako. Bahagyang kumirot ang braso ko ngunit hindi ko na ininda pa, lalo lang akong matatagalan sa pagtakas sa oras na magtagal pa ako sa lugar na ito. Baka tuluyan talaga nila akong ilagay sa kawa para gawing ulam.
Hindi ko alam kung bakit hindi na ako itinali pa nung babaeng dumalaw sa akin kaninang umaga.
Nakalimutan ba niya na itali ako sa papag?
Hindi na bale at pagkakataon ko na ito para makawala na. Pagbukas ko sa pinto ay nakakasilaw ang liwanag na sumalubong sa akin. At nang maka-adjust ang paningin ko ay tumambad sa akin ang malawak na palayan. Napapikit akong muli nang tumingin ako sa itaas, napakasakit sa mata ang sinag ng araw.
Tuluyan na akong lumabas ng kubo at nagsimula na akong maglakad sa gitna ng palayan.
Walang kasiguraduhan kung makakabalik ako sa lugar kung saan ako iniwan ni Yuri. Nangangamba ako paano kung nasa gitna muli ng gubat ang mga nilalang na nakita ko kagabi. Bumalot muli sa aking katawan ang takot dahil kung aatakihin nila ako ay wala na akong lakas para lumaban. Nadagdagan pa ang kaba at takot nang may marinig akong boses sa aking likuran at mula ito sa isang lalaki.
"It is dangerous to walk alone."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampirosAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...