Dancel's Pov
Pareho kaming may bahid ng dugo sa suot naming uniforms. Napansin ko kaagad ang mga mata niya nanlilisik na. Ang pagbakat ng mga ugat niya sa manipis niyang balat mula noo hanggang sa leeg at mga braso niya. Halatang hayok na hayok na ito sa sariwang dugo at bakas na bakas ang pagpipigil nito sa kanyang sarili.
Nananatili itong nakatayo at nakatingin sa katawan ng estudyante na nakahiga sa sahig at hinahabol ang sariling paghinga. Balot ng malapot na dugo ang palad ko na may hawak na kutsilyo.
"Ano bang masama sa pag-inom ng dugo? Hindi ka normal na tao kaya huwag kang mag-inarte r'yan." Hinilamos ko sa mukha niya ang palad ko na basa ng malapot na dugo. Napaatras ito at lumabas ng kwarto.Hinabol ko siya at nahuli ko itong nakaluhod sa sahig. Walang sabing kinuwelyuhan ko ito at hinampas sa sementadong pader.
"Lumaban ka naman! Napakahina mo!" Mga walang emosyon mga mata ang tumambad sa akin nang iangat nito ang mukha niya.
"Isa ka palang lampa. Kung makaasta ka akala mo ang lakas lakas mo dahil ba sa mga kasamahan mo kaya ang lakas ng loob mo-" Malakas niya akong itinulak at hindi pa ako nakakabangon sa pagkakaupo sa sahig ay dinaganan na niya ako.
"Ayokong gumawa ng gulo rito. Kaya manahimik ka!" Tumalsik na ang laway nito sa mukha ko ngunit tanging pagsuntok ang tugon ko sa kanya. Isa, dalawa, tatlo, walang awat ako sa pagsuntok sa mukha niya.
Kumunot ang noo nito na siyang ipinagtaka ko. Wala siyang ginawa kundi tanggapin ang mga suntok na ibinibigay ko sa kanya. Hanggang sa bumangon siya na hawak-hawak ang leeg ko na tila dudurugin na siya sa loob ng ilang segundo. Isang kisapmata ko lang ay wala na ito sa tabi ko. Saan naman nagpunta ang isang iyon?
May pamilyar na amoy ang sumuot sa ilong ko. Siya ba ang dahilan kung bakit siya nawala ngayon. Hinanap ko ang pinagmumulan ng amoy na iyon. Hanggang sa makabalik ako sa detention room."Oh! The lovers." Dahil masakit sa mata ang tagpong nakikita ko at nilapitan ko si Niall, hinila ko ito sabay hampas ng malakas sa pader.
"Don't fucking touch her!"Para siyang lantang gulay ngayon. Hindi ko ito pinakinggan at nilapitan parin ang babaeng tulad niyang walang kwenta. Ipinagtataka ko nga kung bakit nagkaroon ito ng koneksyon kay Gavin gayong alam kong walang interes ang lalaki na iyon dahil sobrang taas ng standards ni Gavin sa mga babae. Nang makita ko itong si Liane na siyang ikinukuwento niya sa amin, hindi man lang pumasa sa standards ang babae.
Kung ako ang tatanungin, hindi ako magsasayang ng oras sa babaeng ito, wala naman kapakinabangan dito. Payat ang katawan, tuyo ang labi maging ang balat nito sa braso. Idagdag pa na sobrang putla nito. Bagay na bagay nga sila ni Niall, mga patapon na.
"Nice meeting you again. Naubos na kasi ang baon kong pasensiya ngayong araw kaya, pasensiya na kung nasuntok-"
Nandilim ang paningin ko dahil may malakas na pwersa ang aking nararamdaman. Bumangon kaagad ako at inalis ang mga tabla sa bookshelve kung saan ako tumilapon. Dala narin na galit ay kumuha ako ng tabla at hinampas iyon kay Niall. Ayoko na sana siyang bumangon pa ngunit may pumigil sa braso ko at ipiniid ako sa malamig na pader.
"Don't vent your anger, Dancel." Tila nabingi ako nang marinig ang boses na iyon. Matagal na rin nang huli kong marinig ang boses nila, hindi pa gaanong rumerihistro sa isip ko ang mga boses dahil sa pananakit ng katawan ko."We don't want to make a mess here, please," dagdag pa nito. Napangisi nalang ako at dinuraan siya ng laway na may kasamang makalawang na dugo.
Ayaw niya ng gulo?Hindi ba nila alam na dahil sa kanila ay nagkagugulo na ang angkan namin at ang Sangreal?
Anong ibig niyang sabihin?
Gusto niya bang tumahimik nalang kami habang pinapatay kami ng bangungot na ginawa nila sa pamilya namin?
Kung gusto niyang tahimik na buhay, hindi kami papayag. Kung iniisip niyang mabuhay sa mapayapa ng pamilya na mayroon siya at mga kasamahan niya, may plano na kami para lumagay na talaga sila sa tahimik ng literal at humimlay.
"We will kill you, one by one, as you did to our families, Lucien."
#
BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampireAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...