Liane Point of View
Maaliwalas ang panahon nang magising ako. Ito na ang huling araw namin sa resort na ito. Gaya ng nauna ay ang napakalawak na dagat ang bubungad na tanawin sa pagbangon ko sa kwartong pansamantalang tinutulugan namin. Sariwa parin ang hangin na pumapasok sa loob ng kwarto at makakadagdag sa magandang umaga ang mga huni ng ibon na malayang lumilipad sa himpapawid.
Bumaba na ako sa kama, nakita ko si Benj na mahimbing parin ang tulog habang yakap yakap ang dalawang puting unan. Nang ihakbang ko ang mga paa ko ay napaupo muli ako sa kama. Napahawak ako sa noo ko nang maramdaman ko pagkirot doon.
"Loka!? Ayos ka lang!" Hinawakan ni Benj ang magkabilang balikat ko at inalog ng walang humpay. Nakapikit pa ang kabilang mata nito, naistorbo ko pa ang pagtulog niya.
"Gaga! Lalo akong nahilo sa ginawa mo!" Umakyat nalang ako ulit sa kama at umayos ng upo. Nasa gitna kaming parte ng kama at magkatapat ngayon.
"Sana lahat walang sun burn." Ipinakita pa ni Benj ang mga braso nito na may mga sun burn. Kumpara naman sa akin na tila wala mang nagbago.
"Hindi ka naman kasi maawat sa paglakwatsa tanghaling tapat nasa tabing dagat ka. Huwag mong sabihing na-miss mo ang pagiging shokoy." Ibinato sa akin ni Benj ang isang unan. Pasalamat siya at may pagka malambot ang unan na iyon at hindi masakit nang tumama ito sa ulo ko.
Mayroong sinasabi si Benj pero hindi ko na iyon nabigyan pa ng pansin dahil may biglang pumasok na mga alaala sa isip ko.
"Na-natuloy ba games kagabi?" Nagtatakang tanong ko kay Benj na natigilan sa pagliligpit ng higaan namin.
"Yung volleyball? Hindi eh, biglang umulan ng malakas kaya pinapasok lahat tayo sa mga kwarto. Baka mamaya itutuloy, sasali ka ba?"
Lalo lang akong naguluhan sa nalaman ko. Ibig sabihin ay panaginip ko lang ang nangyari?
Nagpaalam muna ako sa kanya na pupunta muna ako sa may Cr para maghilamos. Nang tumapat ako sa may salamin napansin ko ang isang kwintas sa leeg ko. Kulay ginto ito at may pendant na hugis buwan.
"Ang bilis mo namang mag banyo-Ano?"
"Alam mo ba kung saan ang kwarto ni Hellix?" tanong kong muli kay Benj nang makalabas ako sa banyo.
Ibinaba nito ang bag niya sa sofa at hinarap ako.
"Actually tayong tatlo ang nasa kwarto na ito pero mula nang lumipat tayo dito, hindi ko alam kung saan naman siya lumipat."
***
Abala ang mga staff ng resort sa paglilinis sa paligid. Kung totoo nga ang sabi ni Benj na umulan kagabi, ano ang ibig sabihin nang mga nakita ko kanina at ang kwintas na suot ko. Hindi ako pwedeng magkamali dahil nakita ko na si Hellix ang nagsuot sa akin ng kwintas.
Nakarating na ako sa likurang parte ng resort, tanging mga halaman at matatandang puno na lang ang nakikita ko. Naisipan kong bumalik nalang sa kwarto hanggang sa may mga pag-uusap akong narinig. Wala akong balak pa na lapitan iyon pero pamilyar ang mga boses na naririnig ko.
"Dancel?" Nasa may hawak na tubo ang tingin ko. Nababalutan ito ngayon ng pulang dugo, ang ilan ay pumapatak na rin sa sahig.
Mahina itong nagmura at umiwas ng tingin sa akin.
"A-anong ginagawa mo?" Nilapitan ko siya at hinablot ang hawak niya tubo sabay hagis nito malayo sa kinakatayuan namin.
"Huwag kang makialam dito, Liane." Masama ang tingin nito sa akin pero nanatili akong nakatayo sa tapat niya.
Hanggang sa may pagputok ng baril ang bumasag sa pagitan namin ni Dancel. Kitang-kita ko kung paano bumaon ang isang bala sa kanang balikat ni Dancel pero wala lang ito sa kanya.
"Stupid." Tanging sabi niya sa lalaking bumaril sa kanya, idinura ni Dancel ang dugo na nasa bibig nito. Nang lingunin ko ang lalaking tinitingnan ni Dancel, nakita ko si Hellix na may hawak na baril at nakaturo iyon sa amin.
"Siya lang naman ang dahilan kung bakit nagkakagulo ngayon. Ano pa bang dahilan para mabuhay pa ang demonyo na 'yan!" Halos mapatid na ang ugat sa leeg ni Dancel sa lakas ng pagsigaw nito, tila hindi nito idiinda ang bala na nakabaon sa balikat nito.
"Mauuna muna kayo, bago ako mamatay." Nakita kong ikinasa ni Hellix ang baril at nakahanda na muling bumaril pero humarang ako sa harapan ni Dancel.
"Tumigil ka na!" Wala na akong pakialam kung pumiyok pa ako sa pagkakasigaw ko. Nagbabasakali ako na marinig niya ang sinabi ko para huminto ito sa gagawin niya.
"Hindi na namin itatago ang gusto mong malaman, Liane. Ikaw rin naman ang may gustong maliwanagan dito kaya ang tanging maipapayo ko sayo ay ihanda mo ang sarili mo."
Naramdaman ko ang pagyakap ni Dancel sa akin at bahagyang kumilos upang umikot, ngayon ay siya na ang nakaharang sa tapat ko.
"Shit!" Saktong pag-ikot namin ay ang pagpapakawala ng bala ni Hellix. Natamaan muli si Dancel sa likuran habang ako ay halos mapaluhod na sa nasaksihan.
"See? Sino ngayon ang kailangan mo katakutan, Liane." Kahit na may mga dugo na walang awat na kumakawala sa bibig nito ay patuloy parin siya sa pagsasalita. Ilang sandali lang ay hindi ko namalayan na nasa labas na kami malapit sa may kakahuyan.
"Hindi ko alam kung bakit itinatago pa ni Niall sa'yo ang mga nangyari kagabi." Hinihingal na sabi ni Dancel habang lumilingon ito sa paligid.
"Kailangan bang patayin niyo si Niall?" Buong tapang kong tanong sa kanya na ikinatigil nito. Humiwalay na ako sa pagkakahawak niya sa akin.
"Kung iyon ang paraan para mailayo ka namin sa kanya."
"Hindi masamang tao si Hellix." Tiningnan ko siya ng diretso sa kanya mata, para lang maiparating ko na totoo ang sinasabi ko.
"Huwag mo na siyang ipagtanggol pa, Liane. Nakita mo kung paano niya ako barilin, diba!?"
"Sino ba ang may kasalanan sa inyong dalawa? Bakit kailangan niyong saktan ang isa't-isa?"
Hindi na nasagot ni Dancel ang tanong ko sa kanya nang biglang sumulpot sa tabi namin si Yuri.
"This is not part of the plan, Dancel."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...