Liane Point of View
Isang pares ng paa ang aking makita nang pinilit kong makatayo.
"Huwag ka na magtangka pang tumakas!" Walang pag-iingat na dinakma ng lalaki ang aking leeg at iniangat ako sa ere.
"Kakaiba ang amoy ng iyong dugo. Sigurado akong magugustuhan ng pinuno ang masarap na putahe ng dadalhin natin sa kanya ngayong gabi."
Tumawa pa ito ng malakas na sinabayan pa ng kanyang mga kasamahan.
"Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas na ako dahil sa kawalan ko ng hangin na lalanghapin. Ngunit napaka-higpit ng hawak nito sa aking leeg na tila wala na itong balak pa na pakawalan pa ako.
Unti-unting nang nanlalabo ang paningin ko ngunit malinaw parin sa aking pagdinig ang mga boses sa aking paligid.
"Mas mabuti pang wakwakan na natin ang katawan niya rito bago natin siya ibigay sa pinuno!" Nagsigawan ang lahat sa iminungkahi ng isa nilang kasamahan.
Tuluyan na akong umiiyak dahil hindi ko natupad ang pangako ko kay Benj na ililigtas ko siya.***
Mainit ang pakiramdam ko na tila may malapit na apoy sa aking tabi. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasilaw ako sa liwanag. Hindi nga ako nagkamali dahil may tila bonfire sa tabi ko.
"Am I really going to be grilled?"
Sinubukan kong kumilos ngunit nakatali ang magkabilang kamay ko sa papag kung saan ako nakahiga. Bigla kong naramdaman ang matinding pagkirot sa aking buong katawan dahilan para ako ay tumugil na lang sa pagkilos.
Makikita sa nakabukas na bintana ang madilim na paligid. Mabuti nalang at may apoy sa aking tabi bilang liwanag sa kinalalagyan ko, kahit na masakit na sa pakiramdam ang init nito.
May naririnig akong mga tawanan at nag-uusap sa labas, halos kalalakihan ang mga ito base sa kanilang mga boses. Marahan akong gumalaw ngunit gumuguhit ang hapdi sa aking laman sa sobrang sakit. Balot parin sa sarili kong dugo ang braso at maging ang aking katawan. Kung ano-anong mga insekto na ang nararamdaman kong umaaligid sa akin at madalas ay lumalapit sa aking balat upang kumagat.
Ilang sandali pa ay may marahas na pagbasak ng kung ano mang bagay ang aking narinig. Pinilit kong kumilos upang lumingon sa pinagmulan ng pagbagsak. Isang lalaki ang papalapit sa hinihigaan ko at nang magtagpo ang paningin namin ang halos makalimutan kong lumanghap ng hangin.
"Nahuli po namin siya sa gitnang bahagi ng kagubatan. Pinigilan lamang kami ng inyong kaibigan na siya ay tuluyan." Itinaas nito ang kanang kamay kung kaya't natigilan sa pagsasalita ang isang matandang lalaki na nasa likurang banda nito.
"Maiwan niyo na kami." Ilang buwan ko na ring hindi naririnig ang boses niya. Sobrang tagal ko na ring hiniling na marinig muli iyon pero bakit kakaiba ang pakiramdam ko ngayon.
"They are right that you are here." Umiwas ito ng tingin at pinagmasdan nalang nito ang malaking apoy sa gilid.
"Nico..." Pakiramdam ko ay natuyo ang aking lalamunan at halos hindi ko na marinig pa ang sarili kong boses. Ngunit sa kabila no'n ay malinaw sa akin ang pagpapakawala nito ng mahinang pagtawa.
"You still remember that name I used." Halos makagat ko ang sarili kong dila sa pagpipigil ng sakit nang sinubukan kong gumalaw upang malapitan at mahawakan ko siya. Ang nagpadagdag ng sakit sa akin ay wala man lang itong naging reaksyon na tila bulag.
Hindi ba niya nakikita ang kalagayan ko?#

BINABASA MO ANG
Warning: She The Devil [COMPLETED]
VampirAs the moon grows fuller, anyone else who come into contact with them will be horribly injured and brutally killed. "I will look for you, I will find you and I will kill you." R18 | Complete Note: Do not read this novel if you have not read the fir...